Four

17 0 0
                                    

Napag desisyunan ng mag kakambal na sina Kill at Kiel na ipakilala ang kanilang isa sa mga pinsan niya at yon ay ang 'Tangin**g lalaki kaninang hapon' at sa kamalas-malasan nalimutan ko na naman ang pangalan niya, di na ako magtataka dahil itong mga kasamahan ko nga inabot pa ako ng kalahating taon para lang maalala ng tama ang pangalan nila tsk.

Abalang-abala sila sa pag aayos ng silid namin, malawak naman ang bahay na 'to hindi ka naman maho-home sick dahil parang sarili mo na talaga itong bahay kaya kaya na titiyak kong 'di ka talaga lalagnatin pag may na miss ka rito.

"Nag text na ba si Kiel, Woods?" Daph.

"Di pa mahal ko." Woods.

"Malapit lang ba rito yung pinagtayuan ng bahay nila? May napansin ba kayong magarang bahay rito?" Nity.

"Bukod sa atin ay wala na akomg nakitang magarang instruktura rito, pwera na lamang kung doon sila nakatira sa medyo masukal na parte na kung saan malapit sa field." Raise.

"Di naman tayo pu-pwede ron kaya paano mo nalaman na naroon, Raise?" Woods.

"Instinct ang ginagamit niya, Woods. Wala ka non." Nity.

"Bibig mo, Serinity. Umayos-ayos sa boyfriend ko." Daph.

"Duh, di ako takot sayo Daphnie." Nity.

"Aba't!--" Daph.

"Oops! Ayan na naman kayo, ikaw kasi Nity eh. Walang kasing tabas ang bibig mo ang pangit mong mag joke, at ikaw naman Mahal. Yiiiiieeee, kinikilig ako sayo HAHAHAHAHA..." Woods.

"Ezra, pakikuha nga ng basahan sa kusina." Raise.

Tumango nalang ako't tumayo at lumakad patungo sa kusina't hinanap ang nasabing basahan, para saan ba na basahan? Sa kamay? Sa mesa? Sa pang linis? Aaaiisst, ba't di ko kasi tinanong anong klaseng basahan.

Babalik na sana ako sa sala ng sumigaw ito ng basahan sa mesa kaya kinuha ko na ito't nag tungo pabalik sa sala, inabot ko ito at bumalik sa pwesto ko kanina at umopo ulit... Di na nila ako pinasali sa paglilinis dahil ngayon lang naman sila gina-nahang mag linis, buti nalang at may utak din sila. Di puro ako nalang.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko't nag online sa facebook, tamang pa-scroll² lang ng makita ko ang post picture sa fb ni Kiel na nakatag si pinsan niya, Dylan Trigger A. Bernal... Ang guwapo nila rito ah.

Pinindot ko ang mga pictures dito at tiningnang maigi, Li-lima silang naririto... Apat na lalaki't iisang babae, tatlo lamang ang kilala ko sa kanila yun ay ang kambal at si Trigger. Bawat mga pictures nila'y nakatitig lang ako sa kaniya't sa babaeng kaakbay niya, ano 'to? Girlfriend niya? Chixx boy pala ang 'sang 'to.

Maganda rin naman ang babaeng 'to, may kaputi-an, makapal ang kilay, malantik ang pilik mata, naka lip tint siguro to ng medyo pink, ang ganda ng hubog ng katawan ah... Mas maganda nga lang sa akin, malaki kasi ang hinaharap at pwetan ko no, tsk. Papatalo ba naman ako, puti lang siya morena naman ako.

At isa ba't ko nga ba kino-kompara ang sarili ko sa babaeng 'to? Sa ganda kong 'to? Aba! Model kaya ang Mama ko, plus Pulis pa ang Papa ko kahit na masungit yun may dugo kaya yong español kaya na sisiguro kong maganda ako no. Isama mo pa ang mga mata kong mala-gold, see? I'm beautiful!

MAXIAN UNIVERSITY: Love me or Die?Where stories live. Discover now