Chapter 4 (Ronalyn Eryuell-SM with Friends)

38 0 0
                                    

Pagdating sa SM ay nagdesisyon ang TROPA nila na hatiin sa dalawa ang Grupo.

 "Rona, Jhay-Ar, Francheska, Lance and Chino kayo yung unang grupo" sabi ni Jana.

 "Teka lang! Bakit naman di tayo magkakasama?" tanong nito.

 "Ano 'to? Walang hiwalayan, baka nandito tayo sa SM? dahil ba sa kasama si..." sabi ni Jana.

 "Hindi no! Dalawa lang kasi kami girl?" sabi nito

 "Eh ano naman ngayon? Mas masaya nga yun eh" sabi naman ni Francheska.

 "Sige na nga!" pag sang-ayon nito.

 "Ako, Natalie, Nick, Aimee and Kenneth naman ang pangalawang grupo" sabi ni Jana.

 "Makinig kayo guys! Dun tayo magkikita-kita sa harap ng SINEHAN mamayang 4pm para manood!" pagko-command ni Jana.

 "Ok!" pag sang-ayon ng lahat..

 "Bakit kasi kasama pa sa'min si Lance alam naman nila na naba-badtrip ako pagnakikita ko sya." bulong ni Rona sa sarili.

 "Rona! Punta tayo dun," sabay turo sa TOMSWORLD ni Francheska.

 "Sige, mauna ka na, susunod nalang ako." sabi nito.

 "Rona, mag-usap naman tayo please" sabi ni Lance.

 "Ano nanaman pag-uusapan natin?" tanong nito.

 "Dun tayo sa Food Court para makapagsarilihan tayo" pag-aaya ni Lance.

 "Sige, tara" pagsang-ayon ni Rona.

 Habang naglalakad sila ay napapaisip si Rona, "ano nanaman kaya ang sasabihin nito? Iki-kwento nya siguro kung anong ginawa nila ng malanding si Carol?" tanong nya sa sarili.

 Umupo sila sa isang bakanteng pwesto.

 "Rona, pwede bang tayo nalang ulit?" biglang tanong ni Lance.

 Di agad nakapagsalita si Rona sa sobrang gulat. Ikaw ba naman tanungin ng ganun di ka magugulat?

 "Hindi na pwede!" sagot naman nito.

 "Pero bakit?" tanong ni Lance.

 "Dahil ang dumi mo na! Diba sabi mo may nangyari na sa inyo ni Carol? Ibig sabihin natikman ka na ng pokpok na yun!" sabi nito.

 "Dahil lang dun? Di naman yun mangyayari kung sinamahan mo ko nung araw na yun diba!?" sabi ni Lance.

 "Ako pa pala ang may kasalanan?" sabi ni Rona.

  "Rona, ganyan ka na ba talaga ngayon? Di mo muna inaalam kung ano talaga ang nangyari nung mga time na yun!" sabi ni Lance.

 "May maganda bang mangyayari kapag nagpunta ako sa walang kwentang party ni Carol?" sabi nito.

 "Wala, para sa'yo..." -Lance

 "Ang sabihin mo, kahit alam mong mangyayari yun pumunta ka parin! Gusto mo rin yun!" sabi ni Rona.

 Umalis nalang si Rona para di na lumaki ang pag-aaway nila. Pero iniisip nito, "Tama ba na sinabi ko yun sa kanya?"

 "Rona, sandali" paghahabol ni Lance dito.

 "Ano nanaman yun?" tanong nito.

 "Pakinggan mo naman ang paliwanag ko, Rona kailangan pa kita sa buhay ko, di ko alam kung bakit pero MAHAL NA MAHAL parin kita!!" sigaw na sabi ni Lance.

 Wala nang pakiaalam si Lance kung marinig man ng ibang tao ang importante lang sa kanya maibalik niya yung dating sila ni Rona.

"Rona bumalik ka na sa'kin please?" mahinang sabi ni Lance.

 "Pero Lance, hindi na pwede? Kami na ni Jhay-Ar kaya nga siya sumama dito para makasama niya ako" sabi ni Rona.

 Nagulat naman si Lance sa narinig.

  "Pero bakit ngayon mo lang sinabi?" -Lance.

 "Dahil bago lang kami, 2 weeks niya ako niligawan at nung Linggo ko lang siya sinagot, naalala mo ba nung nagpaalam kami ni Jhay-Ar na pupunta lang kami sa TUNNEL malapit sa simbahan? Nung time na yun ko siya sinagot. Ayoko namang sabihin sa'yo dahil ayokong masaktan ka." paliwanag nito.

 "Pero, ano sa tingin mo ang ginawa mo ngayon?" -Lance.

 "Lance sorry," sabi ni Rona.

  Biglang tumugtog ang We Are Never Ever Getting Back Together ni Taylor Swift sa Food Court na kinaroroonan nila. (Yung nasa gilid po na Video yung song)

 "Lance I'm so sorry" sabay takbo ni Rona papunta sa TomsWorld na kinaroroonan nila Francheska.

 Habang tumatakbo siya ay naaalala niya ang mga masasayang memories nilang dalawa ni Lance. Nung magkasama silang dalawa sa Beach na kung saan ginanap ang Anniversary ng grupo nila, ng O.V.E.R. At yung Teddy Bear na bigay ni Lance nung 1st Monthsary nila, at marami pang ibang memories. Pero naputol ito nang tawagin siya ni Jhay-Ar.

 "Rona! Halika dito," pagtawag sa kanya ni Jhay-Ar.

 "Bakit?" tanong nito nang makalapit na sa kanyang boyfriend.

 "Nasabi mo na ba sa kanya? Anong nangyari sa pag-uusap niyo?" tanong ni Jhay-Ar.

 "Oo, nasabi ko na sa kanya, wala namang problema sa kanya ok lang daw sabi niya," pagsisinungaling niya.

 "Ok, buti naman" sabay akbay ni Jhay-Ar kay Rona.

  Malungkot naman silang sinusundan ng tingin ni Lance. Di nito alam ang gagawin, kaya naisip niya nalang na i-text si Nick at Chino para sabihin sa iba na umuwi na siya, biglang sumama ang pakiramdam nito. Pero ang totoo pupunta siya sa BAR para mag-inom.

Best Friends 4ever (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon