Number # 8: Charmaine Alcatraz

28 0 0
                                    

Kung alam lang talaga nila. Kung alam lang talaga…ang  totoong nangyare…

*flashback*

Third Year palang ako pero naka-arrange marriage na ako to someone else. Dahil sa aking tatay ko na isang negosyante at gusto palawakin ang mga negosyo namin.

“Anak, anak” sabi ni Dad habang naglalakad papunta sa kwarto ko,

Dali-dali akong pumunta sa pintuan at ni-lock ito,

“Anak, please buksan mo na tong pintuan” sabi ni Dad, galit na galit,

“Dad, ayoko na dad. Tama na please. Give me freedom” galit ako

“Anak last na last na to” ano siya, sosyal, kailangan ko din naman ang freedom ko no,

“Hindi ka ba pwedeng dumecline na lang. Kase dad ayoko na. Sobra na talaga.”

“Anak sige na please”

“Alam mo Victor bwiset ka! Bawat galaw at da-daanan ko ikaw na ang nagdesisyon! Tagapagtakbo ng companya mo! Tagapagaral sa school mo at sa Wilsheim! Tapos sa magiging asawa ko pa! Iba na to!” ganito ako pagnagagalit sa ama kong saksakan ng kayabangan at isip trabaho lang,

“Hoy Vince! Wag mo akong matawag-tawag ng ganyan! Baliw ka! Anak kita kaya respetuhin mo ako!”

“Sa tingin mo marerespeto kita! Eh sa aking kalayaan wala ka ng respeto ah”

“Anak para rin to sa kinabukasan mo”

“Baka sa kompanya mo! Asa naman sa akin!” tapos nagkulong na lang ako sa dresser ko. Ganito na ako since noong namatay si Mom. Siguro kong hindi lang namatay ang nanay ko, siguro hindi magiging ganito ang buhay.

Valerie Villahermosa ang pangalan ng nanay ko. Nabuhay lang siya noong bata pa ako hanggang tumungtung ako sa elementary lang. Mabait siyang ina. Parehas sila ng ina ng aking kaibigan na si Wesley. Parehas din namatay ang nanay namin dahil din sa isang sakit: cancer sa dugo-leukemia

                Kaya bespren ko si Wesley. Halos lahat parehas kami. Kaso ang pinagiba eh yung habit nung namatay ang aming ina: siya nagsimula na siyang magdare at comontroll sa desisyon ng tao at ako naman eh tagasunod lang sa mga utos ng ama ko.

Tatlong araw na walang kain at nandon lang sa kwarto, umiiyak dahil gusto kong mabuhay ulit ang aking ina. Gusto ko nandito siya lagi sa tabi ko at hindi hihiwalay pa. Pero wala patay na siya.

                Tatlong araw lang kase may bigla na lang kumatok sa pintuan ko, at hindi na to si dad.

“Vince, si Venice to. Please brother would you mind to open this door, please” sabi ng aking pinakamamahal kong kapatid na babae na si Venice. I’m sure ako na miss na miss niya na ako kasi pina-aral siya ni dad sa abroad, halata naman diba.

Tapos dali-dali ako pumunta sa pintuan at binuksan ito,

Hinug niya ako tapos nagsimula na siyang magsalita, “Brother, how are you? Dad says you kept yourself lock up for three days”

“Sinunggaling yun!” sigaw ko, pagalit,

“Oh please brother, what did happened ha when I was gone?” tapos binitawan niya ako at nagsimula na akong magkwento sa mga nangyare sa buhay ko.

Wrong number (Paused)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon