Nanatili akong nakaupo sa isang upuan malapit sa parke, naisipan ko munang ipahinga ang sarili ko sa lahat.
Mga nitong araw kasi ay lagi akong naiiyak sa hindi malaman na dahilan.
Lagi akong puyat at nagmumukhang stressed pa lalo.
Habang nasa malayo ay panay ang tingin ko sa paligid.
Ang dating puno ng kulay, ay naging itim nalang para sa akin.
Nakatuon ngayon ang pansin ko sa isang pamilyang masayang nagkukulitan sa ibabaw ng damuhan.
'the biggest dream of my life, that will never happen'
Napabuntong-hininga ako at tumayo, ayaw kong umiyak ulit. Namamaga na ang mata ko at hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay.
Nakarating ako sa bahay ko, walang bago, ganun pa rin, isa na namang gabi na mag-iisa ako. What's new.
Lagi akong mag-isa.
Simula sa una, at siguro hanggang sa huli.
Natawa ako at binaling nalang ang atensyon sa telebisyon na nasa harap ko.
Nagulat ako nang makita ko ang pangalan ng isa sa minahal ko, ikakasal na siya.
Nadurog ako, hindi ko alam kung bakit. At wala akong balak alamin iyon.
Hindi kaya, kung naging maingat lang ako ay akin pa rin siya?
Ang tanong na iyon ang naging dahilan upang hindi ako nakatulog magdamag.
Tulala sa kalangitan, iniisip kung malulusutan.
Hindi ko na ata mababago.
Nakakalungkot.
Umiyak nalang ako noon at naligo nalang upang umalis, may trabaho ako at kailangan kong gampanan iyon.
"Late ka, ah?" ani Rose–ang kasama ko dito sa kumpanyang pinagt'trabahuan ko.
"Oo, eh. Alam mo na," natawa ako ng konti at nagpatuloy sa paglalakad habang sinusundan niya ako.
Kita ko sa ekspresyon niyang hindi niya nga alam, at walang nakakaalam.
Pamilya man, o kaibigan. Wala.
"Nandyan na ba si Sir?" pag-iiba ko.
Tumango siya at pumasok nalang sa office ng boss ko.
"Goodmorning po," bati ko.
"What?! No way. We have to finish that on time! Ang b'bobo niyo!" he shouted.
Wala nang bago sa akin iyon.
Lagi siyang galit, hindi ko alam bakit.
Hindi niya ata ako napansin dahil sa init ng ulo niya, umupo na lamang ako sa upuan malapit sa kaniyang lamesa.
"Did you arranged the meeting for Mr. Hernandez?" agad niyang tanong.
"Yes, Sir. We will meet him next week." i answered.
Binaling niya ang tingin sa papel at kumunot ang noo.
"How are the sites?"
"Ah, Sir. They called me yesterday, telling na medyo nagkaproblema and i told them to make a solution asap, and don't worry i've already contacted them a while ago, okay na raw po."
"Okay," he replied.
Tahimik lang ako nang biglang dumating ang isa sa mga kasama kong nagt'trabaho rin dito sa kumpanya, si Anne.
"Scheduled na po kayo bukas para kay Mr. Smith po,"
Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang narinig ko iyon.
Makikita ko siya... No, it couldn't be.
Marami ang Smith dito sa Pilipinas, kilala sila. Marami sila, at alam kong hindi siya pupunta rito.
"Okay. Guevarra, what caused you dumfounded. Start your work, you are wasting the gold."
Alam ko amg tinutukoy niyang gold, kaya napangisi ako.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Anne. Pupunta siya! Makikita ko siya!
Pero hindi para sa akin, kung hindi ay para sa negosyo.
Bahala na.
Hindi ako mapakali kaya nung pagkatapos kong mag-encode ay lumapit ako kay Anne at tinanong kung ano ba 'yun.
Wala akong nakuhang sagot dahil ang gulo niyang kausap.
"Guevarra, you will accompany me for tomorrow,"
"As always," i whispered.
Hindi ako makatulog dahil doon, sumaya rin ako kahit papaano dahil hindi ako umiyak. Para akong sinalba!
Hindi ako naiyak nung araw na yun!
Walang ibang naramadamn kung hindi ang excitement.
Maaga akong nagising at dumating sa trabaho.
"Aga, ah?" ani Rose.
"Syempre, baka mabanas ang ssob." biro ko.
"Ayos ah. Nakukuha mo nang magjoke ngayon." saad niya.
Napatigil ako.
Oo nga naman, bakit nga ba?
Nung dati ay panay titig lang ako sa kawalan, seryoso, at tahimik.
Hindi ko alam yun.
Ganun ba talaga ang epekto ni Gil sa akin?
Ang saya saya. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman matapos ang labing anim na taon.
Ang tagal na nun.
Ang tanda ko na rin. Ewan ko ba, hindi ko na alam.
Dumating ang oras kung kailan kailangan naming pumunta sa conference room upang makausap ang partner ni Sir.
Mamaya pa siguro ang kaila Gil.
Natapos ang usapan na wala akong naintindihan. Lumipad ang utak ko sa kung ano ang mangyayari mamaya.
Hindi ko alam bakit nasa restaurant kami ngayon at parang may hinihintay.
"Dito po tayo?"
"Yes, dito naka schedule ang paguusapan namin ni Smith. Bakit? Hindi mo ba alam?" napayuko ako sa bigo nitong tanong. He was disappointed.
"Thought you were a secretary, must know everything about the company."
"Pardon." i apologized.
Hindi na siya umimik at ako rin, hanggang sa maaninag ko ang mukha niya.
Napakagwapo.
Nalaglag ang panga ko, naghuhurumentado ang puso ko.
Hindi ko na alam.
Pakiramdam ko ay isang tingin niya lang ay bibigay na ako.
Ewan ko.
Iyong dating katawan niya ay mas lalong lumaki ang kaniyang muscle, gumwapo siya, at tumangkad.
Lumapit siya sa amin, at umupo sa harap.
Nanatili lang akong tahimik hanggang sa nagsalita siya, "Kailan ba matatapos?"
Alam kong ako ang tinatanong niya. I don't know how easy for him to be so cool in front of me, while i was struggling myself in front of him.
"W-we can a-adjust–" i stuttered.
"Pardon?"
"If you want na mabilisan ang process, we can adjust it naman," i answered.
His features before and now were different, but i can say that his effect on me was still the same until now.
YOU ARE READING
Philophobia
General Fiction"L-love," a thing she was scared of. Crying alone, giving the best, but still loses. A life that full of dreams. Hera Kiella Guevarra-played by the fate, killed by the society.