Chapter 5

213 12 3
                                    

PASADO alas-onse na nakarating sila Roque sa Manila. Sa condo niya sa Valenzuela City dinala si Reese at Bea, tulog pa rin si Reese kaya minabuti niyang dalhin na ito sa guess room para makapag-pahinga ng maayos. Dalawa ang kuwarto ng tinitirhan niya at gamit niya ang isa bilang masters bedroom.

"S-salamat, Roque. Bukas din ng umaga ay aalis kami ni Reese kailangan namin makabalik agad sa Antipolo dahil may pasok pa siya bukas sa eskwelahan," ani Bea. Naka-sunod ito sa kanya nang dalhin niya ang bata sa kuwarto.

Nang mai-ayos niya ng higa si Reese ay marahan naman niyang hinila ang braso ni Bea papunta sa sala. Sinenyasan niya itong maupo sa one seater sofa. Umupo naman ito at pinag-salikop ang mga kamay sa ibabaw ng hita nito malapit sa tuhod.

Roque sat on the couch. Sa katapat lamang ng inuupuan ng dalaga. "Hindi na kayo babalik ng Antipolo," agad na aniya kay Bea.

Nag-angat ng tingin sa kanya ito. Gulat ang ekspresyon ng mukha. "Roque, hindi pwede. Nag-aaral si Reese doon at nandoon ang trabaho ko. Sasama pa siya sa field trip na meron sa school nila."

Umiling siya. "Hindi na, Bea. Dito na kayong dalawa titira ni Reese."

"Hindi nga pwede, Roque!" Tumaas ang boses nito. May takot na bumalot sa mukha ni Bea. "Ano ang gagawin namin mag-ina rito? Anong karapatan mong mag-desisyon para sa anak ko? Kanina mo lang nakita si Reese. Paano kung hindi mo siya anak?"

Nagtagis ang bagang niya sa narinig. "Maipag-kakaila ba, Beatrice? Sinunod mo sa pangalan ko ang pangalan ng bata, gamit ni Reese ang apelyido ko. At paano mo itatanggi na hindi ko anak si Reese kung kitang-kita na hawig na hawig ko ang bata?"

Hindi nakapag-salita si Bea. Kahit na gusto niyang gisahin ito kanina pa sa mga katanungan na tumatakbo sa isip niya ay kailangan pa rin niyang unti-untiin si Beatrice, hindi niya gustong biglain ito lalo pa't wala naman itong kasalanan kung bakit itinago nito ang pagbubuntis noon. Alam niyang may rason ito kung bakit hindi nito sinabi o kung bakit itinago nito sa kanya na nagdadalang tao ito noon.

Nang makita niya si Bea at si Reese kanina ay bumilis ang tibok ng puso niya lalo pa't nang makita ng mas malinaw ang mukha ni Reese. Kahit pa hindi siya sigurado kanina na anak niya ang bata ay handa siyang panindigan.

He is willing to accept his responsibilities. Siya man o hindi ang tatay ni Reese. Kahit siya ay nagugulat pa sa ngayon, mabilis ang pangyayari pero hindi naman niya hahayaan na palagpasin na lang ang kutob na meron siya kanina.

Mayroon lamang siyang isang business deal meeting kaninang umaga. Hindi niya akalain na makikita doon si Bea. At kaninang pauwi siya galing sa eskwelahan na pakay niya ay nakita niya muli si Bea at bonus pa na may kasama itong bata na nakadagdag ng kuryosidad sa kanya. Sumakto pa na hindi maikakailang dugo't laman niya ang kasama nito.

Hawig na hawig niya si Reese kaya hindi pwedeng magkamali si Roque. Malinaw na sa kanya na anak niya si Reese. Anak nila ni Bea at hindi na niya kakailanganin pa ng DNA Test para mapatunayan na sa kanya ang bata. She knew Beatrice, matino itong babae. Siya ang naka-una rito noon at alam niyang walang kahit sino ang naging nobyo nito kahit nang mag-umpisa at matapos ang ugnayan nilang dalawa ng dalaga.

"R-Roque..." yumuko si Beatrice. Narinig nalang niya ang pag-hikbi nito. "H-huwag mong kunin sa'kin si Reese. Siya nalang ang meron ako. S-sorry kung nagawa kong itago sayo ang anak mo—natin. Wala akong alam na iba pang rason bukod sa ang gawin 'y-yon, bata pa ako noon at hindi alam ang gagawin... w-wala ka na. W-wala ka na sa tabi ko at s-sinabi mo noon na layuan kita."

Bahagyang lumakas ang hikbi nito. "H-hindi ako nakatapos. Third year college na noong nahinto ako dahil nabuntis ako. N-nawala rin ang scholarship ko dahil nalaman ng Dean sa university na buntis ako. H-hindi ko na ipinag-patuloy ang pag-aaral at umuwi na lang ako sa probinsya noon," wika pa nito. Pinunasan nito ang luha. "Namatay ang nanay at tatay ko dahil sa malubhang s-sakit, wala rin kahit isa m-man sa mga kamag-anak ko ang tumulong s-sakin o ang gumabay. A-ako pa ang sinisi nila sa pagka-wala ni Nanay at Tatay. Disgrasyada ang tawag sa'kin, Roque d-dahil nabuntis ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#2 Claimed By Roque Zapanta (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon