Choco-Lover - [ |one-shot| ]

423 41 29
                                    

Choco-Lover - [ |one-shot| ]

ALL RIGHTS RESERVED . 2012

------------------------------------------------------

"Charmis ayoko na! di ko na kaya! ang sakit sakit!" sabi ko habang umiiyak sa may baywalk. bakit ako nandito? kasi isa akong manhid na babaeng di matanggap ang mga sinabi niya.

"sana nakinig nalang ako kila Shane nung sinabi nila sakin na tigilan na siya." saka ko kinutusan ang teddy bear ko na si Charmis. siya yung huling gift sakin ni Tyron bago kami nagbreak kanin alang sa dinner date na ako ang nagset para sana sa 1st anniversary namin bukas.

"isa ka nga pala sa mga bahagi ng katangahan ko sa kaniya. bakit ba kita sinama dito?" saka ko pinalo palo sa ulo si Charmis.

"aay sorry baby. I didnt meant to hurt you." saka ko hinimas himas yung ulo niya. alam ko muka akong tanga na umiiyak dito kahit wala namang ibang tao dito.

"sorry talaga baby." saka ko niyakap si Charmis. lalong nagtuluy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"you know what." halos mapatalon naman ako ng marinig ko ang boses ng isang tao na tila ba may kausap. malakas ang boses niya kaya malamang malapit lang siya.

inikot ko ang paningin ko para makita kung may ibang tao pa ba sa paligid ng ganitong oras. halos mag-a-ala-una na ng madaling araw pero nandito parin ako. wala naman akong nakitang ibang tao sa paligid kaya lalo akong kinabahan. nagtayuan tuloy ang balahibo ko. =__=

"kung sino ka mang laman lupa ka. lumabas ka diyan. hindi ako natatakot sayo." halos pabulong kong sabi saka umakyat sa batong dingding ng baywalk.

"bakit ka ba umiiyak diyan? may problema ka ba?" sabi pa ng boses na lalung nagpatayo ng balahibo ko. pakiramdam ko pati ang buhok ko ay nagtayuan na rin.

"sino ka ba? kung sino ka mang laman lupa or laman dagat ka show me yourself!" tapang tapangan ang peg ko para di obvious na sobrang nerbyos na ko.

lalong nagimbal ang aking katawang lupa ng biglang may lumabas na laman lupa mula sa likod ko! nakatayo siya pero hindi ko makilala kasi naman madilim na. bahagyang sinag lang ng buwan ang ilaw ng mga poste ang nagsilbing liwanag ng gabi.

"kanina pa kita naririnig na umiiyak dito. sana umuwi ka na lang kesa magmuka kang baliw dito." saka niya ako inabutan ng isang maliit na paperbag. ano namang pake niya di ko naman siya kilala.

"ano gagawin ko dito?" saka siya umakyat sa dingding at umupo sa tabi ko.

"goya yan. yung dark. wala na kasi akong pambili ng meiji eeh." sabi niya saka ngumiti. binuksan ko yung paperbag at kinuha yung chocolate.

"akin na lang to?" sabi ko in confuse kasi naman hindi ko siya kilala tapos bibigyan niya ko ng chocolate? sana ganito na lang lahat ng tao sa mundo.

"sure." saka ko binuksan yung chocolate at kinagat. "in one condition." saka ko sinara ulit yung plastic niya at kunwari walang nangyari.

"Hindi sige okay lang ako." saka ko binalik sa paperbag yung chocolate.

"I just want to be your friend again." sabi niya without looking at me.

"sure! yun lang pala eeh. ^__^" saka ko kinuha ulit yung chocolate at pinagpatuloy ang aking bitin na moment kanina. ewan ko pero wala pa siyang ginagawa napangiti na niya ko.

"alam kong mas gusto mo ang meiji black kaysa Goya dark."

"how did you know."

"I --- I just know it." saka ulit siya ngumiti pero nanatiling hindi nakatingin sakin. nginitian ko na lang ulit siya at nagpatuloy sa pagkain.

mahigit limang minuto na akong kumakain ng may maalala akong isang bagay.

'Walang kahit na sino ang nakakaalam na favorite ko ang Meiji Black.'

pagkaubos ko ng chocolate ay hinarap ko ulit siya. "mabalik lang dun sa tanong ko. pano mo alam na gusto ko ang meiji Black more than Goya Dark"

"Mas masarap kasi ang Meiji kaysa goya. lalu na kapag yung black." he paused saka nag sigh. "kasi kahit may bitterness side yung chocolate na yun, still may side siya na mararanasan mo yung lightness and sweetness."

"eehhh?? ang haba ng explanation?" sabi ko then kinuha yung isa pang bar ng chucuyeyt! YEY dalawa pala yun. late ko na narealize.

"parang life kasi yan. kahit nasaktan ka ngayon. malay mo bukas makalawa makikita mo ang sarili mo na masaya na ulit." sabi niya saka ako tiningnan. "ikaw. masaya ka ba?"

ako? masaya nga ba ako? kanina hindi halos madurog ang mundo ko at tumalon nalang dito. pero ngayon? pakiramdam ko sinugo siya ng langit para pangitiin ako.

"oo naman. bakit naman hindi?" alangan kong sagot sa kanya saka kumagat ulit sa chocolate bar ko.

"wala lang. may kilala kasi akong tao na kapag umiyak siya hinding hindi mo siya mapapangiti hangga't di mo siya binibigyan ng chocolate." I heard him chuckle and look at the moon.

wow! parang ako lang. kapag nasimulan ko ng umiyak hindi na ko tatahan hangga't wala akong chocolate. para bang chocolate gives me extra strength and acts like my depressants and stress reliever.

"tapos tuwing kumakain siya ng chocolate lagi niyang sinisiguro na ubos talaga at never siyang nang-aalok. kanya lang daw yun at walang pwedeng umagaw sa kanya nun."

kahit naman ako kapag may chocolate ako hindi talaga ko namimigay. indi naman ako madamot pwera nalang kapag usapang chocolate.

"ang pinaka unforgettable sa kanya." then he chuckled again at humarap sakin. "hindi pwedeng mangyari na walang kalat ang gilid ng bibig niya." saka siya lumapit sakin at pinunasan ang gilid ng bibig ko.

teka lang. parang familiar sakin ang gesture na yun aah. isang tao lang ang gumagawa ng ganun sakin.

"Norvin?" takang takang tanong ko sa kanya. he didn't answer me instead he smiled then look at the horizon of the sea.

"Miss na miss ko na ang babaeng yun. sana naalala parin niya ko." sabi niya then I saw a sparkling thing at the edge of his eye.

out of nowhere I hugged him tight. as tight as I could.

"Namiss kita Norvin. sobra." halos tumulo na ang luha ko sa sobrang saya. siya nga! siya nga ang childhood friend ko! siya nga si Norvin!

"mahal na mahal parin kita Canny Jane. kaso mahal mo siya diba?" saka siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin. natauhan nalang ako sa mga sinabi niya. bigla nalang bumalik ang sakit. sakit na kanina lang ay halos ikamatay ko na.

ano bang dapat na maging reaksyon ko? dapat ba matuwa ako na mahal parin ako ng kababata ko na unang taong nagturo sakin magmahal? o dapat malungkot ako kasi nasasaktan siya dahil nagmahal ako ng iba?

"pero wag kang mag-alala. dahil sa kabila ng bitterness mo sa ngayon." medyo naguluhan naman daw ako sa pinagsasabi ng taong to. 

"Handa akong maging sweet part ng Meiji Black mo." 

-----------------------------------------------------

and they live happily ever after ... XD

~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-

hansave ???

Choco-Lover - [ |one-shot| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon