KABANATA 4

57 2 0
                                    

Kabanata 4

Hindi ako nakatulog ng maayos, halos dalawang oras lang ang naging tulog ko kaya naman parang wala man lang akong kaenergy-energy. Nang maalala ko na mamaya na pala ang simula ng practice namin for flag demo at medyo kinakailangan ko ata gumalaw-galaw. Nang matapos ako maligo ay kaagad ko na isinuot ang uniform ko. Kamuntikan ko pa makalimutan yung mga bagay na kailangan kung dalhin bago ako lumabas sa k'warto.

Bumunggad sa akin si sir Wendel, may kasama siyang isang babae at lalaki ng makababa ako. Dahan-dahan ang naging paglapit ko sa kanila dahil hindi ko alam kung aalis na ba ako o mag-istay.

"Hali ka rito, hija. Siya ang kukuha ng sample for DNA test." Lumapit ako sa kanila, naiilang din ako dahil nakatingin lang sa akin ang babae na nakaupo sa couch. "Siya nga pala ang tita Mariel mo. She's my wife."

Ngumiti ako sa kanya saka bahagyang yumuko bilang pag-galang. Hindi ko kasi alam kung paano ako magbibigay ng galang sa kanya. Nang ngumiti siya pabalik ay tila gumaan ang pakiramdam ko.

"After niyan kumain ka muna bago ka pumunta sa school," tanging sabi niya sa aiin bago na magsimula na kuhanan ako ng samples maging si sir Wendel.

Nang matapos ay saka na ako inalalayan ni tita Mariel papunta sa dining. Siya na rin ang nagsabi sa akin na tawagin ko siyang tita.

"Are you on what grade, dear?" she asked.

"Im a grade 10 student po."

"If you are his daughter, you'll meet your siblings soon. But don't expect to much to your siblings. Hindi sila tulad ng inaakala mo." Nagugulohan ko siyang tiningnan kaya bahagya siyang natawa. "Ang panganay ay babae, hindi siya close kay Wendel dahil sa nanay niya siya lumaki. Ang pangalawa naman ay masyadong prangka, wala siyang pakialam kung nasasaktan ka basta masabi niya ang totoong saloobin niya. Iba na rin ang nanay niya."

"So half lang din po sila?"

"Lahat panganay, hija." Nabilaukan ako dahil sa sinabi niya kaya kaagad niya akong dinaluhan ng tubig. "Hindi mo pa nga siya lubusang kilala."

"May kapatid pa po ba ako?" tanong ko. "Kung sakaling anak nga talaga ako ni sir Wendel—"

She chuckled.

"Sunod ay lalaki, hindi siya close sa sir Wendel mo. Namatay na rin ang mama niya kaya nasa pangangalaga siya ng sir mo. Mas matanda yun sayo ng bale dalawang taon ata. Sunod ang bunso ay nasa grade 7 na, babae rin iyon. Nagkasundo ang sir mo at ang nanay niya na salit-salitan sila sa bata na tanggap na rin ng bata ang sitwasyon."

Sinong mag-aakala na lahat ay panganay. Magkaiba-iba nga lang ang nanay, pero iisa ang lang tatay.

"Mukhang seryoso ang usapan niyo ah." Pareho kaming napalingon kay sir ng pumasok ito sa dining room. "Ihahatid ka ni manong sa school, hija."

Nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko ay kaagad ko itong kinuha sa bulso ko saka ko nakita na tumatawag pala si Adi.

[Good morning. Malapit na ako diyan. Sabay na tayo.]

"Lagot ka sa akin mamaya. Sige, hintayin mo na lang ako sa labas."

[Okay.]

Nang maibaba ko na ang cellphone ko ay saka ako ngumiti sa kanila. "Hindi na po. Kasabay ko po ang kaibigan ko. Kaya ko rin po makauwi rito kaya po mag-isa na lang po akong uuwi."

"Are you sure?" he asked so I gave him a short nod. "Okay. By the way a week will do bago lumabas ang resulta."

Nang matapos na ako kumain ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Nakita ko na nakasandal sa bakod si Adi habang nakasandal ang isang paa sa pader. Naka-earphone rin siya at nasa balikat niya pa ang polo niya. Nang lumapit na ako ay napansin niya kaagad ako.

"Halika na, madam. Malilate na tayo, malayo pa tayo."

Hindi na ako kinausap pa ni Adi tungkol sa nangyayari sa bahay. Hindi ko nga alam kung nagtatampo ba siya or anything.

"Jai, sana talaga siya na ano. Feeling ko kasi yung result na lang talaga ang kulang para mapatunayan kasi totoo naman."

"Sana nga, ate Xy. Kasi kapag hindi pala siya ang tatay ko, inililigaw ako ni mama or lola sa katotohanan." Ate Xy held my hands. "Hindi mawala sa akin na natatakot na baka negative ang resulta."

"Huwag ka masyado mag-isip. Positive lang, positive yan. Sa lahat ng positive, DNA result ang pinakamagandang positive for you kapag nagkataon."

Tumayo na si ate Xy sa akin bilang ate. Tagacheer sa lahat sa amin, minsan napapa-isip ako kung kamusta kaya talaga siya dahil hindi naman siya palak'wento tungkol sa nangyayari sa buhay niya.

"Mauna na ako, Jai. May kailangan ako ayusin sa research paper ko eh."

"Xy, let's go. Oh... hi, Baby." Bati niya ng makita ako. "Hiramin ko muna si Xy, I need her—"

"Mga manggagamit.  Hintayin mo na lang daw dito si Adi. Malapit na matapos ang mga yun, kaunting tumbling na lang."

"You're so talkative, Xy. Let's go, we need to finish it before tomorrow."

"Okay. Okay."

Hila-hila na ni Wenz si ate. Minsan gusto ko na rin komprontahin si Wenz kung bakit ako eh nandiyan naman si ate Xy. Lagi silang magkasama kahit minsan away-bati sila. Bakit kasi hindi na lang si ate ang nagugustohan niya? Kasi ako hindi ko maibalik lahat ng ibinibigay niya sa akin. Kahit sinabi ko na sa kanya na kaibigan lang ang turing ko sa kanya ay hindi pa rin daw siya titigil.

"Love, bakit mag-isa ka?" tanong ni Yuan ng sumulpot ito. "Where the others?"

"Hinihintay ko lang si Adi. Tsaka busy ang iba, ikaw mukhang chill ka lang ah..."

"Don't mention it. Alam mo kahit stress ka na sa research niyo dapat mukha pa rin na hindi para mo mafeel na I did my best. Halata sa aking face."

"Ewan ko sayo, Yuan. Sige na bumalik ka na sa room niyo."

He chuckled while sipping water.

"Sige na nga. Bye, Love. Ingat ka, tsaka sorry busy talaga ako ngayon hidni kita mapagtuonan ng pansin."

"It's okay, Yuan. Wala kang pananagutan sa akin."

"Oo nga naman, wala naman kasing tayo." Pabulong man niya iyon peri sapat na para marinig ko. "Sabihan ko si Adi na nandito ka na at naghihintay."

I nodded.

Lumipas pa ang ilang minuto wala pa ring Adrieve ang nagpapakita. Tatayo na sana ako ng may tumama sa paa ko. Pagbaba ko ng tingin ay nakita ko ang soccer ball. Napatayo ako saka napatingin sa lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

"I'm sorry about that miss. Hindi ko sinasadya." Bumungad sa akin ang pawis na pawis na si Lester. Nakababa na ang bangs niya sa mukha niya dahil sa pawis nito. "Ops sorry, pawis na pawis ako."

"Nah, it's okay." Napaiwas ako ng tingin kaya tumawa siya.

"You're cute. Sorry ulit ah. Una na ako." Tumango lang ako saka bahagyang ngumiti bago niya ako tuluyang talikuran.

Nagulat ako sa bigla na lang pagsulpot ni Adi. "Mukhang maganda ang araw mo ah... naks naman kinausap siya ng crush niya." Panunukso sa akin ni Adi. "Hindi kaagad ako lumapit ng makita ko na magkasana kayo. Naks... baka hindi ka na makatulog niyan mamaya, madam. Baka hanggang panaginip makita mong pawis na pawis si Lester galing sa paglalaro ng soccer." Bahagya kong tinampal ang braso ni Adi kaya natawa siya. "Joke lang naman. Hindi ka naman mabiro tara na nga."

Napatingin ulit ako sa gawi nina Lester habang naglalaro ng soccer. Kung hindi pa pinitik ni Adi ang noo ko baka nakatingin pa rin ako sa soccer field. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nangyari, sana may next time pa.

I NEED A BREAK, LET ME BREATHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon