V

8 1 0
                                    

5th Saturday

From: Denvriam

What are you doing?

Ang aga naman nito. Bakit ba palagi siyang maaga? Hindi man lang ako binati ng magandang umaga. Char.

To: Denvriam

Kakagising ko lang. Bakit?

Bumangon na ako at inayos ang aking higaan. Kinuha ko ang aking suklay at sinuklay ang buhok ko at tinali pagkatpos.

Tumunog ang phone ko.

From: Denvriam

Today got a nice weather. Beach tayo.

Totoo? Inaya niya akong mag-beach!

To: Denvriam

Sige ba!!!

Agad kong kinuha ang mga panligo kong gamit. Yes, maliligo ako. Wala akong pake kung sa beach man kami papunta. Isang Denvriam Gray ang kasama ko.

Being with him makes me weird. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko namang karaniwang ginagawa. Kagaya ng pag-pose sa camera, pag-aayos, at siyempre, pagligo kahit papuntang beach.

"Sa'n ka na naman pupunta, Cleatacia! Napapadalas na lakwatsa mo, ah!" sigaw ni Mama no'ng nakita niya akong lumabas sa kwarto na may gamit panligo mula sa sala namin habang nanonood ng balita sa TV.

"Ligo kami ng dagat ni Denvriam. Day-off ko naman."

"Bakit ba palagi mong kasama ang Denvriam na 'yan? Nobya mo ba 'yan? Ha?"

Ano ba, Ma. Wag ka ngang ganyan.

"Magkaibigan lang kami. Wala namang malisya ang palaging pagsasama namin." sagot ko.

"Siguraduhin mo lang."

Papasok na sana ako sa banyo namin ng biglang nagsalita ulit si Mama.

"Maliligo ka? Diba sa dagat naman kayo papunta?"

"Oo. Ayokong magmukhang dugyot."

"Naku, Cleatacia, ganyan din ako no'n. 'Wag kang pahalata."

Ngumisi lamang ako kay Mama at umiling. Pumasok na ako sa banyo namin at nagsimulang maligo.

Not all of the times ay strict ang Mama ko at puro sigaw lang sa amin ang nalalaman. She's a mother who can be your bestfriend and sister all at once. You can share your chikas in life with her.

What am I going to wear?

Siyempre kung ano ang sinusuot ng mga tao sa dagat.

Hindi ako makapili ng isusuot. Naguguluhan ako kung saan sa mga bikini na nakabalandra sa higaan ko ang aking isusuot. Should I be conservative? O hindi? I can do both.

I end up picking this bohemian like top-heavy two piece. Nagsuot ako ng denim shorts dahil para naman akong tanga kung naka-bikini lang ako sa loob ng sasakyan ni Denvriam. Mayro'n ako nitong sheer dress na binili ko no'ng nag team building kami with my colleagues last time sa beach na isusuot ko rin.

I packed my things up. I blow dried my hair. Nag-apply ako ng waterproof tint para hindi naman ako magmukhang namumutla.

Inaantay ko siya dito sa harap ng bahay namin. Ti-next niya ako na do'n na daw kami mag-aagahan dahil papunta na siya. Kinakabahan ako. Nagdala pa nga ako ng rush guard baka sakaling na-over dress ako para sa simpleng lakad namin sa dagat.

Inalok pa nga niya ako na mag-overnight kami pero busy ako. Magsisimula na ang project namin and sobrang dami ng mga kailangang asikasuhin. I need to stay hands-on sa tinatrabaho naming project, it's a huge one.

11 SaturdaysWhere stories live. Discover now