Chapter 4

6 1 2
                                    

Marco

Kakatapos ko lang maligo nang makita kong lumabas si Luisa mula sa kwarto nila. Agad akong tumayo para sana sabayan siya sa pag-baba, pero napa-atras ako pabalik nang makita kong papa-akyat naman si Gab.

"I called you many times, why didn't you pick up?" He said. Mukhang pagod na pagod siya. But I know my brother too well and I know that he's upset based on his expression. He always give me that look.

"Madaming tao kanina sa shop. Hindi ko na check ang phone ko." Sagot naman ni Luisa. Napaka-tanga ko talaga. Bakit ko ba pinakawalan ang babaeng pinaka-mamahal ko? Pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Kukunin na sana ni Luisa ang mga dala ni Gab nang bigla siyang naglakad.

"Right, I'm tired." Walang gana niyang sabi. Tss. How stupid. Alam kung pagod siya pero sana binigyan man lang niya ng maayos na sagot ang asawa niya.

Nang makapasok siya sa kwarto nila ay agad akong lumabas. Nang sumunod si Luisa sa kanya ay nakita niya ako na nakatayo at nakaharap sa kanya. Biglang namula ang mga pisngi niya.

"Kanina ka pa ba diyan?" Nahihiya niyang tanong. Gusto kong sabihin na oo pero mas nangingibabaw ang inis ko sa kapatid ko.

"He's such a jerk." Sagot ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya, naglakad na ako pababa ng hagdanan.

Alam kong hindi na dapat ako manghimasok sa kanilang dalawa pero hindi ko mapigilan. Masyado kong mahal si Luisa kaya naiinis ako kapag nakikita ko silang hindi nagkaka-intindihan ni Gab.

Pagkababa ko ay umupo ako kaagad sa couch at agad na binuksan ang laptop ko. I check my e-mail kung may importante bang messages. Habang nakatuon ang pansin ko sa laptop ay bigla namang sumulpot si Papa at umupo sa kabilang couch na nakaharap sa akin. May hawak siyang baso, I'm guessing he's drinking some whiskey.

"What's up?" Tanong ko sa kanya pero nasa laptop parin ang atensyon ko.

"Gab's flying to Australia." Sabi niya.

He what? Is that the reason why he looks upset?

"So that's why he's all grumpy." I replied unbothered.

"Why would he be? It's a great opportunity for him and for the company." He said while sipping on the glass.

"Don't you think it's a bit early?" Sagot ko. Bagong kasal pa lang si Gab. He needs to spend time with Luisa. Naiinis ako kapag nakikita ko silang magkasama pero hanggang doon na lang iyon. I accept my faith.

"What do you mean?" Confused na tanong ni Papa.

"Kaka-kasal pa lang nila, hindi pa nga sila nagho-honeymoon tapos paalisin niyo na si Gab? I think it's unfair for the both of them." I honestly said.

Hindi kaagad nakapagsalita si Papa. Parang napaisip din siya sa sinabi ko.

"Kaya ko naman asikasuhin ang mga business deals sa Australia. Just leave it to me." Sabi ko.

"I wish we can leave it that way Marco, but it's already decided. Gabriel will take care of it." Matamlay na sabi ni Papa. I can't believe this people. Wala ba silang puso? I know hindi kami nagkakasundo ni Gab pero I still care about him. He's my brother. They should consider his happiness just for once.

Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Papa.

"Ikaw, kailan ka ba mag-aasawa?" Tanong ni Papa out of nowhere. Sa gulat ko ay mali ang napindot ko na button sa keyboard. Bakit nabaling sa akin ang usapan?

"Let's not get there Pa." Sagot ko.

"Seryoso ako Marco. Malapit nang mawala ang edad mo sa kalendaryo. You need someone to be by your side." Umayos siya ng upo at tinitigan ako.

Chasing YouWhere stories live. Discover now