Kabanata 2Naligaw
=Camille De Loughrey POV=
Ng makalabas nako sa bwiset naming room, dumiretso kaagad ako sa canteen.
Kahit kailan talaga! Nakaka-bobo kausap si Moonny!
Pero kahit ganon ka-tanga yon....
Mahal koyon--
"Ma'am ano pong seyo?"
"Luh? Papansen ka? Nagmo-moment ako! Tsaka anong anopongseyo? Kino-korean moba ko? Baka gusto mong sampalin ko utak mo?" taas kilay ko. Pano kase! Mino-moment kopa yung bobo kong bff tapos biglang eepal?
"Eh kasi po? Bakit po kayo nakapila? kanina pa po kayo nakapila dyan ih. Marami po kasing naghihintay sa likod nyo" ang galang naman ng casier nato! Di ako sanay!
"Fine! Isang box ng spagetti! Tagalan mo ah? TAGALAN" at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. Ayokong gumilid kase makakaorder yung iba, matuto silang mag-antay! Ako lang dapat matagal!
30 minutes later
"Eto napo" abot ni ate
"Thanks. By the way! Wag mokong pino-po ah? Hindi pa'ko matanda ate! Nag-aaral pa'ko! Tatanda ako ng maaga sayo eh! Segi nanga! Babush!" Tsaka ako humanap ng upuan!
Gutom na talaga ko! My gash!
~RINGG~
nagmadali kong kinapa kung nasaan yung phone ko
"Moonny?" Tingin ko sa Phone ko. Marunong pala mag type ng number yon?
*Answer*
"Hello?"
"Hello den! Ikaw nga pala si Camille! Anong pangalan ko?" Napa-hampas ako sa noo ko sa narinig kong sabi sa kabilang linya. Ayan nanaman...
Tumahimik lang ako..
"Hello? Andyan kapa ba? Ako nga pala si Granger? ay hindi! gusion?" Tss sa kaadikan talaga ng babaeng to sa ML
"Ikaw si Moonny! Osya! Bat ka—"
"Batman" putol ni Moonny saken na kina-pikit ko
"Bahala kang—"
"Hindi na nga eh! Camille! Tulungan mo'ko! Rerape-in nila ko!!" Nabuga ko yung spagetti na nginunguluya ko sa gulat
WHATTT?????!?!??!
"What the hell moonny?! Asan ka?!" pag-panic ko sa isip ko
"Hindi ko ala--- AAAAHH!!—"
~TOT TOT TOT TOT~
"Shit! naputol! Hayss!! Gaga ka talagang babae ka!! San ka nanaman ba nagsisi-suot!" Lumapit ako dun sa upuan nung babaeng namumutla kanina pa, mukang dipa kumakain.
Binigay ko nalang sa kanya yung spagetti ko bago lumabas ng Canteen para hanapin si Moonny.
Tinanong ko lahat ng kaibigan nya or should i say namin. Alam nyo naman si Moonny, pag may nakitang tao na kahit hindi nya kilala. Makikipag kaibigan na.
"ASAN KABAAA???!!!!!" sumigaw akong sumigaw dito sa rooftop ng school sa sobrang pagod. Kanina pa'ko naghahanap, ubos na lahat ng lakas ng tuhod ko bgunit hindi dapat ako sumuko!
BINABASA MO ANG
Mafia
SonstigesMeet moonny. Pinaka-bonak na tao sa mundo na walang ginawa kundi ang mag ML at mag-adik sa Kpop. Meet our mafia boss. Pinaka-demonyong tao sa mundo. Ayaw na ayaw nya sa mga walang pakinabang na tao. Onting mali lang 'goodbye kana' (Mafias Love)