<AIKA>
"aika, si hiro ba yun?"
"huh?saan?" tanong ko.
"ayun oh may kasamang babae!"
tinignan ko kung saan siya nakaturo. Ouch! ang sakit naman mahirap pala magmahal na hindi ka mahal ng taong gusto mo.
Tinignan ko silang dalawa ang sweet sa kanya ni hiro magkaholding hands sila at nakasandal yung babae sa dibdib niya.
Ang sikip sikip ng dibdib ko. Simpleng hawak kamay at sandal lang nasasaktan na ko. Ganito ba talaga ang love. Sana ako na lang yung babae.
"aika ok ka lang, ito oh panyo!" sabi ng bestfriend ko sabay abot ng panyo.
Di ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Di ko kayang tignan sila ng matagal kaya inalis ko na ang tingin ko at umalis na ko sa pwesto namin.
Nga naman sino ba ko eh mas maganda yung babae kaysa sa akin. Tsaka magkaibigan lang naman kami.
Nakarating ako sa room. Agad akong umupo at tumungo sabay sa pagtulo ng luhang pinipigilan ko kanina pa bago makarating kung saan man ako.
No, hindi ako iiyak malakas ako yung taong masayahin pero bakit ngayon nag eemote tsk! di ako to. Tumunghay ako at inayos ang sarili ko para pag pumasok ang mga classmate ko di na ko mukhang haggard.
"ok ka na?" tanong ng bestfriend ko. oo nga pala siya si Shainee Park
"oo naman ako pa si aika ata to" masaya kong sabi
maya maya pumasok na ang mga kaklase namin.
"yow aika teka ano yang nangyari sa mata mo umiyak ka ba?" tanong ng baliw kong kaklase. actually hindi talaga siya baliw loka loka lang.
"wala to nag unahan lang kami umiyak ni Shainee alam mo ba kung sino ang nanalo no other than its me!" masaya kong sambit with matching talon talon.
"talaga eh hindi nga halata na umiyak si Shainee kasi hindi namumula ang mata niya." sabi niya
"eh pano ba naman ako lang ang umiyak sa paligsahan namin ang duga niya." naka pout na sabi ko.
"hahaha oo tsaka ayoko masira ang beauty ko kaya di na lang ako umiyak." sabi ni Shainee
"tsk epal di kinakausap sumasabat.!" mataray na sabi ng kaklase ko sabay alis niya.
"tsk! panget kasi kaya bitter!" bulong ni Shainee.
"hoy ano ano binubulong mo diyan eh naririnig naman." sabi ko.
"whatever! Sinungaling." she said sabay irap.
Nag pout lang ako biglang bumukas ang pintuan ng room kaya umayos ako ng upo, akala ko si maam yun pala si hiro lang ang pumasok. Naglakad siya papuntang upuan niya at umupo.
Di ako makakilos ng maayos dahil ang upuan na tinutukoy kong upuan niya ay walang iba kundi ang sa tabi ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko kaya lang ayoko na muna makaramdam nito kahit ngayon lang para di muna ko masaktan. Ngumiti lang ako sa kanya and he smile back.
Pumasok na din sa wakas ang teacher namin. Kinuha ko na ang Filipino book namin.
"class buksan niyo ang libro sa pahinang 241. Ok may dalawa uri ang gumaganap sa bawat story ang isa ay protagonista at antagonista." paliwang ni maam.
"ano ang protagonista?" tanong ni maam.
Nagtaasan naman kami ng kamay para sumagot.
"Shainee!" tawag ni maam
tumayo siya at sumagot.
"ang protagonista ay ang bidang gumaganap sa story."
"good! Ano naman ang antagonista?"
Di nako tumaas ng di naman ako tatawagin.
"ok Veronica" tawag ni maam.
"ang antagonista ay ang taong nagpapahirap at nangaapi sa bida!" sagot niya habang nakatingin sakin ng masama.
Inalis ko na lang ang tingin ko sakanya di ko alam kung bakit siya ganyan pagdating sakin. Wala naman akong ginagawa.
"May activity akong ibibigay sa inyo hmmm! pipili na lang pala ako. Babasahin niyo itong story with emotion and acting." sabi ni maam.
"Hiro- King......Shainee-sister of king....Veronica-antagonist....Carl-brother of king" sabi ni maam
Biglang may nagtaas ng kamay.
"yes?"
"maam sino po ang bidang babae?"
"ah oo nga pala dont worry meron na kong kilala na bagay bilang queen."
"sino po?" sabat ng kaklase ko.
"si aika!" sabi ni maam wow ako grabe magiging queen imposible.
"no maam yan babaeng yan magiging queen at ipapartner niyo kay hiro. Thats imposible. Dapat ako ang queen muka lang siyang muchacha." sigaw ni veronica.
Ouch! its hurt!
Nagulat na lang kami ng tumayo si Hiro
"oh! mukang sang ayon sa akin si hiro my honey." malanding sabi ni Veronica
Siguro nga ayaw akong makapartner niya kaya yumuko na lang ako.
"No im agree..."
Sabi na nga ba!!
"na si aika ang magiging partner ko dito kung hindi siya aayaw na din ako." dugtong niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Di ko akalain na sasabihin niya to.
"w-what?" veronica
"shes my friend kaya siya gusto kong maging partner." he said.
Kahit ganun lang ang tingin niya sakin pero alam kong importante ako sa kanya.
"SHUT UP!!" sigaw ni maam
"veronica si aika ang pinili ko dahil magaling siya umarte kaya alam kong maganda ang kakalabasan nito. Class dismiss.!" sabi ni maam sabay alis.
"thank you!" sabi ko kay hiro.
"welcome!" sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.
"i have to go!" dugtong na sabi niya.
"bye!" paalam ko kumaway lang siya.
