Chapter 3

62 2 0
                                    

Nadine's POV

"Akin na nga yang baon mo! Dali!" Ayan nanaman sila. Lagi nalang nilang kinukuha yung baon ko. Wala naman akong magawa kasi kung hindi ko binigay sakanila ang baon ko baka makikita ko nanaman yung bag ko na nasa basurahan o di kaya pagdating sa classroom aasarin nila ako ng aasarin.

Kinuha ko yung 100 pesos sa bag ko at binigay sakanila. "Eto lang?" tanong ni Bea na leader ng kanilang grupo. Tumango ako. 

"Hindi ako naniniwala." sabi nung isa nilang member. 

Nagulat ako dahil bigla akong hinawakan ni Bea sa kwelyo. "Ibibigay mo o hindi?" 

Kinuha ko ang wallet ko at binigay lahat ng laman nun. "Madali ka lang naman palang kausap eh. But wait. Ang cute ng wallet mo,Ang panget mo. Hindi bagay. So akin nalang ha!" sabi ni Bea at nagtawanan yung buong grupo nila paalis.

Hayy.. Kailan ba matatapos ang pagbubully nila sa akin?

______________________________________________________________

James' POV

"ANO KA BA JEFF! LAGI NALANG BANG GANITO?!" narinig ko nanaman silang nagaaway 

"PLEASE TANYA,AYOKO NA NG AWAY." 

"EH IKAW NGA 'TONG NAGUUMPISA EH! MAY NAGTEXT SA AKIN NA NAMBABABAE KA DAW!"

"PWEDE BA? MAS NANINIWALA KA PA DUN KESA SA AKIN?" 


Sumilip ako ng konti para makita sila.. At talagang gusto ko pa talaga makita no? Haha.. :/

Kinuha ni Mama ang phone niya at may pinakita kay Papa.

"EH ANO ITO?! NAKIKIPAGLAPLAPAN SA BABAE! SINONG HINDI MANINIWALA?!"


Napahawak sa noo si Papa at pumunta sa kwarto nila. 

Ilang minuto ang nakalipas at lumabas si papa na may hawak hawak na mga bagahe.

"Anong gagawin mo?!" tanong ni Mama.

"Ayoko na dito! Lagi nalang tayong nagaaway! Pagod na ako!" sabi ni Papa at umalis na.

Si Mama naman napaupo sa kusina at nagsimulang umiyak. Hindi ko na din napigilan na maiyak dahil kung mararamdaman niyo lang kung gaano kasakit makita ang nanay mong umiiyak. 

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.. Tinignan ko ang family picture naming 3 nila mama at papa... Napangiti tuloy ako.. Pero maya maya,May tumulong luha na sa unan ko..

Stucked in an IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon