Cristah's POV
Tapos na kami kumain ni Aryll ng Lunch. Bumalik na rin kami ng room pagkatapos namin ka agad kumain. Si Aryll nakikipagkuwentuhan lang kina Alex, classmate namin. Ako naman dito lang sa upuan ko at nagbabasa ng Horror Story. Wala pa naman kasi ang English Teacher namin kaya heto ang classroom namin, ang Ingay ingay! May mga nagsusulat sa Blackboard, may nag aasaran at yung iba sigaw ng sigaw. Hay naku, akala naman nila mga Grade schooler palang sila kung umasta! Ang iingay. Napatakip nalang ako ng Tenga ko habang nagbabasa. Wala pa rin sina Ezra at Travis. Kanina nung Lunch Break sabay daw silang naglunch at may pinuntahan pa daw sila. Baka nga di na papasok yung mga yun! Pero saan kaya sila nagpunta? Halaa Cristah, baka tinanan na yun ni Travis? O di kaya pauwi na sila tapos biglang may humarang na van sa harap nila at kinidnap sila!? My brain murmured. Halaaa! Wag naman. 1pm na, nandito na rin ang English Teacher namin. Pero wala pa rin sina Ezra.
"Uy! Cristah?" Siniko ako ni Aryll, pero mahina lang. "Ano?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Anu ba yang nasa isip mo na naman? Hindi ka pa ba kokopya? Pinapasulat sa atin yun oh." Sabay turo niya sa blackboard na nakasulat ang lesson namin. "W-Wala. Yung ballpen ko kasi nawawala,hindi ko mahanap." Pagsisinungaling ko.Napakunot noo naman siya.
"Oh ito extra ballpen ko. Hiramin mo muna." Inabot sa akin ni Aryll ang extra ballpen niya. "No, thanks. Nahanap ko na." Pinakita ko sa kanya yung ballpen ko galing sa bag. Tumango naman siya at sumulat na. Nagsimula na rin akong magsaulat. * Natapos na rin akong kumopya ng lessons sa blackboard at hinihintay na namin ang susunod na Teacher. Actually, mga pa VIP talaga tong mga Teacher namin at kailangan talaga namin maghintay ng kalahating oras para lang dumating sila? Psh. Nagbasa nalang ulit ako ng Horror Story Book ko. Well, halata naman na mahilig ako sa mga horror stories di ba? Nasa genre ko na kasi ang magbasa at manood ng mga nakakatakot na palabas at kwento. Habang nagbabasa ako, naramdaman kong nagbukas ang pinto ng classroom namin. Hindi ko naman tinignan kung sino yun, hindi naman yung teacher namin yun kasi yung iba nag iingay pa rin kaya nakatutok pa rin ako sa binabasa. Maya maya narinig ko si Aryll na sumigaw, "O Ezra, Travis.Dumating na pala kayo!" Nang marinig ko iyon, napabaling naman ang mata ko sa dumating. Sila Ezra nga, Nakita naman ako ni Ezra at lumapit sa akin. Si Travis naman pumunta sa seat niya at umupo na. Umupo naman muna sa tabi ko si Ezra kasi nandoon naman si Aryll kina Alex. "Hi Cristah! Grabe,kakapagod." Sabi niya at nilagay pa ang kamay niya sa noo niya.
"Hi, o bakit? San ba kayo galing?" Tanung ko. "U-uhh, sa National Book Store Lang. Nagpasama kasi siya sa akin bumili ng Libro? Ayun nga. Hehe!" Sabi niya na nag iiwas ng tingin sa akin. Ha? Ayos lang ba tong si Ezra?
"Ahh Ganun ba?" Tumango naman siya. Dumating na ang Next Teacher namin, bumalik naman sa kanya kanyang upuan ang mga classmates ko at pati na rin sina Ezra at Aryll. After ng pagdidiscussed ng mga Lessons, uwian na. "Bye Guys! Kita kits nalang ulit bukas." Paalam ko kina Ezra at Aryll pagkalabas namin ng School. "Sige, Bye Cris. Ingat!" Sabay na sabi nilang dalawa at nagwaved pa ng Kamay sa akin. Pumunta na ako sa Parking Lot at sumakay na sa Kotse ko. Nang pinaandar ko na, Aatras sana ako ng konti para maka alis sa parking lot. Eh kaya lang may kotse sa Likod at konting atras lang, mabubungo ko na ang kotseng nasa likod. May kotse din sa Unahan ko. Aist! Bakit dito ba dito pa dinutdot yung kotse niya, ang dami kayang space diyan na pwede pagparkingan. Bumaba nalang muna ako. Lumapit ako sa Kotse sa likod ng kotse ko at sumilip sa may wind shield kung may tao. Meron naman atang tao kaya lang hindi ko maaninag yung mukha kung sino.
"Uhm.. Excuse me!" Kinatok ko ang bintana ng Kotse niya. "Pwede bang paki atras yung kotse mo? Iaalis ko lang yung kotse ko sa parking lot." Sabi ko at hinintay na umatras siya. Umandar naman ito at maya maya, BOOGSHHH!*
"Oh My God!" Tanging nasambit ko lang. My.. Precious Car, Binunggo pa niya ang Kotse ko! >:(