SWP #9-SA PANAHON NGAYON

20 3 0
                                    

Sa panahon ngayon mga tao iba na
Mas ikakasaya nila na nakakaapak sa iba na nakakasakit sa kapwa nila
higit sa lahat nananakit ng mabubuting tao
magbabayad ng malaki
para lang sabihin na sila'y inosente
sa kanilang ginawang krimen
iba ang kanilang idinidiin
mga paghalay, pagpatay
nakakalungkot,nakakaawa
pero wala  tayong magagawa
sapagkta batas na ang bahala

Bakit ganito na sa panahon ngayon?
Nagiging makasalanan na
Ito'y mababago pa ba?
o habang buhay na

Mga taong nakakaangat lang ng kaunti
sila na ngayon ay nagiging malupit at mapanglait sila'y nagiging mapagmataas,namimintas

at ang mga kabataan na nilamon na ng social media
mga ano-ano na pinag gagagawa
maging famous lang
kahit na mag hubad
ok lang
hindi sa namimintas o nakikialam ako
sadyang ito lang talaga ang totoo
tanging dasal ko
sana ito ay magbago
para hindi na magulo o magkagulo
pagod na ako sa mga ganito
ang to-toxic niyo!

Spoken Word Poetry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon