Nagising ako na masakit ang ulo ko at nakaramdam ako ng gutom nasa hospital parin ako hindi ko alam kung paanong nangyari na napunta ako sa hospital pero teka huling naalala ko nahulog ako sa bangin may kasama akong babae agad kong dahan dahang tinangal ang nakadikit sakin na aparato at tumayo palabas ng kwarto ng hospital may lumapit sakin na nurse.
"Excuse me, ms. Bumalik na po kayo sa ward nyo.
"Ah, miss nasan ako?
"Hospital po.
"Oo alam ko ah ang ibig kong sabihin saang lugar.
"Ong City, Ong Hospital
"Anooo??? Teka teka 5 hours travel yun ah papunta sa bahay.
"Huh? Takang tanong ng nurse.Ng may isang nurse na lumapit sakanya.
"Nurse anna, si Mrs. Dela peña sa August 9 daw discharge.
"Ano? Teka next month nayun ha.Nung narinig ko yun napa harap ako sa kanila August? Teka teka.
"Ms. Teka August? Ibig sabihin July ngayon?
"Huh? Oo july
"Baka nag kakamali ka lang j-june ako umalis.
"Bumalik na po kayo sa ward nyo tatawagin ko lang si doc.Napabitaw ako sa pag kakahawak nya sakin at unti unti akong napaatras. At tumakbo sa exit.
"Ms. Sandali lang tawagin mo si doc at security. Yung patient tumakbo.
Tumakbo ako p-palabas ng exit ng makalabas ako nakita ko si felix naalala ko isa pala syang doctor. Maluha luha akong lumapit sa kanya.
"Felix, sigaw ko
Gulat syang tumingin at may pagtataka.
"Ms. Bakit ka nasa labas
"F-felix anong nangyari?
"S-sino po kayo mag kakilala ba tayo?
"Ako to si zo---..
"Callie,,, sigaw ng isang lalaki sa likod ko. At bigla syang lumapit sakin.Naguguluhan ako bakit nila ako tinatawag na callie? Bakit ganito ang reaction ni felix sa akin. Lumapit ako sa sasakyan at tinignan ko ang sarili ko laking gulat ko ng ibang mukha ang nakita ko sa salamin.
"Waaahhhhh, si-sino ka.
Aiden POV.....
*************Pumunta ako sa store para bumili ng makakain habang binabantayan si callie nandun naman si manang sa kwarto kaya okay lang pag balik ko may nakita akong babaeng naka patient gown na tumakbo palabas ng hospital at lumapit sa isang doctor. Teka si Callie yun ha.
"Callie?
Lumingon sya sakin na bakas samukha nya ang pagkagulat at parang naguguluhan bigla syang pumunta sa sasakyan at tinignan ang sarili.
"Waaahhhhh, si-sino ka.
Pinasok namin sya ulit sa hospital at pinaupo sa loob ng kwarto. Hindi sya nag sasalita na parang malalim ang iniisip. Nakausap ko narin ang mga doctor na baka dala ng trauma sa nangyari kaya ganun ang kinikilos nya nakausap ko narin ang lolo nya. Isang buwan narin na binabantayan ko si Callie.
"Callie okay kalang ba?
"Huh? Gusto ko muna mapag isa.Yun lang ang narinig ko sakanya.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto umupo ako sa labas maghihintay ako dito hangang sa maging okay na sya.Zoe soul POV***
Anong nangyayari nanaginip ba ako? Sino sila at ito yung babaeng iniligtas ko noon at kasama kong nahulog sa dagat. Sino sya at panong nangyayari to? Papa napaiyak ako sa nangyari napayakap ako sa mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari to.
"Psst, may narinig ako na batang babae tumatawag sakin.
"Psst
Paglingon ko isang batang maputla na babae ang nasa likod ko.
"S-sino ka? Paano ka nakapasok dito.
"Huh,? Syempre multo ako.
"M-multo gulat na tingin ko sakanya sisigaw na sana ako ng biglang sinabi nya.
"Multo ka rin.Huh? Ako multo? Ahhhhh ang dami ko nang iniisip idadagdag kopa na multo ako sasabog na utak ko.
"Pakiusap wag mo na dagdagan.
"Totoo kaya kulot ang buhok mo na mahaba.
"Pano mo nalaman? Napahawak ako sa buhok ko pag tingin ko straight ang buhok ng babae na ito na kulay itim.
"Diba, sagot nung batang multo daw.
"P-panong nangyari to?
"Maganda yung babae ikaw na multo pangit. Sagot nya.
"Aba, teka nga panlalait nayun."Callie,? Biglang sabi nung lalaki na nasa pinto..
"Huh?
"Sinong kausap mo? Okay ka lang ba?
"O-okay lang ako, napatingin ako sa batang multo.
"Sabihin mo Callie anong problema.
"Ang totoo nyan hin--..
"Pag sinabi mo na hindi ka may ari ng katawan nayan mag tatawag ng paranormal expert yan para mapaalis ka sa katawan nayan.Napatigil ako sa pag sasalita ko at naalala ko si papa kailangan kong puntahan si papa. Tama si papa at yung paraan pano ako makakabalik sa katawan ko.
"Callie?
"Ah, wala wala sabi nakakagutom nuh.
"Ganun ba teka mag papabili ako kay manang ng pagkain.Umalis nayung lalaki sino kaya sya kapatid nitong may ari ng katawan na to? Hmmm, pinsan? Sabagay magkahawig naman.
"Hindi kaya asawa mo o kaya Boyfriend. Sabat ng batang multo.
"Uy, bata bata mo pa alam mo nayan.
"Anong bata, 12 years na akong patay.
"Wehh?? Teka bakit nandito ka?
"Hindi ko rin alam eh, ikaw lang nakakakita sakin.
"Ganun, ba? Wag ka mag alala aalamin natin. Anong itatawag ko sayo?
"Boo,
"Boo? As in Boo.. 👻 hahaha pero kailangan kong puntahan papa ko gusto ko malaman kung okay lang sya kamusta na sya anong nangyayari sakanya ngayong hindi na nya ako kasama.Kinabukasan sinundo ako nung lalaki at dumating kami sa malaking mansyon hindi ko alam kung saang lugar to. Pag pasok namin sa loob maraming katulong na sumalabong sakin at may matandang lalaki na naka tungkod ang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Apo, hija salamat at ayos kana.
Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Hindi ko makita si boo saan kaya yung multo na yun.
At lumapit din sakin yung babae na nasa middle age. At niyakap ako."Hija, callie welcome back.
At yung babae na maganda nasa likod nya tinalikuran ako.
Pumunta kami sa lamesa at nag handa sila ng mga pag kain hindi parin mag sink in sa utak ko ang pangyayari.
"Aiden, salamat sa tyaga kay Callie, bangit ng matandang lalaki
Aiden pala ang pangalan nya.
"Wala po yun,
Tumayo ako at nagtinginan sila sa akin. Hindi ko kaya kumain ng masarap na hindi ko alam kung okay lang ang papa ko o hindi.
"Callie you okay? Tanong nung babae.
"P-pagod po ako.
"Yaya, pakihatid si Callie sa kwarto nya i think she need to take a rest.Pagkahatid sakin sa kwarto hindi ko alam kung kwarto to ang laki ng kama. Pag kaupo ko sa kama biglang pumasok yung magandang babae na parang kontrabida ang itsura.
" i heard what happened,
"Huh?
"Isa din ba to pakulo mo?
"A-anong?
"Come on, Callie alam mo na pauwi na si Ace kaya paawa effect ka dyan.
"Hindi ko alam sinasabi mo.
"Well i guess isa sa mga dirty little tricks mo to.Hindi ko alam kung anong sinasabi nya hindi ko rin alam kung anong klaseng tao si Callie pero sa naalala ko na kasama ko sya sa aksidente hindi sya masamang tao. Hindi ko kinibo ang babae at bigla syang umalis.
At pumasok yung katulong na may dalang tubig para sa akin."Manang?
"Po? Ms. Callie?
"Anong klaseng babae si Callie?
"Po?
"Mabait ba si Callie?
"Hindi ko po kayo maintindihan.
"Dati? Yun yung ibig kong sabihin.
"Eh, ms. Callie okay lang po ba talaga sabihin ko?
"Sige, humarap ako sa kanya at tinignan sya ng mabuti.
"Eh, mabait po kayo nung buhay pa mga magulang nyo. Pag katapos po nun naging masungit at mapili na po kayo at marami po kayong ginawa na mga bagay na hindi po namin inakala.
"Oh? Talaga?
"Oo ganun nga po. Wag po kayo magagalit sa akin ha.
"Ahhh,, nako hindi ah hehe
"Okay lang po ba kayo?
"Haha, oo okay lang ako. Ganun pala si Callie.
"Oo nga pala Ms. Callie pauwi na po si Sr. Ace.
"Sino yun?
"Hindi nyo po na aalala si sr. Ace?
"Ahh, haha hindi ko sya kilala.
YOU ARE READING
Soul~mate Romance 👻
General FictionDo you believe in ghost? Eh yung Sinasabi nila na mag kaiba daw yung soul sa spirit? Is it the same? Eh takot ka bang mamatay? Naniniwala kaba na possible mag switch yung soul ng isang tao sa iba?. Anong mas gusto mo mamatay ng alam mo o hindi mo al...