240 The Motel Of Ellezabeth

6 2 0
                                    

-----------------
Simula-- 1234

(Broom...broom...broom)
Sa kotse

"Mama? Bakit po tayo pupunta sa lugar ni papa?" Tanong ko kay mama mula sa backseat ng sasakyan dahil papunta daw kami ngayon sa kanila at saktong mag-aaraw ng patay sa makalawa.

"Ah ano hindi ba darating na ang undas?" Utal ni mama sabay baling sa akin at bigay ng ngiti nakita ko pang humirit si papang sulyapan ako sa review mirror at nangiti na din ito.

Kay sarap pagmasdan na magkakasama kayo at dagdagan pa ng saya na nagtawanan kami sa mga oras na iyon.

Habang andito lang ako sa backseat at tinitingnan ang bawat lugar na nadadaan ay medyo kakaiba pero bakit kaya ito syudad? Ehh parang iba ito sa dapat na makikita ko? Wala man lang na building o gusali na nakatayo pero hanggang dalawang palapag lang ang mga nakatayong stablishemento dito.
Nagpatuloy lang si papa sa pagmamaneho ng sasakyan habang nasa kahabaan na ng byahe ay may nakaagaw eksena sa aking mga mata na dapat ay aking ibenalewala na sa mga oras na iyon, sinilip ko mula sa bintana ng kotse ang nakita ko! At ng makita ko ay parang hinahalina akong pasukin at alamin kung ano man iyon...
Ang bahay este parang hindi naman ay iba ang desinyo at gate pa lang ay parang paraiso kung tatawagin ko old house kung didiretsyuhin ko na hindi naman medyo kalakihan at kagandahan kung sasabihin pero ang sa tingin ko ay isang museum......

*(Biglang napatigil sa mga nasasabi ng isip ko) sa mga nakita ng dalawa kung mata sa bintana ng bahay dahil may kung anong taong nakatingin sa akin na parang kakaiba ang mukha pero parang inaagnas na sa aking mata bigla akong napatingin sa unahan tiningnan ko si papa dahil tumigil siya sa nagmamaneho ng sasakyan....

"Pa? Bakit po kayo tumigil?" Tanong ko dahil sa ganoon ang nangyari
"Alam mo baby, may dumaang matanda sa fidestriyanline, syempre ako naman ay tumigil ng makita ko siyang tatawid" wika niya at nagtango pa sa akin ng napaharap.
"Ah!" Aniya ko sabay pinagekis ang mga braso sa harap ng biglang napasigaw ako ng bumaling ako sa bintana

"Ahhhhhhhh!!!"

"Oh, bakit?" Tanong ni papa sa akin
"Ehh..?" Hindi ko matapos tapos kaya tinuro ko na lang ang bintana at napapikit ako dahil sobrang kalabog ng puso ko.
"Oh ano naman?" Tanong muli ni papa sa akin ng may halong  tawa.
"Y- yong babae..... yong babaing matanda!" Napasigaw pa ako
"hahaha" halakhak ni papa ang umalingaw ngaw sa loob ng kotse "eh wala naman ahh? Umalis na kanina pa!" narinig kong sumiryuso ang tinig ni papa doon
"Ha?" napakunot noo ako at sabay baling sa bintana na totoo at wala naman na ang matanda
Ang bilis naman ata? Sa mga Sandaling iyon ay naging kalmado na ako

(Broom ...broom... broom.....)-tunog ng makina ng sasakyan.

Umalis na nga kami doon at bago iyon ay tiningnan ko mo na ang bahay at ng makatingin ako ay yung matanda ay nasa gate na puro kalawang ang itsura,  biglang ngumisi ng nakakaloko ang matanda agad akong kinilabutan sa ginawa niyang pagngisi, tapos nung pagsulyap ko sa kabuoang bahay ay may maraming mukha ang nakangisi na parang kakaiba na parang patay na at eye bags pa ang nakakapagpalala sa mga itsura nila.

"Creepy!" Wika ko ngunit sa Sandaling iyon may isang mukha ang kakaiba na nababalot ng kadiliman sa kanyang kalagayan..babae ang nakita ko mula sa sulok ng bintana na makahulugan ang awra ng itsura sa mga Sandaling iyon ay parang nanlumo ako at kirot sa dibdib ang umaatikabong sakit na para bang hindi ko maipaliwanag ang dahilan...

"Nakakapanghina naman ng puso!" aniko sabay haplos sa dibdib ko

"Oh anak bakit? Bakit may luha na dyan sa pisngi mo?" tanong ni mama sa akin agad akong napaangat ng tingin sa kaba dahil na kita ako ni mamang umiyak agad kong hinagilap ang pisngi gamit ang mga kamay ko.

240 THE MOTEL OF ELLEZABETHWhere stories live. Discover now