"Walang hiya ka!" sigaw ko sabay hagis ng mga babasaging plato sa kakapasok palang na asawa ko sa loob ng bahay. Matatamaan na sana ito kung hindi lang umilag.
Sayang...
Binalingan ako nito ng may nag tatanong na mga mata, akma ako nitong lalapitan ngunit dumampot ulit ako ng panibagong plato at walang pag da-dalawang isip na muli itong ihagis sa magaling kong asawa.
Hindi ako nakuntento at paulit ulit akong dumadampot ng mga plato para ipalipad sa gawi ng aking asawa hanggang sa matamaan ang pag mu-mukha nito. Dinaig pa ang librong Encyclopedia sa kapal ng pag mu-mukha, bawat lipad ng mga plato ay isa isang nag huhulugan ang aking mga luha.
"Honey, tama na ano bang nangyayari sayo? binabasag mo na ang mga plato" sambit ng mokong.
Hindi ko siya pinansin at muli sanang da-dampot ng plato ngunit wala na akong makapa sa pinag lalagyan ng mga ito.
Binalingan ko ito at nakita kong naubos na ang mga plato, kaya naman yung mug naman ang pinag- balingan ko at marahas na kinuha. Akmang ipapalipad ko din iyon sa magaling kong asawa ngunit hawak hawak na pala nito ang aking kamay.
Nag pumiglas ako..
"walang hiya ka, bitiwan mo ko, nakakadiri ka!" sigaw ko sa mismong pag mumukha nito.
"ano bang problema hon?"nandun pa din ang bakas ng pag aalala nito.
"anong problema? ikaw ang problema, bagong kasal pa lang tayo ay nambabae ka na!" gigil kong sigaw at muling ng pumiglas sa pag kakahawak nito, nag tagumpay naman ako.
"anong babae ang sinasabi mo honey, ikaw lang ang babae ko" dipensa nito.
"nyeknyek mo! ano yung sinasabi ni Berta na nakita ka niya na nakaparada ang jeep mo sa paradahan?!"
Napakamot ito sa makapal nitong pag mu-mukha at napangisi, "talagang nakaparada ako kasi ng hihintay ako ng mga pasahero, ano sa tingin mo ang ginagawa ng mga jeepney driver honey?"
"kung anu-ano nalang ang pinag sasabi sayo ni Berta" dagdag pa nito.
"may katabi kang babae" tugon ko
"oo, pasahero ko yun"
Nanliit ang aking mata "required ba sa pasahero ang yakapin ang isang jeepney driver?"Nakita kong nagulat ito at hindi naka sagot agad, kaya naman ng patuloy ako sa pag sasalita.
"isang babae na mestiza, blonde ang buhok, dikit ng dikit sa aking asawa na animo'y higad at ang magaling ko namang asawa ay tila nagugustohan ang ginagawa sa kanya." may diin kong sambit.
Hindi nakaligtas sa aking paningin na napalunok ito...
Booom! sapul kang kupal ka!
Pinag krus ko ang aking braso sa aking dibdib at tinaasan ito ng isang kilay "anong nagustohan mo dun eh blonde din naman ang kulay ng buhok ko?"
"hi...hindi ko siya gusto" sa wakas sumagot din ang mokong ngunit may halong pangamba sa boses nito.
Napasinghap ako "sa oras na maulit ito tandaan mo, ako mismo makakakita ng mga kawalang hiyaan niyo" banta ko. At akmang tatalikuran ko na ito ng may maalala ko, kaya muli ko itong hinarap.
"Dyan ka sa sala matulog, ayaw kitang katabi sa iisang kama. Nakakadiri ka! Baka mahawaan pa ako ng AIDS!" yun lang at tinalikuran ko na ito.
******************
Basta Driver, Sweet Lover