Emily's Pov*
Ma'am nandito na po tayo...sabi ni kuyang driver kaya iminulat ko ang aking mata saka tumingin sa paligid.
Wow,nandito na talaga ako sa Maynila.Ang lalaki ng mga estraktura dito ang dami ring mga kainan at mga sasakyan.
Salamat kuya,ito po ang bayad.sabi ko saka binigay ang pera.
Tumango lamang siya saka ngumiti ng kunti.Lumabas na ako sa taxi saka tumingala sa naglalakihang gusali.
Napalunok ako saka inilibot ang aking tingin.
Saan kaya ako magsisimula..di ko naisipang ganito pala kalaki ang Maynila.Hays.
Kinuha ko ang aking touch-screen na selpon.Maliit ito at cherry mobile ang brand.
Nag text si tita Marie sakin kahapon na nasa street ***** daw yung bahay nila.Sinearch ko ito sa mapa at di naman ako nahirapan.Kahit papano ay gumagana parin naman ang luma kong selpon.
---
Nandito na ako sa aking kwarto kung saan dito muna ako pansamantala.Kanina pa ako nakarating sakto lang naman ang laki ng bahay ni tita,may dalawang palapag ang bahay niya.
Ito nga ang naging reaksyon niya.
Flaskback*
Nandito na ako sa tapat ng pintuan medyo kinabahan ako ng kunti.Matagal na panahon narin simula nong huli kaming nagkita.
Tok tok tok
After 2 mins ay biglang bumukas ang pintuan at don iniluwa ang gulat na gulat na itsyura ni tita
OoO
Emily anak?Ikaw naba talaga iyan?di makapaniwalang tanong ni tita dahilan kung bakit napatawa ako ng kaunti saka tumango.
Oo naman po tita Marie haha.natatawa kong sabi.
Ahhhh!malakas na tili ni tita dahilan kung bakit ako napatakip sa tenga.Kahit kailan talaga napakatinis ng busis niya.>.<
Natatawa ako habang lumapit sa kaniya saka siya niyakap.Gumanti naman siya ng yakap saka pinapasok ako sa loob.
Namangha ako ng kunti.Di naman kasi ganitong uri ng bahay ang meron kami sa probinsya.
Nagutom kaba anak?Anong gusto mo ipagluluto kit--di ko na siya pinatapos.Nako talaga namang magkapatid sila ni Mama.Parehong maingay at isip bata.-,-
Busog pa po ako tita.Medyo pagod lang po ako sa biyahe.sabi ko saka umupo sa malambot na upoan.
Sige ito ang susi ng magiging kwarto mo.Magpahinga kana muna.sabi niya sabay bigay sakin ng susi at hinalikan ako sa nuo.
Si tita Marie ang naging pangalawang Nanay ko kapag wala si Mama at humahanap ng extra na trabaho sa ibang barangay sa probinsya namin.Kaya naging close kami ni tita Marie eh.
Sige tita mamaya nalang tayo magchikahan.natatawa kong sabi saka siya niyakap at umakyat sa pangalawang palapag.
Medyo malaki rin ito ng kunti kumpara sa kwarto ko noon.
Inayos ko muna ang aking mga gamit sa cabinet saka naligo pagkatapos ay humiga sa kama.
Bukas na magsisimula ang totoong hirap ng buhay kaya Emily dapat pagbutihan mo.sabi ko sa aking sarili bago pumikit.
End of Flashback*
Natatawa nalang ako kung papano siya mag react na parang bata.
Tok tok tok
Emily anak bumaba kana diyan at tayo'y kakain na.rinig kong sigaw ni tita Marie mula sa labas ng aking silid.
Sige po tita.sagot ko saka tumayo at saka sumunod sa kaniya.
So anong plano mo anak?sabi ni tita habang kumakain.Nasa hapagkainan na kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng haponan.
Kahit anong trabaho nalang po.Lahat naman kaya ko.baliwalang sabi ko.Ang sarap kasi ng ulam.Bihira lang ako nakakatikim ng fried chicken at adobo.Tuwing fiesta lang kasi ako nakakakain ng ganitong klasi ng ulam.
Pak..
Napaaray naman ako.Sinampal kasi ni tita ang kamay ko di naman masakit at di rin mahina kumbaga sakto lang ang sakit.>.<
Aray naman ta!reklamo ko saka hinamplos ang kamay kong medyo namula.
Kahit mahirap kami ay di naman ako pinagkaitan ng Panginoon.Binigyan niya ako ng makinis at maputing balat,matangkad rin ako at may maliit na mukha.
Minsan nga pinagkamalan pa akong ampon.-,-
Nabalik ako sa malakas na boses ni tita..ayts!
Ikaw talagang bata ka.Ipangako mo lang na legal at maayos yang papasokan mo ng trabaho.sabi niya habang dinuduro-duro ako ng hawak niyang tinidor.
Hinawakan ko ang kamay niya saka napabuntong hininga.
Oo naman po tita.Bahala na si batman.natatawang sabi ko kaya ang resulta,binatukan niya ako.-,-
Sadista talaga!
Wag mokong mabiro-biro ng ganyan Emily ah.sabi niya kaya napakamot nalang ako sa aking batok.
Opo..sabi ko at napa pout.
Binibiro ko lang naman siya eh!
Kaw kasi Emily may nalalaman kapang Bahala na si Batman!
Ayts!di ko na talaga siya bibiruin napaka sadista niyang tita.>.<
**
To be continued..
BINABASA MO ANG
Montiveros's Possession
RomanceMeet Emily Cruz,21 years old.Emily is a responsible daughter who do everything just to make her parents proud. Simply lang ang buhay nila sa probinsya kaya naisipan niyang manrabaho sa Manila. Kung saan doon niya makikilala ang isang arogante,bossy...