“hindi naman siguro nila ako pinaglalaruan hindi ba?” bulong ko sa sarili ko habang hinihintay ang dalawa kong kaibigan “tsh subukan lang nila”Nag-aya sila kahapon na magbonding daw kaming tatlo dahil baka bihira nalang na makapagbonding kami lalo na ngayong magsisimula na ang pasukan. Maya-maya nakita ko na ang kotse ni Ambry.
Hm, its true nga nandito na si Ambry eh.
“oh? Ulayon ka man” bungad ko agad kay Ambry pagkalabas niya “halos sarong oras na akong yaon digdi, ano na?”
“haha! Sarong oras ka jan, woi kakarating mo lang din” aniya at umupo sa tabi ko. Wait, paano niya nalaman?
Magtatanong na sana ako pero naunahan na niya ako “nakita ko tsaka mainit pa 'tong motor mo oh impossibleng kanina ka pa nandito kaya don't me, Azaleah Zhein” Oh crap.
Napairap nalang ako “oo na tss. Si Effie? Tagal ah” sabi ko at bumaba sa motor ko. “hmm?”
Tumingin naman sa akin si Ambry at mukhang nakuha kung ano ang gusto kong sabihin “libre time na!” sabay naming sigaw at nagsitawanan naman kami. Hindi namin namalayang may lumapit pala sa amin na tatlong babae na mukhang ewan.
Masama ang tingin sa amin ni Ambry lalo na sa akin, problema nito? Hindi naman kami tumigil ni Ambry kakatawa dahil natatawa rin ako sa tawa niya.
“argh! Can you guys stop at laughing? You both know you're disturbing, right?!” sigaw nito pero hindi kami tumigil sa pagtawa ni Ambry. Hindi naman namin alam na nakakagambala kami eh so bakit kami titigil hindi ba? Haha!
“Girls!” sigaw ulit ng mukhang lider nilang tatlo. Nagsilapitan naman sila sa akin dahil mas malakas ang tawa ko kaysa kay Ambry.
Akala ko ay sila lang na tatlo ang magkakasama pero may lumabas pa na limang babae sa isang sasakyan na may sticker na may mga cartoon characters.
Napataas naman ang kilay ko hindi dahil sa mga mukhang ewan na mga babaeng ito kundi dahil sa sasakyan nilang nakita ko.
Sayang, nandoon pa naman ang paborito kong si Hello Kitty kaya lang ang mga sakay mukhang pusa... pusang gala nga lang.
Mas natawa tuloy ako dahil sa naisip ko.
Natigil lang ako ng may biglang humawak sa panga ko. Pero tumawa ulit ako, swerte niya kung ganoon. Hindi nga lang sa gagawin ko sakanya pero mamaya na nag eenjoy ako sa kakatawa eh kaya tatawa muna ulit ako.
“Hindi ka ba marunong umintindi o hindi mo lang talaga naintindihan ang sinabi ni Boss dahil English?” ani ng may hawak sa panga ko at naramdaman kong humigpit ang hawak niya “ano? Masakit ba?” nagsitawanan sila.
“oh? Ano ba sinabi niya?” kunwaring tanong ko at nakita ko namang ngumiwi si Ambry sa gilid ng mata ko “tsaka hindi, hindi masakit”
“ang sabi ni Boss, tumigil kayo sa pagtawa” maangas niyang sabi at ngumisi “baka mahirapan ka pa kapag English eh kaya tinagalog ko na”
Nagsitawanan naman sila kaya tumawa din ako “tinatawa tawa mo?! Hindi ka ba talaga marunong umintindi ha?!” sigaw niya mismo sa mukha ko. Ngumiwi naman ako dahil sa amoy ng hininga niya, bigyan ko kaya 'to ng toothbrush? Kaso gagastos pa ako kaya 'wag nalang buti sana kung worth it. Mukhang napikon na siya sa ginagawa ko. My turn!
“ikaw yata ang mahihirapan eh kaya tinagalog mo nalang” nakangisi kong sabi at hahawakan sana ang kamay ko pero inunahan ko na siya “nakaisa ka na sa panga, asa ka kung susundan mo pa baka makasanayan mo ewan nalang kung buhay ka pa”
Bigla kong sinipa ang gilid ng panga niya at hinawakan ang kamay niya sabay hila patalikod at sipa sa batok niya. Hindi ako umalis sa pwesto ko kung saan ako nakatayo kanina.
YOU ARE READING
The Exchangerist
Teen FictionKung ang isang bagay na hindi mo aakalaing ay mangyayari sayo at sa buhay mo kung saan naging masaya ang ibang tao sa pagkatao mo, bakit biglaang nagbago? Azaleah Zhein Blieth, yan ang aking pangalan. Hindi makulit, hindi pasaway at higit sa lahat...