Im Inlove with Mr.Popular.

1.3K 64 24
                                    

"I love you"

"I love you too"

******************

"SHAN! BUMANGON KA NA!" Napabangon ako bigla ng may sumigaw ng pagkalakas lakas sa tenga ko.

Unti unti kong dinidilat yung mata ko pero inaantok talaga ako kaya humiga ulit ako.

Istorbo e ang ganda na ng panaginip ko ayan na eh nag i love you han na kami tapos umeksena pa tong si Sandy.

Kahit hindi ko dinilat yung mata ko alam kong si Sandy yan kabisado ko na buong pagkatao non lalo na yung boses nya pati yung balat sa pwet haha jwk. BFF kasi kami.

"Shanly De Guzman pag hindi ka bumangon hindi mo makikita yung forever mo" FO-RE-VER ko?

Pag hindi ako bumangon hindi ko makikita yung forever ko kaya pilitin mong dumilat Shan.

Bumangon ako ng nakapikit at kinuha yung towel sa upuan sa tabi ng kama ko ng nakapikit pa rin.

Ako si Shanly De Guzman 16y/o at yung gumigising saken kanina ay si Sandy Lopez bff ko since birth joke haha.

At kaya ako biglang napabangon kasi baka nga hindi ko makita si forever ko walang iba kundi si Darren Espanto since elementary mag on na kami pero hindi nya alam e haha. Crush ko lang sya mula grade4 naging magkaklase kami pero kahit kaylan hndi nya pa ako napapansin lagi kasi syang nakaheadset hindi sya nakikinig sa teacher at lagi lang syang nakatahimik. Pero madaming nagsasabi na salbahe daw sya.

At dahil ang dami kong kinwento sa inyo ayun tapos na akong maligo pero paglabas ko ng cr nandito pa din si Sandy.

"Bilisan mo na ngayon ang laban nila FO RE VER mo daw" sabi nya agad.

"Huh saan"

"Sa basketball. kalaban nga nila sila Juan Karlos e OMG makikita ko nanaman sya" anu ba yan magkalaban pa yung ichi cheer namin magaaway nanaman kami ni Sandy nito.

"Bakit hndi manlang ako na inform na laban nya ngayon hindi man lang ako nakapag pagawa ng kahit cartolina lang na may naka lagay na 'GO BABY LOVES ILOVEYOU DARREN FOREVER KO' pero alam ko namang hindi nya rin mapapansin" sabi ko naman.

****************

Nandito na kami ngayon sa gym grabe ang daming tao hindi manlang ako makasingit hindi ko makita yung forever ko e.

At dahil manipis lang katawan ko in short sexy syempre nakakasingit ako kahit papano bagong ligo ako pero ang panget ko kagad pati yung buhok ko ang gulo na tapos yung pawis nung iba ang bantot nakakaloka.

'Go Darren i love you'

'GRABE ANG GALING MO TALAGA DARREN GO MO LANG YAN PUSH'

'GO DARREN GO DARREN'

konti pa lang yan sa sobrang daming nag chi cheer na tao dito para sa forever ko.

Pilit kong tinutulak yung mga tao sa harap ko makasingit lang.

At sa wakas nakalanghap din ako ng malamig na hangin.

Syempre nagsimula na din ako mag cheer "BEBE KO I LOVE YOU FOREVER NA TAYO" Sigaw ko na pagkalakas lakas pero alam ko namang hindi nya yun maririnig kasi ang dami kong kasabay na sumigaw.

Tumingin lang ako kay Darren at nakita kong hinagis nya yung bola sa ere at.

Shoot.

Todo ngiti akong napatingin kay Darren pero ---- totoo ba yung nakita ko nakatingin sya saken N-K-K-L-K nakakaloka alam kong ako yung tinitignan nya ngayon. At ang mas nakadagdag sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay yung pag ngiti nya SAKEN! Assuming!

Tangina oo ako yun wahh yun talaga yun grabe narinig nya kaya ako kaya sya napatingin saken.

Napatingin ako sa score board at ang score ay 98 at 53 alam kong lamang sila Darren dahil guess lang naman sila Jk e pero yung ngiti talaga ni Darren hindi na nawala kinikilig tuloy ako ang gwapo nya e.

*prrrrrt* narinig ko yung pito ng isang lalake anu daw? Hindi ko na alam ang nangyare.

