"Ang tanga tanga mo naman Hera!" sigaw ni Ate Rina, ang panganay sa amin.
Napalingon si Mama, at umiling.
"Ang bobo mo!" sigaw ulit niya at tinuro ako.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, gusto ko lamang humiga at umiyak nalang.
"Oh ano na naman 'yan?" tanong ni Mama.
"'Yang anak mo, masyadong bobo." sagot niya.
Tumakbo ako papasok sa kwarto at umiyak, narinig ko pa ang sinabi ni Mama na, "Sus! Napakadrama."
Kumirot ang puso ko, ang bata ko palang pero nakakatanggap na ako ng masasakit na salita.
Hindi ko alam kung bakit.
Pitong taong gulang pa lang ako, pero bakit ganun? Bakit hindi ko naramdamang minahal ako?
"Oh, ingat ingat. Pag may nabasag ka riyan ay babasagin ko ang ulo mo," banta ni kuya Hell, ang pangatlo sa aming magkakapatid.
Natakot ako sa kaniya kaya't iningatan ko ng mabuti ito, pero sadyang mapaglaro ang tadhana kaya nabitawan ko ito.
Takot na takot ako ngayong nakatingin sa ate at kuya kong masama ang tingin sa akin.
"Bakit ba ang tanga mo?!" sigaw ni Ate Lia, ang pangalawa sa aming magkakapatid.
"P-pasensya na po, Ate." yumuko ako at kinagat ang labi.
"Jusko Kiella, noong pitong taong gulang kami hindi kami tanga gaya mo!" saad niya.
Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakikitungo nila, na parang wala ako sa kanila. Na parang hindi nila ako kapatid.
Walang araw na hindi ako minumura, walang ordinaryong araw sa akin. Normal na para sa akin 'yun.
Naiintindihan ko naman.
Isa akong bobang tanga.
Umiiyak ako ngayon habang kumakanta ng Birthday song, 8th birthday ko kasi ngayon at hindi nila naaalala.
Gusto kong maging masaya, gusto ko ng masayang pamilya.
Pangarap kong magkaroon noon bago man ako bawian ng buhay.
Kahit isang beses lang.
Hinawakan ko ang dalawang tag pisong pagkain na binili ko, ito lang ang nakaya ko dahil hindi naman nila ako binibigyan ng pera.
Bata pa naman ako.
"Hera Kiella!" sigaw ni Kuya Hell.
Takot ako at nanginginig.
Hindi ko alam, bakit ba.
"P-po?" takot kong sagot.
"Pinakialaman mo ba 'yung wallet ko?" ang sakit isipin na ikaw lahat ang may kasalanan.
"H-hindi po, Kuya Hell." saad ko.
"Sinungaling!"
Giniit niya akong kinuha ko ang pera niya.
Gumuho ang mundo ko sa nangyayari.
Ang bata bata ko pa.
Bakit?
Dumaan ang ilang taon kung kailan mag h'highschool na ako ay mas lalo akong nahihirapan.
Kailangan kong umuwi ng maaga para maglinis at magluto, at magising ng maaga para hindi ako ma-late.
YOU ARE READING
Philophobia
General Fiction"L-love," a thing she was scared of. Crying alone, giving the best, but still loses. A life that full of dreams. Hera Kiella Guevarra-played by the fate, killed by the society.