Wow. Andami na nagbabasa. Hahaha kahit 60+ pa lang madami na din yuuuuunn. Thankyyyy
:) Vote naman jan prends! Hihi.
-----------
Nasa tapat ko si Byron habang pinagsasabihan ako ni Sir Sandoval
"Aba iha, ang mga ticket ay binebenta at hindi pinapalipad ng parang mga saranggola lang"
"Ahh..eh sir sorry po." sbi ko ng mejo nahihiya.
Ang sarcastic naman kasi ng pagkakasabi ni sir nun. Medyo pahiya pa ata ng unti.
"Sir ako na po bahala tumulong kay Celine sa pagpupulot"- sabat naman ni Byron.
Umalis naman na si Sir Sarcastic.
At parang sumimoy pa talaga to kay Byron. Aba! May tinatago kaya to si sir?
"Wag na. Kaya ko na to"- agad kong sinabi. Nakakahiya naman kasi noh kung pagpupulutin ko siya.
"Wag ka ng magpakipot----" mahangin niyang sabi. "Este . Wag k na masyadong magpabebe jan. Tutulungan ka na nga eh."
"Aba ang hangin mo ha. Hoy. F.Y.I kaya kong pulutin tong mga to even without your help mr."
"Byron" - sabay abot ng ticket. Pero pag kaabot niya. Inalok niya to.
Ano Celine? Tatanggapin mo ba? Wag baka malaglag panty mo.
"Ahhh..... Yung ticket.... Akin na."- actually it feels so awkward. Bakit ba siya nagpapakilala? Eh kilala ko naman na siya.
"Ganyan ka ba tumanggap ng kaibigan? Inii-snob mo? Nakikipagkamay ako di ba?"- may pagirap niya pang sinabi
"Hay nako."-sabay abot n din ng kamay ko.
"ayan. Ok na ba ha? Shake hands ka pa nalalaman"- sinabi ko ng harap harapan.
"Gusto mo naman?"
Wow ha. Ang hangin niya.
"Kapal mo naman."
"Eh bakit di mo pa din binibitawan yung kamay ko ha?"
Hala! Di ko nga binitawan. Oh my G!!
Heaven ang feeling. Ang lambot ng kamay niya. Walang kalyo. Ang puti pati. Kamay babae sya. Grabe bakla ba to? Sayang naman.
"Ahhh. Ehh. Sorry." nahihiya na ko. Gusto ko na lumubog "ahhmm..sige ha. Salamat. Magbebenta pa ko eh"
"Sana nagpapakilala ka para naman malaman ko kung sino yung tinulungan ko di ba"
"Celine. Celine Gomez "
***a moment of silence***
"Ok na ba? Ayan na ha. Sge na. Dami dami ko pang gagawin" sabay alis na.
At ayun na nga. Thankyou lord. Grabe yung kabog ng dibdib ko eh. Bakit pa ksi syabyung tutulong saken andami dami naman nakapaligid na estudyante. Hay!
"Oh? Bakit parang may kakaiba sayo?" -sbi ni Gelo. Member din ng theatre
"wala. Napagalitan kasi ko ni sir."
Sagot ko.
"Ahh. Akin na nga. Ako muna magbebenta. Walanjo ka eh . Baka matakot yung mga bibili sayo"
Kinuha naman niya yung lagayan ng ticket at pera saken.
Umupo muna ako sa isang bench tapos pinakielaman ko yung cellphone ko. Naalala ko kasing susugod pa ko sa COC. Haha. May free wifi naman sa school kaya pwede!
Pagtapos kong sumugod. Nabored na ko. Kaya tinigil ko muna ang pag c-cellphone.
Tapos natanaw ko si Byron. Nasa court. Naglalaro sila ng volleyball.