Chapter 6

35 2 0
                                    

Janella's POV 

*BLAG*!!

"Tama na anak!!" may sumigaw sa akin. Kinuha ko yung flowervase na nasa tabi ko at ibabato na iyon sana kaso may lalaking umawat sa akin. 

"AAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!" Hinawakan ko yung ulo ko dahil sobrang namimilipit na ito sa sakit. 

Binato ko nang malakas yung flowervase na dapat kong ibabato kanina. 

Napaluhod at napaiyak naman ang babaeng nasa harapan ko ngayon. 

"Please calm down." sabi ng lalaking umawat sa akin kanina. 

Nahihilo ako. Parang lahat ng nakikita ko umiikot. 

But it just lasted for a minute at nagwala nanaman ako. Hinagis ko na lahat ng makikita ko. Nasira pa nga ata yung paa ng upuan dahil sa lakas ng balibag ko. 

"PWEDE BA TUMIGIL KA NAAA!!!" sigaw ng lalaki at hinawakan ang magkabila kong braso.

Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay natahimik ako saglit at sumigaw..

"SINO KA BAA??!!!" 


At umalis na ako dun sa kung nasaan man ako. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

5 hours later.. 

Napamulat ako dahil nilalamig ako. Tinignan ko ang paligid.. Ahh! Nasa park ako na malapit sa bahay namin. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako dito sa bench. 

Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay...

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko. 

Lahat ng gamit gulo gulo,parang binagyo ata tong bahay namin? Nakita ko sa gilid si Daddy na nakaupo sa salas at parang may problema,Si Mommy naman ay todo ang pagiyak. Anong nangyari?

"Mom.. Dad..." 

napatingin silang dalawa sa akin. Napatayo si Daddy at niyakap ako ng mahigpit ni Mommy..

"Ano pong nangyari??" tanong ko..

"Inatake ka nanaman ng sakit mo anak eh.." sagot ni Daddy. 

"Mabuti pa at magpahinga ka nalang sa taas. Bukas nalang tayo magusap.." -Daddy.

Tumango ako at umakyat sa kwarto. Lumundag ka agad ako sa kama at niyakap ang unan ko.. Tears start falling from my eyes.. Bakit kailangan ko pang magkasakit na ganito? Naiiyak ako dahil sobra ko nang napapahirapan sila Mommy.. Lagi lagi nalang umaatake yung sakit ko..

Hindi na ba ako gagaling??

Marlo's POV

"Just continue to eat proper diet,exercise daily,huwag masyadong magpapagod and keep attending check-ups weekly. Okay?" - sabi ni Doc. Kakatapos ko lang kasi mag-maintenance therapy. 

Lumabas na ako sa clinic at pinuntahan si Mama na nagaantay sa akin sa waiting area. 

"Are you okay? Is the theraphy fine?" alalang tanong ni Mom.

Tumango nalang ako at nauna nang umalis sa clinic.

Stucked in an IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon