Chapter 2

270 22 0
                                    

"FUCK!" Napalo ni Roque ang manibela sa inis dahil sa trapiko. Mahigit kalahating oras na siyang nahinto sa dapat na pupuntahan. "Damn you, Louie!" wika niya sa hangin.

Siya ang sinabihan ni Louie na bumyahe pa-Antipolo para isarado ang isang business deal meeting. Akala niya makakapag-leave siya ng ilang linggo. Matagal na niyang planong lumiban muna sa Wilifs Inc. Bilang chief of marketing at puntahan sa Baguio ang negosyo nilang strawberry farm doon na iniwan niyang ipagkatiwala sa kapatid na babae niyang si Romina.

Gusto rin niyang bisitahin ang lugar nila sa Baguio lagi naman siyang binabalitaan ng kapatid lalo na sa farm na pagmamay-ari nila pero iba pa rin na makikita niya ng personal ang pagbabago sa lugar at sa kung tama pa ba ang itinatakbo ng negosyo nila doon.

Hindi naman niya magawang mag file ng leave dahil sunod-sunod ang pasok ng buwenas ngayon sa W.I. at kailangan siya silang halos lahat na may malaking investment sa Wilifs Inc. Isa rin siya sa inaasahan para sa operation ng marketing department. Sa kanya nakasalalay ang sales ng kompanya at 'yon ang nagpapasakit ng ulo niya ngayon. Pwede niyang utusan ang sekretary niya o ang kahit na sino sa hawak niyang Marketing staffs/assistants. But, Louie insist that he need to be present on the meeting.

Wala na rin naman siyang nagawa nang kausapin siya ni Louie, siya raw ang gustong makausap ng head sa isang Elementary School sa lugar ng Antipolo. Magpapa-gawa ng ilang school cabinets ang nasabing eskwelahan para sa ilang bilang ng silid-aralan, maski ang sa faculty office at canteen na nandoon. Dahil nga isang furniture business ang W.I. isa sila sa nanalo sa bidding.

Padabog na kinuha niya ang cellphone sa gilid niya. Kinontak ang numero ni Louie.

"Yes, Roque?"

"Fuck your yes."

"Anong problema mo?"

"Kailangan ba talaga na ako ang dumirekta sa Antipolo?"

"Sino ang nasa marketing?" Balik na tanong sa kanya ni Louie.

Hindi na niya sinagot si Louie sa kabilang linya. He ended the call. Nailing siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho na hindi naman umuusad. Hindi pa nag-iinit ang cellphone sa katabing passenger seat kung saan niya hinagis ng lapag kanina ay bigla naman iyong tumunog.

Nang tingnan niya ang screen kung sino ang caller. Napasapo siya sa kanyang ulo. It's Angel, ang anim na buwan na niyang girlfriend na hindi niya alam paano mahihiwalayan dahil mahilig itong gumawa ng dahilan na ikinaka-konsensya niya. Napahinga ng malalim si Roque at sa pangatlong tawag ng dalaga niya sinagot ito.

"Yes, babe?"

"Where are you? Kanina pa ako tawag ng tawag," may inis sa tinig nito na palagi naman na niyang naririnig dito.

"Nasa byahe ako. May urgent meeting ako na pupuntahan," sagot niya.

Hindi man niya nakita ay sigurado siyang napaismid ito. "Tuloy ba ang dinner date natin mamaya?"

"Yes," sagot niya kahit hindi siya sigurado. Sa traffic palang na kinakaharap niya ngayon ay malabo siyang maka-abot sa dinner date nila, lalo pa't kapag may date sila nito ay binabagalan niya talaga ang kilos. Sa madaling salita hindi siya masaya sa relasyon na meron siya, Hindi niya nakikita ang sariling masaya kay Angel.

He had a boring life. Kahit pa mayroon siyang girlfriend na tumatakbo naman na sa anim na buwan he felt not complete. May kulang sa buhay niya na hindi niya alam paano mapupunan.

Gusto niyang hanapin kung ano ang bubuo sa kulang na nararamdaman sa sarili na hindi naman niya kaya pang sagutin o hanapin sa ngayon.

"Okay, hihintayin kita sa Restaurant. Wag kang babali sa usapan. I love you so much."

#2 Claimed By Roque Zapanta (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon