Maviel pov
Ano kayang gagawin namin mag pipicnic tapos ano yon kain lang ng ganon hindi pa kase kami close lahat e pano maienjoy to
Nakabili na kami ng pagkain kaya nag punta na kami sa park tahimik syempre puro mga nag lalandian yung mga tao dito charot hindi naman lahat
Inayos na nila lahat
"Mag laro nalang ulit tayo para hindi boring" nandito pala si hiro hindi ko napansin
"Sige anong laro ba?" Sagot agad ng maharot kong kaibigan na dikit na dikit kay hiro , okay may nanalo na ,pano ako lalapit kay jaxed kung may katabi siyang ahas na tuklaw tuklaw siya bwisett!
"Ahmm. Ano ba kayo mag isip" sagot naman nung babaeng pangit ang pangalan , tumayo ako at tumabi kay kyle hindi ko parin kase pinapansin sila ella
"Psst kyle" bulong ko sakanya
"Bakit?"
"Wala lang ano may naisip ka ng laro" tanong ko sakanya ano bang magandang laro
" Ah alam ko na never have i ever " suhestyon ko kaso lang may alak ba silang dala tsaka bawal ata magdala ng alak dito e kung umalis nalang kami dito
"Wala kaming dalang alak" sagot ni hiro
"Magligpit na kayo tara na " pag mamadali ko sakanila na nag papasimpleng lapit kay jaxed haha
Sinunod naman nilang mga uto uto yung sinabi ko alam ba nila mechanics ng game nayon hindi pa naman ako magaling mag explain
Pano bako mapapalapit kay jaxed nakakastress sila ng pet niya
"Kyle bat hindi mo sakin sinabing may nililigawan na si jaxed" tanong ko sakanya pero mahina lang
"Hindi ka naman nagtanong ah" sagot niya pingutin ko kaya to pilosopo din e
Kinuha ko nalang ang phone at earphone ko tsaka nag patugtog at pumikit wag naman sanang tumulo ang laway ko
Naramdaman ko nalang na tinatapik nako ni kyle kase nga si kyle katabi ko wag ma issue
"Ay tinokla" si jaxed pala ang gumising sakin kinapa ko kaagad ang gilid ng labi ko kung may laway ba halaa salamat wala akong panis na laway thank you lord
Syempre tumayo na agad ako at lumabas, omaygad ang saya pala pag pagmulat mo ng mata yung crush mo agad mo makikita mo
Ng makapasok ay naupo kami sa lapag may lamesang maliit don duon kami nakapalibot lahat
"Pano bayon laruin?" Tanong ni ella
"Kunwari nag tatanong ako like nakipag plastikan ka na ba? Kapag nakipag plastikan kana iinom ka ng alak ganon lang g?" Pag explain ko
"Bakit ganyan ka kung mag tanong parang may pinapatamaan ka?" Pag sabat ni keisha na tumatawa pa
"Bakit natamaan ka ba? I mean gusto mo bang baguhin ko di mo ba naintindihan?" Naiinis talaga ako tuwing nakikita kong nakahawak siya sa braso ni jaxed
"Naintindihan bakit ganyan ka makapag salita may problema ka ba ?"
Ikaw problema ko kanina ko pa kase iniisip na bakit di ka marunong lumugar kung ahas ka sa gubat ka kung hipon ka sa dagat ka buti nalang napigilan ko sarili ko
"Kung may problema bako susulosyunan mo?"
"Tara na mag laro na tayo" pag sabat ni nikka dahil nahahalata na ang tensyon samin dalawa
" Uuwi na lang ako nawala na ko sa mood mag laro, i have to go" tumayo na ko ng naramdaman kong nakasunod sakin si ella
"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya sakin pero di ko siya sinasagot tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at sumakay sa tricycle di parin tumitigil si ella sa pag tatanong habang ako ay deretsyo lang ang tingin ng makarating ay pumasok na agad ako sa kwarto wala ko sa mood makipag talo kay ella
Nakakainis yung babaeng kung makahawak sumuko na ba ako? Wala naman akong karapatan dahil si jaxed naman yung nanliligaw
Ang unfair talaga bakit may mga taong di pwedeng maging satin , bakit di pwedeng magkaron ng siya at ako? Pangit bako? Kapalit palit ba ako then why ? Hindi naman pala naging kame pano ko ipagpapalit
Siguro kakalimutan ko nalang siya dahil umpisa pa lang naman alam kong talo na, iiwasan ko na siya simula ngayon baka sakaling makalimutan ko siya pero di madali siguro kahit ilang beses kong kumbinsihin yung sarili ko na di na siya lolokohin ko lang sarili ko
Nag isip isip lang ako hanggang sanakatulog na ako
Ginising ako ni ella para kumain pero dahil wala ko sa mood kumain di na lang ako bumaba di pa naman ako gutom
Ang tagal tagal ko ng gusto si jaxed at ang tagal tagal ko narin sinasabi sa sarili kong hindi na siya pero ito nag papakatanga pa rin ako
Nag isip isip lang ako hanggang sa naisipan kong lumabas para mag lakad lakad bukas pupunta na sila nikka dito makikita ko nanamn si jaxed pano kung kasama ni jaxed si keisha bahala na
Kakalimutan mo na siya maviel tama na wag ka na mag pakatanga iba nalang wag na si jaxed di mo na gusto si jaxed .....
Bumili nalang ako ng Chuckie para sumaya ng maubos ko na ay umuwi na ako dahil gabi narin pag kauwi ko pumunta na agad ako sa kwarto ayokong makipag daldal -dalan kay ella ngayon
Natulog na agad ako buti nalang dinalaw agad ako ng antok dahil kung hindi kung ano anong ka-negahan ang pumasok sa utak ko
Nagising ako sa sigaw nila ella at nikka ke aga aga sumisigaw silang dalawa sila hiro at kyle lang naman pinag uusapan
Di na rin ako nakabalik sa tulog kaya walang ganang tumayo nalang ako
"Gising ka na pala nanjan si jaxed kasama sila hiro" sabi ni nikka
"Oh anong gagawin ko?" Agad akong nag punta sa cr para maligo
"Bilisan mo jan maviel" sigaw nilang dalawa pero lalo kong binagalan naiinis kase ko pag pinag mamadali ako ng matapos ay todo sermon sila sakin dalawa kesyo pinagmamadali na daw nila ako mas lalo ko pa daw binagalan pero di ko nalang sila sinasagot
Inaya nila akong lumabas syempre dahil makikita nanaman nila yung mga crush nila
Hinayaan ko nalang sila kahit alam kong nandon din si jaxed ano pa bang magagawa ko ng makarating kame sa pinag tatambayan nila narinig kong pinag uusap nila
"Malapit na daw akong sagutin ni keisha bro" halata sa boses ni jaxed ang saya habang ako naman nasasaktan
"Hiro anong pinag uusapan niyo?" Tanong ni nikka nagpapabebe
"Nanjan pala kayo " sagot ni hiro ay hindi wala kame dito pero ngumiti nalang ako sakanila hindi pwedeng ipahalatang nasasaktan ako dahil sa narinig ko
Napag isipan ko na to kagabi dapat wala nakong paki sakanya bakit ba ang hirap makalimot ?.....

YOU ARE READING
Wishing You we're mine
JugendliteraturIt is about a woman who falls for someone who is not destined for her.