"WAAAAAAH PANALO NANAMAN TAYO" narinig kong sabi nung babae dito sa tabi ko pero si Sandy malungkot ang muka? Huh ano bang nangyari.

Tuloy tuloy lang ang sigawan dito sa loob ng gym ng biglang?.

"HEEEEY" nagsitigil lahat ng tao ng marinig naming sumigaw si Darren sabay taas ng kamay sa ere.

"HOY ADIK PARA SAYO TONG PAGKAPANALO NA TO" sigaw nya ulet. ADIK DAW? At Owmaygawd panalo sila?


Nakatingin lang ako sa kanya nang mapansin kong tinignan nya ako at nginitian heto nanaman ako namumula nanaman. Napansin kong palapit sya saken kaya lalong lumakas yung kabog na dibdib ko. Bakit ako ba yun baka naman etong pretty girl sa tabi ko.

"Adik ka talaga e noh wag ka ng tumingin sa iba ikaw yung tinutukoy ko" sabi nya ng nasa harap ko na sya.

Grabe ang gwapo nya naiiyak tuloy ako ngayong nya lang ako nilapitan hindi ko ma feel kung ano yung dapat kong mafeel basta ang alam ko mahal ko na sya.

"A-ako" sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Oo ikaw nga ADIK ka diba" bakit ganun kahit ang sama ng pakinggan ng mga sinasabe nya saken kinikilig pa rin ako.

"Hahahaha oo adik sayo"

"ANO?" Huh anu daw anong sinabe ko erase erase wah hndi ko na pwedeng bawiin.

"A-ano sabi ko lang ano tch anu ba yun?" Sabi ko sa sarili ko saka napakamot.

"First time kong gagawin to. Natatandaan mo ba nung grade 4 pa tayo yung may nagbigay sayo ng papel na may nakalagay na I LOVE YOU FOREVER hndi mu man lang pinansin at nirolyo mo pa yun at nag act ka pa na parang naninigarilyo alam mo bang ako yung nagbigay nun tapos yung pinagtangol kita sa mga nangaaway sayo na babae inasar mo pa akong bakla at sinira mo din yung headset ko kasi hindi ako nakikinig sa mga sinasabe mo dahil magka group tayo nun diba? Simula nun dun ko nalaman na adik ka nga talaga kasi kung ano ano ginagawa mo pati yung inidoro pinupuno mo hahahaha natatawa talaga ako pag naaalala ko kung saan nagsimula yung nararamdaman ko para sayo"

Huh anu daw nararamdaman nya para sakin? So matagal na pala nya akong napapansin.

Hndi ko alam pero nakatulala lang ako sa kanya habang nagsisink in parin sa utak ko lahat ng sinabi nya.

Papalapit sakin ang muka nya sabay dinikit yung labi nya sa pisngi ko. Hndi ko alam kung ano yung dapat kong maramdaman sa mga nangyayari ngayon ang alam ko lang naiiyak ako hindi ko alam kung baket e.

"Mahal kita Shan matagal na kahit na adik ka" sabi nya pero yung muka nya nakatapat pa din sa muka ko konting inches na lang ang layo mahahalikan nya na ako.

"Pag hinalikan kita pero pumalag ka ibig sabihin hndi mu ako mahal pero kung hindi ka pumalag ibig sabihin papayag ka na liligawan kita" sabi nya at bigla agad dumampi ang malambot nyang labi sa labi ko.

Ang nararamdaman ko na lang ngayon ay parang gusto kong magpahinga sa tabi nya sa piling nya para akong pagod at nanghina nung hinalikan nya ako kasabay nun ang pagtibok ng puso ko feeling ko lalabas na sya. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako parang gusto kong ganito na lang kami mahal na mahal ko sya sobra pero parang mas lumala ngayon.

Napadilat ako ng biglang lumayo sakin si Darren at tinitigan ako sa mata ko.

"Mahal mo ba ako Shan" tanong nya pero tahimik pa din lahat ng tao dito sa gym parang hndi ko na narinig ang lahat at si Darren lang ang naririnig ko.

Napangiti na lang ako saka tumango tango.

"Oo Forever ko mahal kita mahal na mahal" buong lakas kong sabi. Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. Pinunasan yun ni Darren gamit yung daliri nya at niyakap ako ng mahigpit.

The End.

(A/N: parang mahaba yata pero okay na yan haha.)

Im Inlove with Mr.Popular (oneshot)(A Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon