Emily's Pov*
Pasensiya kana hija pero meron nang nakauna sayo kahapon.Bakit ba kasi ang tagal mong mag-apply.sabi ng isang ginang na nag-interview sakin.
Napabuntong hininga nalang ako saka siya nginitian.Pang limang karinderya ko na itong in-appliyan pero tulad kanina ay lahat hindi na bakanti.
Sige po salamat.pagkatapos kung magpaalam ay lumabas na ako sa kaniyang karinderya.
Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan.Mukhang uulan pa yata.Naglakad ako kasalo sa dagat na tao sa gilid ng kalsada.
Ano na ang gagawin ko?Ayaw ko namang magtagal sa bahay ni tita.Nakakahiya.
Napatingala akong muli sa kalangitan nong makaramdaman ako ang mga mumunting butil ng tubig mula sa taas.Napanguso ako.Wala pa naman akong dalang payong.
Mabilis akong naghanap ng masisilungan tulad ng iilang mga tao na walang dalang ni isang payong.
Tahimik lang akong nakatingin sa mga patak ng ulan.Napabuntong hininga na naman ako nong maalala kong tatlong libo na ang natira kong pera na matagal kong pinag-ipunan.
Tahimik lang akong naghihintay na humupa ang ulan ng makarinig ako ng bulongan mula sa aking likoran.Pasimply kong nilingon at napansin kong kasing edad ko lang ang tatlong dalagang nagbubulongan na may halong kilig?Napailing nalang ako saka binalik ang aking tingin sa unahan.
Rinig kong nag-apply din sila tulad ko ang kaibahan lang ay sa company sila nag apply ng trabaho di tulad kong nakuntento na sa karinderya.Ok lang naman sakin kahit anong trabaho.Kaso di ko in-expect na ganito pala kahirap mag apply ng trabaho dito sa Maynila.
I sigh again.Ilang besis naba akong napabuntong hininga ngayong araw?
Pasimply akong luminga sa kanan,lahat sila ay busy sa pakikipag-usap sa kaninang mga kakilala o katrabaho.Ang saya siguro kapag nagkaroon na ako ng mga kaibigan sa lugar na ito.Nagmumukha kasi akong loner.Totoo naman.hays.
Iginala ko ang aking tingin sa kaliwa at bahagyang napakunot ang aking noo sa nakapaskil sa dingding.Dahil sa kuryosidad ay naglakad ako palapit sa nakapaskil na poster.
Wanted yaya?Napaisip ako sa aking nabasa.Wala naman akong problema sa gawaing bahay.Lumaki ako sa hirap at alam ko ang lahat ng gawaing pambahay.
Bahagya akong napanganga nong nabasa ko ang sweldo kada buwan.
Twenty thousand?napalunok ako pagkatapos kong mabigkas ang salitang iyon.Anong klasing sweldo ito?Scam ba ito?
Nako,napakaswerte siguro ang matanggap sa trabahong iyan.Napatingin ako sa aking gilid.Isa itong matandang babae na may dalang mga kakanin na nakasilid sa isang basket na katamtaman lang ang laki.
Nako,lola.Baka scam lang yan.naiiling kong saad.
A-ah pasensya kana,hija.Anong scam?nahihiyang saad nito habang napakamot sa kaniyang leeg.Napangiti ako kay lola bago nagsalita.
Lola,yung scam po ay panloloko.Dahil sa scam nayan maraming naghirap.paliwanag ko dito.Ngumiti ito kaya napangiti narin ako.Nakakahawaka ang ngiti ni lola.hehe
Ganon ba,hija?Sabi nito habang tumango-tango.Tumango ako dito habang nakangiti.
Opo.sabi ko.
Pero sa tingin ko hija di naman yan s-scam.Marami ng nag-apply diyan pero walang nakapasa.Pihikan daw kasi ang may-ari ng iyong mapapasokan.mahabang paliwanag nito.Di ako nagsalita at nakatingin lang sa nakapaskil na poster.
BINABASA MO ANG
Montiveros's Possession
RomanceMeet Emily Cruz,21 years old.Emily is a responsible daughter who do everything just to make her parents proud. Simply lang ang buhay nila sa probinsya kaya naisipan niyang manrabaho sa Manila. Kung saan doon niya makikilala ang isang arogante,bossy...