Lagim sa Loida Vista Hospital

1.3K 15 15
                                    

                                                                            KABANATA I

Madilim at maiingay ang sigaw ng kulog na sinamahan pa ng matatalim na kidlat ang mga sandaling iyon. Ang tanging makikita mo ay isang gusali na may limang palapag na ang ilaw ay masisilayan mong nagpapatay-sindi sa bawat bintanang tila kay tagal nang nagsusumamong sila ay mabasag.

kung pagmamasdan mo ang tarangkahan nito ay talagang mapapataas ang bawat balahibo mo sa katawan lalo pa't doon nakatayo ang rebulto ng isang lalaking kalbo na nakangiti ngunit salubong ang kilay.

Sa pinakatuktok ng gusali matatagpuan ang pangalan ng ospital kung saan ang bawat isang titik  na  nakatayo sa roof top nito ay nababalutan ng itim na pintura- "LOIDA VISTA COMMUNITY HOSPITAL" ang ngalan nito. Ipinangalan ito sa unang may ari na si Loida Vista, isang dating hilot o traditional birth attendant mula sa bayan ng Capiz. Sinasabing nakuha nya ang puhunan para makapagpatayo ng ospital mula sa lesbianang espnayol na si Cianas Tibora na naka isang dibdib nya sa Las Vegas makalipas ang apat napung taon mula nung nagsama sla. Nagsimula ang ospital mula sa isang maliit na kubo sa Capiz na tinatawag na "PUEGO de OSPITAL".  Dito pinapaanak nya ng libre ang mga pilipinang nabubuntis ng mga hapon noong panahon ng gera. Marami ang nagtataka kung bakit ang mga sanggol na isinisilang ay walang inunan o placenta. 

Sa kasalukuyan ito ay pinapatakbo ng mga apo sa talampakan ng apo ni Loida Vista sa 

pamangkin dahil nga hindi naman sila maaring mag kaanak ng Lesbianang espanyol.

May mga agam agam na ang ospital na iyon ay nababalot ng misteryo dahil sa maraming reklamong isinasampa dito ngunit ni isa ay walang kahit anong reklamo ang napatunayan sa korte.

"Buhay pasok, patay labas," ito ang naging bansag ng mga taong nakatira malapit sa ospital, sa kadahilanang ang mga pasyenteng buhay pa ng ipasok sa ospital ay kadalasang patay na paglabas dito. Sa kabila nito marami pa ring nagpapaconfine sa nasabing ospital dahil sa mababang singil nila sa lahat ng gastusin, kumpleto rin sila sa kagamitan na madalang na makikita sa ibang ospital sa buong  Mapag-imbot City, Capiz.

sa dakong kanan sa loob na bahagi ng nasabing gusali ay may pader na kung pagmamasdan mo'y kay tagal nang tumatangis dahil sa mga malalansang dugo na tumitilamsik sa tuwing may inooperahang pasyente.

Sa gawing kaliwa naman ay may isang maliit na silid kung saan dinadala ang mga pasyente matapos ang operasyon, doon matatagpuan ang isang pridyider na punong puno ng mga lihim. Itinatago nito ang di mabilang na sikreto na naipon na sa loob ng maraming dekada. Malayo ka pa lang ay umaalingasaw na ang lansa nang mga lihim na nakabalot dito habang  nagdiriwang ang mga mikrobyong galak na galak habang pinagpipyestahan ito.

"Tama na yan!" gigil na sabi ng isang tinig ng babae sa kausap nitong hayok na hayok sa lamang loob at masasaganang dugo.

umiihip ang hangin nang malakas na nagdudulot ng malamig na pakiramdam sa bawat balat na tamaan nito na wari ba'y nagsasabing may panganib sa paligid.

kung igagala mo ang iyong paningin sa  loob noon ay makikita mo ang Anesthesia machine na niyurakan na ng mga mapanirang kalawang,  mga bakas ng dugo na nakapagkit sa bawat tiles ng sahig at mga kasangkapan pang-opera na nakababad sa mga likidong animoy hindi na napapaltan magmula nang ito'y maimbentaryo.

sandali pa ang pag-ngasab nito ay itinigil na nang bahagya.

"Dok, ito na po ang lalagyan ng specimen na ipinakukuha nyo sa akin". wika ni Arina na parang galak na galak nang ilagay doon ng doktor.

"Salamat". sagot naman niya habang inilalagay ang bawat piraso ng specimen na nakuha sa ginagawang operasyon na Mastectomy.

Lagim sa Loida Vista HospitalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon