Two

44 2 0
                                    

Inis na inis na ako sa bandage na 'to, bwst naman oh! Di pa ako nakakaganti sa bruhang 'yon Auuuuuuggghhh! Kung di lang talaga ako pinagbawalang gumamit ng baril dito, binaril ko na yun sa ulo! Bwst! Bwst! Bwst!

"Oh, anong nangyari sa bandage mo? Ba't nagkasira-sira ang mga yan?" Daph.

Di ba halata na sinira ko ito? Kainis naman, kung anong ikina-ingay ko sa loob siya ring ikina-tahimik ko sa labas! Ano ba naman 'to oh, hangang kailan ba kasi ako mag titiis ng ganito?

Kasalanan ko bang maging anak ng isang napaka-sungit na Inspektor ng bansa para rito ako pag-aralin at mamatyag? Ano namang aakalain niya? Sasabihin ko kung anong naririto? Anong akala niya? Tutulongan ko siya para lang sa ikakataas ng posisyon niya? No way! No! No! Bahala siya sa buhay niya. Mas gu-gustohin ko nalang dumito kesa sa manatili sa puder niya, Bwst!

"Hoy, tinatanong kita." Daph.

Akala ko ba't umalis na ang babaeng 'to? Nakaka-inis naman ang araw nato oh. Nakaka-irita talaga Auuuuggghhhh.

"Ayos lang 'to. Tayo na." Me.

"Hoy, alam mo bang may mga bagong sumali sa bilang natin? Hindi sa grupo talaga natin kundi sa mga gaya natin." Daph.

"Talaga?" Me.

"Oo. At talagang 'di sila basta²." Daph.

Di nalang ako tumugon sa kaniya at naglakad na ng matiwasay, sirang-sira na ang araw ko ayaw ko ng sumabog ako't mawala sa sarili ko.

At pag minamalas ka nga naman, heto na naman tayo tang**a namin eh. Bwst talaga eh. Ano na ba kasing mga kagaguhan ng Ama't Ina ko noon para ganitohin ako ng tadhana. Auuughhhh, Ano ba?!

"Hindi mo parin ba ako sisiputin sa mga usapan natin ha, Ezra?" Kill.

"Alam mong wala akong oras para sa mga ganiyang kalokohan, Kill." Me.

"Wala kang oras o talagang ayaw mo lang sa kagaya ko, Ezra?" Kill.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Kill." Me.

"KILL! NANDITO NA SILA!" Kiel.

"Sino sila, Kiel?" Daph.

"Nandito na ang pinsan ko't mga kaibigan niya." Kill.

"Dito sila mag-aaral? Bakit daw?" Me.

"Wala bang karapatan ang mag-aral sa paaralan ng sarili naming mga magulang?" Anang lalaking kararating.

Napalingon agad ako sa boses na 'yon. Ang boses niya ay masiyadong pamilyar ngunit 'di ko matandaan kung saan ko ito nadinig, astig ang kaniyang tindigan, matangos ang ilong, ang lantik ng kaniyang mga pilik mata, kilay niyang pormang-porma, singkit ang kaniyang mata't ang ganda ng kulay ng mga ito, labi niyang may kakapalan ng konti na bagay na bagay sa kaniya.

May kahawigan siya sa kambal kaya natitiyak kong siya ang pinsan ng mga ito, hindi ko mawari kung bakiy ngayon palang ay may nararamdaman na akong kakaiba rito. Ang init at talas ng kaniyang mga tingin sa akin na tila ba, may nagawa ako sa kaniyang hinding-hindi niya gusto.

MAXIAN UNIVERSITY: Love me or Die?Where stories live. Discover now