Chapter 16

232 22 3
                                    

NAKAYAKAP SA KANYA ang binata habang mahimbing na natutulog. Pagod nga talaga sa byahe. Sinusuklay niya ang buhok ng binata at nag ha-hamming siya.

Two years na palang patay ang kapatid nitong si Candys Joy. 'Yon ang sabi ng Ina nito sa kanya. Until now, palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ganito ang inaakto ng boyfriend niya.

Hindi naman masamang umiyak kapag naiisip ang mahal sa buhay na namayapa na. Pero iba kasi ang inaakto ni Josh. Ang sabi nito sa kanya, namatay ang kapatid nito pero hindi nito sinabi na dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa tingin niya, iba ang epekto ng namatay nitong kapatid kay Josh. Probably, close talaga ang dalawa.

"Candys Joy..." wala sa sariling naiwika niya.

"Hindi kaya ikaw ang Joy na tinutukoy ni Josh habang natutulog siya no'ng nagising ako sa kwarto niya?" sabi niya habang nakakunot ang nuo na tinitingnan si Josh.

Patuloy pa rin siya sa pagsuklay sa buhok ni Josh habang mailalim ang iniisip. Ang daming eksenang nag pe-play sa utak niya at ang dami niyang tanong. Mga tanong na tanging si Josh lang ang makakasagot.

"Napaka-mysterious mo naman Josh. Ano ba talagang storya ng buhay mo? Hindi ka naman siguro katulad no'ng nababasa kong story sa wattpad na mga werewolf o vampire no? Pero kahit ganon, kung sakaling vampire ka man o mummy tanggap pa rin kita."

Napansin niyang kumunot ang nuo ng binata, she giggled. Hindi siguro nito nagustuhan ang mga sinabi niya.

"Why hon? Ayaw mong maging vampire? Mga pogi kaya sila tapos hindi pa namamatay." natatawa niyang dagdag.

KASAMA NIYA SI Ellena nang pumunta siya ng Mall para bumili ng ilang blouse at pants. Kunti lang kasi ang nadala niya. Ewan ba niya, tamad talaga siya mag-impake.

Nasanay kasi siya na ang Mommy niya ang nag-iimpake kapag may lakad siya. Mas okay pa sa kanya ang mag shopping ng damit sa Mall.

Napatingin siya kay Ellena na busy kakatingin sa mga doll shoes, mahilig talaga sa sapatos ang dalagita. Parang wala itong problema sa sapatos ang dalagita. Parang wala itong problema habanh nakatingin sa mga doll shoes, hindi niya alam kung maaawa siya rito o hindi. Isa kasi siya sa saksi sa sinapit ng love story nito.

Ellena is nineteen years old, pero umibig na ito sa pinsan niyang may lahing unggoy at duwag. Pero hindi naman ito naging problema sa pag-aaral nito. Until one time...

"Ate Sha, may napili ka na?" tanong nito sa kanya kaya naputol ang pagmumuni-muni niya.

"Ah-eh, oo. Okay na siguro 'to. D'yan ka lang muna ha? Punta muna akong counter."

Dios ko naman, ayokong sapitin ang naging resulta ng love story nila ni Ellena at ng pinsan ko. Bulong niya sa sarili.

Malakas na kulog at kidlat. Walang tigil na pagbuhos ng ulan. At ang walang humpay na pag-iyak ng bunsong kapatid niya.

Naguguluhan si Josh kung anong dapat na gawin kapag ang bunsong kapatid niya ang umiiyak. Mahirap pa naman itong patahanin.

Ganito talaga ang eksena nila kapag kumikidlat at sasabayan pa ng nakakabinging kulog sa kalangitan. Takot kasi si Candys Joy sa kulog at ang pag-iyak lang nito ang maririnig sa Rest House nila.

Chasing the TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon