KABANATA 1

96 3 0
                                    

Kabanata 1

Warning this scene may have contain not suitable for young audience and it contain a self harm and not suitable words for young readers.


Sa murang edad, nakalimutan ko ata paano maging masaya at maging bata. Naiingit ako kasi halos lahat ng kabataan ay may childhood memories na maari maik'wento na kapwa napupuno ito ng saya. Sana ganoon din ako.

Simula kasi ng mabuhay ako hindi ko na naramdaman pa ang mahalin ng isang ina maging ng isang ama. Inaamin ko na umaasa ako pero habang tumatagal napagod na lang ako. Tinanggap kona lang na parang isang hangin lang ako.

"Jaira, halika na. Mamaya pa yung mama mo na yun, pasok ka na. Gabi na, hija."

Gabi-gabi ko hinihintay noon ang nanay ko. Inaasahan ko na madadatnan niya ako sa pag-uwi niya pero parang iwas na talaga siya, ayaw niyang makita ako. Naging si Lola lang ang kakampi ko, laging inaalala ako.

"Leche kang bata ka! Yan na nga lang ang gagawin mo hindi mo pa magawa ng maayos! Napakamalas mo talaga! Nagkadaleche-leche ang buhay ko dahil sayo!"

"Ma, sorry po..."

"Sorry? Ilan pa ba ang sisirain mong bagay dito hah? Umayos ka kasi wala ka na ngang k'wenta hindi ka pa maasahan dito sa bahay!"

Kahit anong gawin ko tila bulag siya, hindi man lang niya nakikita ang mga effort ko. Syempre ginagawa ko naman na ang lahat, sino ba naman ang hindi gugustuhin na mapasaya ang nanay nila? Pero lahat ata talaga ng gawin ko wala eh. Sablay na lang talaga parati.

"Lola, malas po ba ako?" tanong ng akong anim na taong gulang pa lang noon.

"Walang malas sa mundo, sadyang yun lang ang iniisip ng tao. Apo, lahat tayo ay blessing. Lahat ng kung ano tayo ngayon ay galing sa taas, pagsubok lang ito."

"Napapagod na rin po ako, Lola."

"Apo, huwag mong sukuan ang mama mo. Tayo na lang din ang meron siya."

"I can't lose her too, Lola. Pero bawat lapit ko po parang mas lalo siyang nahihirapan, mas lalo siyang lumalayo."

Habang lumalaki ako ganoon ko na rin naiisip na baka kailangan talaga ni mama ng space. Ipinanganak akong wala ang papa ko si tabi namin. Nalaman ni mama na may iba pala itong pamilya, handa siyang maging kabit pero nakipaghiwalay pa rin ang tatay ko sa kanya.

Minabuti ko na lang na hindi na hanapin ang papa ko. Ang alam ko nasa ibang bansa ito, tanging yun lang ang alam ko.

"Lola, darating pa kaya ang araw na mamahalin ako ni mama?"

"Apo, mahal ka noon."

"Ang sakit niya naman po magmahal..."

Halos kaunting pagkakamali ko ay physical niya akong sinasaktan hindi lang emosyonal.  Bugbog, kurot, at kung anu-ano pa ang dinaranas ko. Napapatanong na lang ako sa itaas kung bakit ako? Bakit kailangan ko pagdaanan ang mga ito?

"Alam mo talagang walang amor sayo ang nanay mo kasi kamukha mo tatay mo. Sino ba naman ang matutuwa na makita ang taong iniwan lang kasi walang pera? Kakatawang isipin tatanga-tanga rin nanay mo. Ba't siya naniwala?"

"Tama na po," halos maiyak kong sabi noon.

"Bakit totoo naman ah!"

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng salamin, tinitingnan kong may nakuha man lang ba talaga ako kay mama. Medyo singkit ang mata ko at maputi, ang pagkaputi ko ay tila hindi ako naghihirap. Medyo brown ang buhok na siyang kapareho sa mama ko. Manipis lang ang mga labi ko na tiyak hindi kay mama galing, ang ilong ko ay matangos na siya rin atang nakuha ko kay mama.

I NEED A BREAK, LET ME BREATHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon