The second Choice - Chapter 6

79 1 5
                                    

YL's POV

*closer i get to touching you. closer i get to Loving you , give it ......" biglang nagring ang cellpone ko. pagtingin ko si chester pala.

"hello bakit?"

"Dito ako sa 4th floor prism plaza. wait kita ha! " sabay baba niya ng cp.

its  been two months since naging friend kami ni Chester. ewan ko ba pero ang palagay na ng loob ko sa kanya eh. mabait naman kasi siya. yun nga lang. hambog pa din. Poging pogi sa sarili eh. haha. anyway, ayun nga. nag hihintay daw sa 4th floor. laging ganyan yan. hihintayin niya ko pagkatapos ng office hour, tapos didiretso kami sa pinagtratrabahuhan niya. sa J.co, bago niya ko hatid sa bahay.

daily routine na namin yan. di ko nga alam kung bakit ok lang sakin yung ganun eh.

siguro kasi dahil natutulungan niya kong makalimutan ex ko .

"chris. ang sama ko ba?" bigla kong natanong kay chris.

"Masama? bakit mo naisip yan?"

"Eh kc yung kay Chester"

"alam mo kailan man hindi masamang mag move on sa ex mo!"

"eh para kasing rebound si Chester eh"

"rebound? eh diba siya naman yung nagsabe na tutulungan ka niyang makamove on?"

"ou nga. pero kasi ..." di ko pa tapos sasabihin ko nagsalita na agad si chris. nakukulitan na siguro sakin to.. sorry chris :(

" alam mo Ms. Yuuki Lhianna! hindi kasalanan ang maging masaya ka sa ibang tao. yung pagtulong niya sayo para maka-move on kusa niyang ginawa yun. be thankful that there's someone who cared for you.  you deserved to be happy my friend! kaya wag kana mag emote diyan! " pagkatapos niyang sabihin yun. ni lock niya na ang locker niya.

kahit kailan talaga magaling pumunto to si chris eh. daig pa si papa jack eh.

napangiti ako sa sinabe niya at niyakap siya.

"oh bakit may yakap?"

"thanks chris. for always cheering me up. da' best ka talaga eh! sagutin mo na si sheena ha! para may lovelife kna din. bagay kayo eh :D"  hihi. bagay naman kasi talaga sila no sheena eh.

"che! wag nga ako intindihin mo. yung prince charming mo nag hihintay sa prism noh! tara na!"

"che ka din! hahah. prince charming daw!"

natawa na lang ako at hinila na niya ako palabas. kasama ang mga minions.

paglabas namin ng office ay nakita ko na agad si Chester . naglakad agad siya papalapit samin. todo ngiti pa eh.

etong mga kaibigan ko naman kinikilig. -.-"

"yiiieeee" kinikilig na sabe ni mitzi.

"taray ni YL oh! lumalovelife na ulit!" natatawang sabe ni madel

"Basta ako kay papa Chris pa din" hirit ni sheena sabay kapit sa braso ni chris.

nagkibit balikat na lang si chris

"Hi!" nakangiting sabe ni Chester

"sigi na lumayas na kayo sa harap namin at baka maagaw pa yang boylet mo YL!" natawa ang lahat sa sinabe ni Ella

"grabe kayo di niyo na ko mahal!" sabe ko bigla. at tinalikuran sila bigla. pero syempre di ko pa rin sila matiis kaya humarap ulit ako

"iloveyou minions" sabe ko sa kanila with matching kamay ko pa na may hugis puso. ^_^

The Second ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon