Gabi na nang maka-uwi kami sa mansyon. Oo dito kami umuuwi. Ito ang kagustuhan ng pamilya ni Gabriel. Gusto nila na sama-sama kami sa iisang bubong. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko kasi gusto kong bumukod kami pero wala akong magagawa, I don't have a say in here kasi sampid lang ako, asawa lang ako ni Gabriel. Ang hindi nila alam ay nagpapa-gawa kami ng bahay at malapit na itong matapos. We'll just have to figure out kung papaano namin sasabihin sa parents niya na bubukod na kami. Sa ngayon ay hindi muna namin iyon iniintindi. Masyado pang maaga at hindi pa tapos ang bahay.Pagpasok namin sa sala ay naabotan namin si Marco na naka-upo at busy sa kanyang laptop.
"Oh, nandito na pala kayo. Tamang-tama nakahain na ang pagkain." sinalubong kami ni Mama. Pansin kong napatingin naman si Marco sa amin.
Ngumiti ako at ganun din naman siya sa akin. Napaka-awkward talaga nito. Kailangan ko talagang magtiis dahil isang buwan pa bago siya babalik sa Australia. Mabuti na lang at araw-araw akong nasa flower shop kaya umaga at gabi ko lang siya'ng makakasalamuha.
Tumuloy na kami sa dining area at isa-isa na kaming na-upo sa hapag-kainan. Nagsimula na kaming kumain at ni isa sa amin ay hindi nagsasalita.
"So, sa isang buwan pa pala ang lipad mo?" Binasag ni Gabriel ang nakakabinging katahimikan habang patuloy parin kami sa pagkain.
"Yeah, I figured na mag stay muna dito. Hindi naman kasi ako masyadong busy doon and besides I can always work from home." Sagot ni Marco habang sinusubo ang pagkain.
"That's good to know. Just know your limits." Parang may laman ang sinabi ni Gab dahil iba ang tono nito. Hindi ko mapigilang isipin na hindi na trabaho ang tinutukoy niya. Bigla akong kinabahan. Hindi lihim kay Gab na may pagtingin si Marco sa akin at iyon ang kina-iinis niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ayokong maungkat pa ang nakaraan lalo pa't hindi ito alam ng mga magulang nila.
Bago pa man ako pumasok sa buhay nila ay hindi na talaga maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong problema nilang dalawa basta ang alam ko ay dumagdag pa ako sa isa sa mga rason kung bakit ayaw nilang magka-sundo. Parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Ang hirap maipit sa away ng iba.
"Excuse me?" Nagtatakang tanong ni Marco.
"Anong ibig mong sabihin Gabriel?" Tanong naman ng Mama niya sa kanya.
Hinigpitan ko ang pagpisil ko sa kamay niya, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Kung tungkol man ito sa pagitan namin ni Marco ay kailangan niya nang pigilan ang sarili niya.
"Gab." Mahina kong tugon.
"What? I only mean na he should not over work his body. Baka ma over fatigue siya kahit na dito lang siya sa bahay nagta-trabaho. You're all too defensive." Natatawa niya'ng sagot at nagpatuloy ulit sa pagkain.
"You know you should choose your words carefully next time Gab. It might get misunderstood." Matalim din ang mga salita ni Marco habang hinihiwa niya ang steak sa plato niya.
Nainis naman si Gab at agad siya'ng sinagot.
"Why are you so affected? Is there something on your mind when I said that you should know your limits? Oh right. Baka nga meron, and don't you dare think of it again or I'll throw daggers at you."
Sumasakit na ang ulo ko sa mga naririnig ko at hindi na ako magtataka kung bigla nalang akong mawalan ng malay dito.
"How pathetic." Tanging sagot lang ni Marco. Jusko, hindi ba sila titigil?
"Stop it! Both of you! Wala na ba talaga kayong respeto sa pagkain?" Lahat kami ay napatigil ng biglang sumigaw ng napaka-lakas ang Papa nila. Parang maiiyak na ako.
"He started it." Sabat ulit ni Marco.
"Another word young man, and I will make sure that you will both sleep on the streets for the rest of your life." Galit na sabi ni Papa. Napapikit na lang ako kasi hindi ko na talaga kaya.
"Pwede bang kumain na lang tayo ng mapayapa. Hindi ba kayo nahihiya kay Luisa? Ang tatanda niyo na pero kung mag away kayo ay para kayong mga bata." Hindi na rin nakapag-timpi si Mama at pinagsabihan niya ang dalawa.
Siguradong hindi sila nahihiya sa akin kasi in the first place ay ako naman talaga ang dahilan kung bakit sila nagtatalo. Ako ang nahihiya para sa kanila.
Natapos ang hapunan na wala ni isa sa amin ang umimik. Isa-isa kaming nagsi-alisan sa hapag ng walang pasabi.
"Hindi mo na dapat binara ng ganun si Marco." Sita ko kay Gab habang inaayos ang kama namin.
"Kinakampihan mo ba siya?" Naiinis pa rin siya.
"Hindi Gab. Alam mo you act so childish back there. Wala naman talagang dapat na pag-awayan eh. Masyado ka lang possessive. Panalo ka nga diba. Ikaw ang asawa ko hindi si Marco. I will never love him, you know that. Ako ang nahihiya para sa inyo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I burst my emotions at him.
"You don't know my brother." Maikli niya'ng komento.
"You talk nonsense." Ngayon ay naiinis na ako sa kanya.
"Ayoko lang na mawala ka sa'kin. You know how much I love you right?"
Hindi ako umimik. Walang patutunguhan ang usapan na ito kung hindi siya makikinig.
"I know. Kaya nga hindi ka na dapat nakikipag-away diba? Hindi ako mawawala sa'yo." Sagot ko.
Tinitigan niya lang ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"I love you. Always." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Please just drop that topic. Ayoko nang alalahanin ang bagay na iyon." paki-usap ko.
"I will."
Mga ilang minuto din hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang naka-unan ang ulo ko sa braso ni Gab.
Hello lovelies. Happy reading. Thank you nga pala kay TobiUkiyo sa book cover ng SCB at nitong Chasing you. Super ganda. Anyway, Vote and comment kung nagustuhan niyo ang story. Have a lovely day wattpaders.
YOU ARE READING
Chasing You
RomansaWhen Luisa's husband disappeared from a plane crash, her life started to turn into chaos. Despite of all the news that he's dead, She had a hunch that her husband is still alive so she continue to search for his missing body. Along her agony, withou...