"Bestieeee! Ang ampalaya hindi
inuugali,kinakain yon!" Pangaral saken ng pinaka pinaka pinaka mabait kong kaibigan, si Nicole."Kasalanan ko ba kung maging ganto ako?" sbi ko ng halatang may pagkalungkot sa boses ko.
Bitter na kung bitter pero hindi ko na yun kasalanan. Hindi ko ksalanan maging malungkot araw araw. Hindi ko kasalanang maging man hater.
Lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon sinisisi ko lang sa iisang tao.
Yung taong nagpasaya saken, yung taong nagpakilig saken,yung taong nagparamdam saken ng d ko maintindihang feeling,yung taong nagbibigay inspirasyon saken para maging masaya kahit na yung buhay ko ay madaming poblema,yung taong ginastusan ko ng load para makausap ko araw araw , yung taong nagturo saken kung paano maging loyal,yung taong nagturo sken maging totoo,yung taong nagturo saken magpahalaga at Yung taong minahal ko ng sobra. Sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko.
PERO
Siya din yung nagparamdam sakit ng sobrang sakit. Sobrang sakit sa puso at sa utak. Siya yung naging dahilan kung bakit ako umiiyak aeaw araw gabi gabi. Siya yung dahilan kung bakit wala na kong gana kumain. Minsan sa isang araw isang beses lang ako kumain. Soya yung dahilan kung bakit bumaba yung grades ko. Feeling ko pinagbagsakan na ko ng langit at lupa.
OA na kung OA pero wala eh
Wala na. Naibigay ko na lahat lahat ng Pagmamahal ko sa taong yon."Oo. Ginusto mo yan eh"- hirit na naman ng kaibigan ko.
"Ang hirap! Sobra. Bakit pa kasi kelangan magkaganito lahat."
Ngayon umiiyak na ko sa kaibigan ko."Hayaan mo na siya. Mag move on ka na te"
" Pano ba mag move on? Wala kong kaalam alam pag datin sa lovee"- pahikbi hikbi ako habang snasabi.
Totoo yun,wala talaga akong alam pagdafing sa love. Kase first time ko mainlove at ma heart broken.