Chapter 6

480 36 10
                                    

"W-what are you saying?" nauutal niyang tanong.

Yes nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya.

"Are you done moaning my name?" seryosong tanong ni Josh sa kabilang linya.

Buti nalang hindi niya kaharap ang binata. Ayaw niyang makita nitong namumula ang pisngi niya.

"Kung hindi pa ako tapos, anong gagawin mo?" kinakabahan niyang tanong.

"I'll make you moan my name, again and again."

"Bastos! Teka, nasa'n ka ba?" she asked.

"Nasa kwarto. Iniwan mo na naman ako."

Biglang tumaas ang dugo niya nang maalala ang rason kung bakit niya iniwan ang binata.

Bweset na Josh 'to! May pa Joy, Joy pa ito kanina! Tapos ngayon, moan, moan na ang sinasabi nito sa kanya!

Kairita!

Pinutol na niya ang tawag. Naiinis pa rin siya. Sino kaya si Joy sa buhay nito. Hindi niya pa rin maalis sa utak niya ang sinabi ng binata kanina.

Pero ano namang karapatan niyang magalit dito diba? Ni hindi nga niya alan kung ano siya sa binata.

Hindi nga niya alam ang buong pagkatao nito. Tapos ngayon nagagalit siya na may ibang pangalan na binanggit ang binata.

But why she's acting like a jealous girlfriend? Weird.

Hindi pa niya naibabalik ang cellphone niya sa table ng biglang tumunog ulit ito.

She gently shook his head sa pag-aakala niyang si Josh ulit ang tumatawag. But Sir Arante ang nakapangalan sa screen ng cellphone niya.

Minsan talaga assuming tayo eh.

"Hello Sir, good afternoon."

"Hello Ma'am Sha, nasabi na ba sa'yo ni Josh na kayong dalawa ang ipapadala ng department natin sa five days seminar sa Cagayan? Agahan mo ang pagpunta sa University tomorrow because we will have a short meeting para sa magiging set up niyong dalawa doon. Are we clear?"

Cat got her tongue. Anong sinasabi ng Dean nila? Sila raw ni Josh? How come?

"Ahm Sir, bakit po kami ni Josh ang ipapadala niyo?"

"Training Seminar kasi iyon about sa mga Garments and Food Beverages Services na instructor. Since ikaw ang mas bata na instructor sa Garments ikaw ang pinili ko and same rin sa case ni Josh. Any concerns?"

"No more Sir. "

As if naman na may choice pa siya. Five days with Josh are so fuvking ugggggh!

Niyakap niya ang unan niya and she closed her eyes.

Sana, panaginip lang ang lahat.

KINABUKASAN, TULAD NG NAPAG-USAPAN nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa University. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters about sa five days Training Seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue.

Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kanya.

Be professional, Sharon.

Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng University. At may three thousand allowance rin silang matatanggap.

Since, six hours ang byahe papuntang Cagayan de Oro galing sa University nila, mga eleven AM daw ang alis nila. Bukas daw kasi ang start ng Seminar. At para raw may time pa silang maka-relax.

Chasing the TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon