First Date Goal

188 6 4
                                    

"Please answer page -"

"Ma'am time na ! " sabay sigaw ng mga classmate ko , kahit kelan talaga ang atat nilang mag break. Pano ba naman kasi ang boring boring ng history at gutom na rin kami noh.

"Miles saan ka mag lulunch ? " Tanong ng napakalandi kong kaibigang si Bea haha

"Wow ahh hindi ka na nasanay syempre sa cafeteria lang naman tayo kumakain eh " pabirong sagot ko

"Malay ko ba kung lalabas ka para hanapin na naman si love of your life at mag papansin na naman para yayain kang mag date uhh hahaha" Bea.

"Alam ko may boyfriend kang mag yayaya sayo lumabas wag mo ng ipagduldulan beh tara na ng baka maunahan na tayo sa pwesto natin sa canteen" Ako.

Siya si bea ang bestfriend ko, super baliw nyan hindi mo nga mahahalata na valedictorian sya nung highschool bilib ako sa utak nyan parang may gyera pag nagreview

Totoo namang gustong gusto kong pumunta ng mall lalong lalo na sa timezone kasi for sure doon ko sya makikita hahaha. And daldal talaga ni Bea, oo gusto ko si Denver, sya ang long time crush ko, and i want him to be my first date. Ang unfair nga eh kasi hindi nya ako pinapansin.

Madami namang nag yaya saken lumabas pero i promise to myself na hindi ako makikipag date kanino man hanggang hindi pa ako niyaya ni baby Denver ko.

Wait nag pakilala na ba ako ? Ako pala si Miles Saavedra. First year college and taking up mass comm yun kasi yung passion ko and syempre gusto ko ring maging artista oh diba taas ng pangarap hahaha

Habang ako ay busyng kinakagat ang burger ko, oo burger lang diet kasi eh choss, napasigaw bigla si Bea

"Tae naman Bea oh pls wag kang maingay nakakaistorbo ka sa amin ng burger ko tsk " Sabi ko rito

"Shit Miles you should see this bilis " Bea, sabay bigay saken ng phone nya

"Whoaaa si Denver may kadate na namang babae !!!!!!! Oh Lord kelan nya ba ako isusunod pls LORD ako rin " sabi ko ng malakas at sabay inom sa coke ko .

"Wait Miles feeling ko alam ko na ang gagawin natin ako ang bahala sayo. mamaya sa dismissal may pupuntahan tayo" Bea.

Para naman akong kinabahan sa babaeng ito ano kaya iniisip nito . Matalino sya at may tiwala ako sa idea nya, pero kinakabahan nga lang ako parang iba ito eh bahala na .

------------////--------////-------////----

Sa wakas dismissal na rin makakapag date na kami ng kama at mga unan ko yeheyyyy , ayy teka lang oo nga pla may pupuntahan kami ni Bea asaan na ba yun bakit ang tagal nya

"MILESSSSSSS !!!!!!! Tara na!!! " Bea.

"Kailangan talagang sumigaw teh ????" Ako.

Andito kami ngayon sa book shop and WTH. Eto ang plano nya? Bibilhan ba nya ako ng libro ng pampalimot? Libro ng hopeless romantic? Ihahanapan nya ba ako ng libro na magpapamukha saking langit sya at lupa ako? what are we supposed to do here ? Minsan talaga itong bestfriend kong to walang pakinabang mag isip.

"Were here na besty, andito ang sagot sa problema mo ! " Sabi ni bea

"Libro ba? Ano to? Bibigyan mo ko ng pampalimot? Bibilhan mo ko ng Algebra book? Alam kong exam na Bea pero hindi pagbabasa ang magpapalimot sakin sakanya. Please lang kung bibigyan mo lang rin ako ng reading materials wag na may appointment pa kami ng kama't unan ko. Di ko kailangan ang pagka-geek mo ngayon." sagot ko sakanya

"Tanga lang teh ? pampalimot? Algebra? Sinong nagsabing magpapageek tayo ngayon? Pwede ba, hindi ko gugustuhing turuan ka. Diba gusto mo ng maisakatuparan ang FIRST DATE GOAL mo? Pwes andito sa bookshop ang sagot" sabay hila saken.

First Date GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon