Chapter 10

181 4 0
                                    



Nandito kami sa library dahil nangako ako kahapon kay Rue na tatapusin namin 'yong activity ngayong araw. Weekend kinabukasan and for sure wala ni isa samin ang gustong gumawa ng schoolworks kapag walang pasok. I'd rather stay in my room!

"Thank goodness, we're done!"

Nag-inat si Rue ng kamay pagkatapos niyang ma-edit ang lahat ng dapat i-edit sa papel namin. That was one of a heck typing! And don't get me wrong, I volunteered to help but she rejected me kaya hinintay ko na lang siya. Still, sinasabi ko kapag nagkakamali siya ng type o kaya kapag meron akong isang detail na parang hindi na ako sang-ayon pang isama sa papel. 

"Send ko na sa 'yo 'to." dugtong niya.

Tumango ako. Hinilot ko ang leeg at kamay ko habang hinihintay na ma-send niya sa akin ang file. Ako na kasi ang magpri-print. Parehas kaming napasandal pagkatapos. That was so tiring! Ilang beses kami dapat magbasa at mag-tsek dahil kahit halos lahat roon ay galing sa libro, marami rin kaming kinuha sa internet.

"'Wag mong kalimutan 'yong mga sources kasi alam mong yari tayo kapag nagkataon." parang nananakot ang boses ni Rue. "And yes, ikaw ang sisisihin ko kapag nakalimutan mo talaga 'yon."

Lihim akong umirap. Sa tingin niya ba makakalimutan ko 'yon? Sa boses at pananalita niya nga ay baka iyon pa ang unahin kong gawin pag-uwi kesa ang kumain.

"Opo, ma'am." sarcastic na sagot ko. Inirapan niya ako bago siya nagligpit ng gamit niya. She was about to leave when I called her. "Do you want to eat?" paggaya ko sa tanong niya dati.

Actually, gusto ko lang talaga siya ayaing kumain gaya no'ng unang beses dahil parang pagkatapos ng araw na ito ay hindi na mauulit. Saglit ko lang siyang nakasama at dahil pa 'yon sa pag-pair sa aming dalawa pero ewan ko ba kung bakit parang hindi ko makakalimutan lahat no'ng pag-uusap namin. Masungit at nakakalito siya pero aaminin kong masaya siyang kasama.

Ngunit, hindi siya sumagot kaya napairap ako. "Kung ayaw mo e 'di 'wag. It's fine."

Baka ako 'yung hindi masaya kasama.

Isinakbit ko na ang bag ko at handa na rin sanang umuwi nang marinig ko ang sinabi niya.

"Fine, let's eat."

We ordered different foods this time. Mine was carbonara and clubhouse sandwich, at sa kaniya naman ay burger and fries. No'ng una ay tahimik kaming kumakain kaya lang parang bigla akong nabingi sa sobrang tahimik. 

"Sabihin mo kapag may ginawang kalokohan sa 'yo si Kier, akong bahala sa 'yo." umpisa ko.

Nakita ko kasing inaasar ni Kier si Rue kaninang umaga. Parang kaunting pitik na lang sa pasensiya ni Rue ay masusuntok na niya ang lalaki. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng pang-aasar 'yon pero nakita ko pa lang 'yong reaksyon niya ay alam kong nakakapikon 'yon.

I was expecting her to laugh at my words but she didn't, instead she let out a small smile.

"I'll do the same to you, Shannie."

"Kay Kier?" I shook my head. "Takot sa 'kin 'yon."

"I didn't say it's him." she said.

"Sino?" tanong ko.

She shrugged. "Who knows?"

Napailing ulit ako. "Minsan, ang gulo mo."

"Really?" she asked, amused.

"Oo." pag-amin ko sabay inom. "Hindi kita maintindihan kahit alam kong may ibig sabihin 'yong mga salita mo."

Pumangalumbaba siya. "That's how you see me huh?"

My Secret Happiness And PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon