Chapter 2 (Ronalyn Eryuell)

28 0 0
                                    

Naglalakad sila Rona at Lance papuntang COURT, pero ng makalapit na sila biglang hinila ni Lance si Rona at dinala sa playground.

"Anong ginagawa natin dito? At kailangan talaga kaladkarin talaga ako ha?" galit na sabi ni Rona.

"Sorry naman, kailangan lang talaga kitang makausap, importante!" sabi ni Lance.

"I'll give you 5 minutes para masabi yang gusto mong sabihin" sabi ni Rona.

"May nangyari sa'min ng mortal mong kaaway na si Carol!!" pasigaw na sabi ni Lance.

"Kailangan pagsigawan pa? Di nahiya? Tsaka ano bang pakialam ko, wala na tayo diba!?" sabi ni Rona.

"Di ka man lang magagalit sa kanya?" tanong ni Lance.

"Bakit naman ako magagalit? Hindi na kita pagmamay-ari kaya malaya ka na! Kung gusto mo magkangkangan kayo buong araw eh?" sabi nito.

"Talaga bang wala ka nang pakelam sakin?" tanong ni Lance.

Hindi nakakibo si Rona. Dahil ang totoo ay may feelings parin ito sa kanya pero...

"Oo!, wala na! masaya ka na? sinagot ko na tanong mo! Kaya pwede ba, layuan mo na ako", sabay alis ni Rona. Tumatakbo ito palayo habang umiiyak.

"Rona, bakit di mo sinabing mahal mo parin sya, alam mo namang kukulitin ka parin nun eh?" sabi nito sa sarili.

Pagdating sa Court ay nakita nya sila Francheska, Natalie, Jana at Aimee malapit sa ring. Nagpunas ito saglit ng luha bago lumapit.

"Jana, kanina ka pa dito?" tanong nito kay Jana.

"Oo, nahiya nga ako sa'yo eh? sabi mo mauuna ka na tapos nauna pa pala ako dumating sa'yo dito! Di mo tuloy nakita yung nangyari kanina, tsaka bakit nga pala ngayon ka lang san ka nagladi?" tanong ni Jana.

"Grabe ka naman! Kapag nahuli lang ng dating naglandi agad?" sabi nito.

"Nag-usap sila ni Lance," sabat ni Natalie.

"Ahh, kaya pala, ano nanaman pinag-usapan nyo? hmmm.." tanong ni Jana.

"Ano ba madalas pag-usapan ng dating mag-syota?" sabi nito.

"Hala! niyaya ka nya?" sigaw na sabi ni Jana.

"Hindi noh!? Ano ako kerengkeng?" sabi nito

"Di ako nagsabi nyan" nakangiting sabi ni Jana.

"Maiba tayo, ano nga pala yung sinasabi mong di ko nakita kanina? Ano ba nangyari?" tanong ni Rona.

"Nagka-injury lang naman ang crush na crush mong si Jhay-Ar!" sabay na sabi nila Jana at Natalie.

"Ano!?" pasigaw na sabi nito.

"Ay, baka katabi mo lang kami? Makasigaw 'to kala mo ang layo-layo namin" sabay-sabay na sabi nilang apat.

"Sorry naman, nasan na ngayon si Jhay-Ar? Tsaka sino yung naka-injury sa kanya?" tanong nito.

"Walang naka-injury sa kanya bigla nalang syang napa-upo matapos idakdak ang bola" sabi ni Aimee.

"Kawawa naman mahal ko, nasan nga sya?" tanong nito.

"Sa puso ko" sabi ni Natalie.

Sabay pasok ng kamay sa loob ng bra.

"Hala! Neng di ka nahihiya?" natatawang sabi ni Jana.

"Bakit ako mahihiya, wala naman nakatingin" sagot ni Natalie.

"Nasan nga si Jhay-Ar!!" pasigaw na tanong ni Rona.

"Nasa clinic!!" pasigaw din na sagot ni Aimee.

Pumunta agad si Rona sa CLINIC. Pagpasok nya sa loob laking gulat nya nang makita kung sino ang nagko-comfort kay Jhay-Ar...Si LANCE.

Best Friends 4ever (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon