PROLOGUE

1 1 0
                                    

Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Anica habang nakikipag usap sya kay Alex. Ramdam nya ang sakit pero di nya magawang mag salita. Tahimik lamang sya habang patuloy sa pag uunahan sa pag agos ang kanyang luha.

"Babe im sorry. Im sorry for giving up. Hindi ko na kaya ang pinapakitang pagkamuhi sakin ng parents mo. I know i dont deserve you. Masyado tayong magkaiba. Tama naman sila tita Emy at tito Lucas. We dont fit to be together."

Bakas sa mukha ni Alex na nasasaktan sya sa pinagsasabi nito kay Anica. Pero buo na ang desisyon nyang makipaghiwalay sa dalaga. Masyado na syang napupuno at nasasaktan sa mga salitang binibitawan ng mga magulang nito. Alam nyang hindi sya nababagay para sa dalaga. Dahil sa magkaibang magkaiba ang mundo nilang dalawa.

"Im sorry for what my parents have done to you. But please Alex dont leave me. I love you so much at kaya kong patunayan sa kanila na you deserve to have me. They cant hind us for loving each other." Hinawakan ni Anica ang magkabilang kamay ni Alex habang humahagulgol sa pag iyak at nagmamakaawang wag syang iwan nito. "Alex please, i dont know how to live without you."  Unti unting nilalapit ni Anica ang mukha nya sa binata upang halikan ito. Pero umiwas ng tingin si Alex.

"Im sorry Anica. I love you too. But i can't take it anymore. Im so down i have to find myself. I promise i will be back. Babalik ako at sa pagkakataon yun sisiguraduhin kong kaya ko nang patunayan ang sarili ko sa mga magulang mo at sayo" Dahan dahang inalis ni Alex ang kamay nya sa pagkakahawak ng girlfriend nya. Mahal na mahal nya si Anica pero di na nya kaya ang mga sinasabi sa kanya ng mga magulang nito.

Sa huling pagkakataon ay hinalikan nya ang dalaga sa noo at hinagkan ng sobrang higpit. "I promise babalik ako. At sana sa pagbalik ko hindi pa huli ang lahat. I love you Anica". Matapos nyang ibulong ang mga pangakong binitawan nya sa dalaga ay marahan syang humakbang papalayo. Kasabay ng kanyang pagtalikod ang pag agos ng mainit na likidong kanina nya pa pinipigilan bumagsak. Nasanay syang hindi ipakita ang pagiging mahina nya sa harap ng kasintahan. Dahil pinapakita nyang matatag at malakas sya sa kabila ng sakit at pag hihirap na pinagdaraan nya.

Parang yelong di makagalaw si Anica at pawang nanigas ang katawan nya habang minamasdan ang kasintahan nyang papalayo.

"No Alex,  PLEASE dont leave me". Pabulong na naisambit ni Anica ang mga katagang iyon sa hangin at halos hindi na nya masilayan ang bulto ng binata dahil sa luhang walang tigil sa pag agos at halos natatakpan na nito ang kanyang paningin.

Naramdaman ni Anica ang panghihina. At paninikip ng kanyang dibdib dahil sa labis na sakit na nararamdaman nya. Napahiga na lamang si Anica at unti-unting  pinikit ang mga mata at tuluyang nawalan ng malay.

*******

Please dont forget to tap the star ⭐ button to vote
VOTE | COMMENT | SHARE

Complicated LoveWhere stories live. Discover now