CHAPTER 7

34 29 1
                                    

maviel pov

Ng matapos akong kumain ay tinignan ko si jaxed na wala manlang reaction,tumayo ako at kinuha ang plato ko kukuhain ko narin sana yung sakanila ng tumayo si kyle na nginitian pa ako at kinuha ang hawak kong plato, anong meron bat ang bait niya

Nag lakad siya papunta sa kusina, sinundan ko siya pero hindi manlang siya lumilingon sakin

Naalala ko kagabi yung sinabi ko nakipag kaibigan pala ako sakanya kaya siguro nginitian niya ako at hindi sinusungitan dahil friends na kame

Naiisip ko rin yung sinabi sakin kagabi ni ella tungkol sa bet bayon  hindi ko padin alam kung papayag ako  

" Kyle " kinakabahan man ako ay mag fefeeling close nalang ako sakanya

"Oh" tanong niya tinignan ako saglit bago ilapag ang plato sa lababo 

"Kung mag papatulong ba ako sayo para mapormahan ko si jaxed tutulungan moko?" Nakakahiya talaga pero okay narin yon kakapalan ko mukha ko

"Ganyan kaba kamanhid" pahina ng pahina ang boses niya hindi ko tuloy naintindihan ang sinabi niya

"Ano?" Tanong ko sakanya pero nag patuloy na siya sa pag lalakad kaya nag lakad narin ako

Dahil nga bumalik na kami kung san kami naron hindi na ako nakapag tanong kay kyle baka marinig ni jaxed e

Since tinanong ko narin naman kay kyle papayag nako sa bet nila sayang din yon tickets papunta sa korea kaso lang kayo ko ba ?

"Nikka una na kami ni ella" pag papaalam ko ihahatid kami ng driver nila dahil nakarating na ito.

Ng makalabas ay sumakay nakami ni ella sa sasakyan sasabihin ko na sakanya na papayag na ako sa bet

"Ella" tawag ko sakanya

"Bakit papayag ka na ba" tanong niya siguro kanina niya pa iniisip kung papayag ba ako

"Oo" sagot ko parang ang saya ni ella sa sagot ko hahaha 

"Talaga wala ng bawian yan ah"

Bigla kong may naiisip pano kami mapapalapit sa mga crush namin kung dito kami nakatira  e kung lumipat kaya kami malapit kila nikka siyempre mananalo siya kase malapit siya sa bahay nila hiro diba ang unfair kaya lilipat kame

Oo tama lilipat kami " ella ano kaya kung lumipat tayo para mapalapit tayo sa bahay ng mga crush natin ?" Mukhang tangang tanong ko sakanya. Nagulat nalang ako ng batukan niya ako ano bang problema ng babaeng to

"Anong akala mo gano ganon nalang tayo makakahanap ng matutuluyan na kapag gusto mong lumipat makaka lipat ka agad na mas mabilis pa sa kisap mata" pwede namang sabihin kailangan pa babatukan ako? Bwiset na babaeng to sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi nalang umimik hanggang sa makarating kame sa school

As usual inaantok ako pero ayokong matulog baka masigawan nanaman ako ng teacher ko.Math nanaman kase ang subject kaya yung utak ko lumilipad nanaman, bangag, sabog, lutang , wala sa sarili, ano pa ba

Hindi ko manlang namalayan na tumunog na pala ang bell, nagulat nalang ako ng gulatin ako ella

"Ay kalabaw " napahawak pa ako bibig ko "ano ba ella" angal ko sakanya

"Sabog kananaman pumasok kapa wala ka naman natutunan"

" Kala mo me natutunan ka pupunta ko sa bahay ni jaxed sama ka?" Tanong ko sakanya gusto ko na makita si jaxed kahit kanina lang binati niya pa ako

Binatukan nanaman ako ni ella ansakit kaya kukutusan ko na to kundi ko lang pinsan to nilublob ko na sa kanal to ng mag amoy imburnal siya bwiset sinisira ang beauty ko di niya alam pinapangarap ako ng iba jan tas babatuk batukan niya lang ako

"Tara" siraulo din to e gusto naman pala babatukan pa ako.napairap pa ko dahil sa inis pa salamat siya mabait akong pinsan

Nag lakad lang kame pero bago kami pumunta kila jaxed kumain muna kame ni ella ng street food ang sarap talagaaa ng kwek kwek kahit tuloy mainit pa sinusubo ko na pake nila gutom nako

Habang nag lalakad kami  kumakain kame tsaka ng kekwentuhan ewan ko ba kung bakit kame nag lalakad e ang layo kaya non dzuhhhhhh.

"Sumukay nalang kaya tayo,ano lalakadin natin to ang lalayo kaya" hindi ko alam kung bakit bet ko mag taray ngayon.

Gusto rin kaya ako ni jaxed, parang wala namang bago parang wala lang din kaya nga humihingi ako ng tulong kay kyle dahil si kyle lang ang makakatulong sakin sasamantalahin ko na

Tutal friends na kame  friends na ba talaga kami oh feelingera lang ako na friends kame

At yon na nga ang ginawa namin nag tricycle na kami.

Nakita ko pa si kyle na nag lalakad siguro papunta rin siya kila jaxed "kyle" sigaw ko at nakita ko siyang lumingon kaya pinakyu ko siya hahaha para feeling close .

Ang magandang katulad ko dapat kinacrushback dzuhhh ang dami daming gustong nag pakasal saken e arabo nga lang hahaha napatawa tuloy ako sa iniisip ko para kong baliw, si jaxed kase e.




Wishing You we're mineWhere stories live. Discover now