Pagkukulang

11 0 0
                                    

Pagod ka na? bakit?
dahil ba sa sobrang sakit?
dahil sa salitang mapanakit?
luha'y tumutulo sa matang nakapikit

hirap at pighati kinakalimutang pilit
paghinga'y parang sumisikip
sa bawat hikbi , kabigua'y sumisilip
pilit iniwawaksi ang sakit na sinasapit

mahal kita, pero di sapat ang salita
kailangan mong madama at makita
na ikaw ay importante at mahalaga
mas matimbang ang gawa kaysa sa salita

iyan ang iyong paniniwala
di kita masisisi dahil ako ay nagkasala
akoy nagkulang kaya di mo dama
ang pagmamahal na alay sayo, parang balewala

relasyong iningatan, mawawala na lang
dahil sa kawalan ng oras at pagpapahalaga
napagod kana dahil sa aking gawa
masakit na nga kaya akoy aalis na

aalis na sa piling mo sinta
para matapos na ang sakit na dala
di ako karapatdapat manatili pa
dahil sobra na ang aking nagawa

mahal kita pero nagdududa ka na
ano pang silbi ng binuong tiwala
kung dimo na madama
ang aking pagmamahal sayo'y pinakita

wag mo sisihin ang sarili mo
dahil ako ang sumira nito
ako ang dahilan ng kaguluhang ito
ako na rin ang magtatapos nang hirap mo

Paalam na, malaya ka na
iiwan na kita, maghanap ka na ng iba
dahil di ako sapat, di rin ako karapatdapat
Paalam na sayo, gusto ko lang sabihin

INIBIG KITA NANG SOBRA AT TAPAT

NGUNIT PARA SAYO, KULANG PA AT DI PA ITO SAPAT....

Patawad nagkulang AkoWhere stories live. Discover now