The Day After Today ...

43 3 0
                                    

May 18, 2000; 3:33 am

Naghahalo ang galit, takot, at sakit sa isip niya. Hindi alintana ang nananakit niyang mga paa dahil sa patuloy na pagtakbo palabas sa madilim na eskinita. Kasabay ng malakas na ulan ang mga luhang namamalisbis sa kanyang mga mata.

Pinangako niya sa sarili na lalayo siya at di na siya babalik pa kailanman sa lugar na iyon. Iiwan niya ang lahat ng mapapait na alaala. Iiwan niya pati ang nanay niyang baliw na baliw sa pagmamahal sa hayup nitong kinakasama. Ito na ang pagwawakas ng paghihirap niya. Sapat na ang halos isang taong tiniis niya.

Nagbalik sa isip niya ang mga huling alaala na nais na niyang kalimutan....

Madaling araw palang pero mabilis na siyang pumasok sa maliit nilang banyo. Mamaya pa ang pasok niya sa eskwela pero sinadya niyang agahan dahil ayaw niyang maiwan sa bahay nila kasama ang stepfather niya.

Hindi na natahimik ang buhay niya mula nang lumipat silang mag-ina roon. Lagi siyang natatakot at kinakabahan. Paano ba namang hindi siya makararamdam ng ganoon gayong hindi lang iisang beses na nagisnan niya itong nakatitig sa katawan niya habang nakangisi ito.

Lagi rin nitong inaabangang mapag-isa siya nang sa gayon ay magawa nitong halayin siya. Bugbog at pagbabanta ang natatanggap niya sa tuwing papalag siya sa kagustuhan nito. Sa mga pagkakataong ganito, impit na pag-iyak lamang ang tangi niyang sandata laban dito.

Ilang beses na siyang nagtangkang magsumbong sa nanay niya ngunit sa tuwina'y blangko ang sagot nito. Awang awa siya sa sarili niya. Naiinis siya sa nanay niyang wala man lang kaalam-alam sa kalbaryong pinagdadaanan niya. Higit sa lahat, galit siya sa walanghiya nitong kinakasama!

Nakarinig siya ng malakas na kalabog mula sa labas. Nanginginig na nagsumiksik siya sa dingding ng banyo. Nilukob na naman siya ng kakaibang takot. Mariing pumikit siya at tahimik na umusal ng panalangin.

Hanggang sa iba na ang kasunod na eksenang nasaksihan niya-------duguan ang damit at mga kamay ng nanay niya habang hawak ang matalas na patalim na inagusan ng sariwang dugo. Luhaan ito habang nakatitig sa kanya. Pagbaling niya sa sahig naroon ang kinakasama nito na naliligo sa sarili nitong dugo..!!!

Isang nakasisilaw na liwanag ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Naglaglagan ang malalaking patak ng luha sa mata niya hanggang sa lumabo ang paningin niya at tangayin siya ng isang malakas na pwersa ng bakal.

Minsan naisip niyang sisihin ang Panginoon sa nangyaring ito sa buhay niya ngunit agad iyong napalis sa isip niya nang mapagtanto na lahat ng bagay sa mundo ay permanente lamang at alam niyang dumating na ang oras upang lisanin ang minsang naging tahanan niya upang tumungo kung saan naroroon Siya.

Tanging ang sirena ng dumadagundong na tren ang huli niyang naulinigan sa mga sumunod na sandali bago siya tuluyang iginiya ng kaluwalhatian tungo sa kawalan...

written by: @iamninab

*********************

Thank you for reading this up to the last dot! I know that some of you is confused after reading this but feel free to ask me, okay.

VOTES and COMMENTS is very much appreciated.

My aim of writing this is that for you to think kung anong nangyari kay Maia, tama po kayo ladies and gentlemen, Maia po ang pangalan ng ating bida. Nilagay ko po yung pangalan niya from the very start. Again, thanks for reading Kaluwalhatian tungo sa Kawalan!!! Lovelots

Ciao ;*

written by: @iamninab

©2015

All Rights Reserved

KALUWALHATIAN TUNGO SA KAWALANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon