Chapter 2

13 1 0
                                    

01,14,21

Happy Reading:))

Pagkagising ko,dali dali akong naligo at nag bihis.PE Day namin ngayon so okay lang malate kasi naman yung PE namin paulit ulit kung hindi arts ay malamang zumba ewan ko ba.Meron namang soccer field yung school namin meron ding basketball court pero always zumba,sabagay matanda na din kasi si Sir Erwin kaso nga lang wala pading asawa balak niya yatang tumandang binata.

Pababa nako nang hagdan ng naalala ko yung lalaking dinala ko kagabi,Hinanap ko nalang si Manang Bet para kamustahin yung lalaki hindi ko masyado naaninag yung muka niya kagabi eh.

"Manang bet"turan ko habang hinahanap parin siya

Pag punta ko ng garden nakita ko si Ate Tess yung isa pang kasambahay namin,tinanong ko sakanya kung nasaan si Manang Bet sabi naman niya umalis raw nag grocery.

"Hay nako Manang Bet nakalimutan nanaman yung chukie ko"sambit ko nalang

Kumain nalang ako nang almusal 7:15 palang naman eh,kahit naman pumasok ako ng 8 hindi ako mapapagalitan kasi alam ko hindi ako nagiisa.

Patapos nako ng biglang may umupo sa lamesa,shit.

"Asan ako?"tanong nito

Potakte,hindi nga???totoo ba to?OMG!!

"Miss,nasaan ako?Ano ba to Motel?Nag sex ba tayo?"sunod sunod nitong tanong

Gusto ko sumagot kaso ewan natutulala ako,hindi pa maprocess ng brain ko.Is this real???Andito siya sa harapan ko OMG!!!

"Pahinging bacon ha,nagugutom ako eh don't worry babayaran ko"sambit nito

Tulala lang ako habang nakatitig sakanya,hindi talaga ako makapaniwala siya talaga yung lalaking dinala ko?Shemay.

"Ahh m-miss yung laway mo"turan ng lalaki

Bigla nalang akong natauhan,potakte yung laway ko nga tumutulo na shit.

"P-pasen-s-sya kana"sagot ko

Potakte bat ako nauutal?Zaff relax easy ka lang wag kang magpapahalata.

"Okay lang,ano ba to motel?"tanong nito

Waao sa laki ng bahay namin,motel lang talaga para sakanya??Sabagay Milyones yung kinikita nito eh pero Milyones din naman kinikita ng parents ko ah.

"Hindi,nasa bahay ka namin"sagot ko

Uminom muna siya ng tubig tsaka tumingin sakin,"Paano naman ako napunta sa bahay mo?Nag sex ba tayo?"tanong nito

Bigla naman akong namasid sa sinabi niya,Pota??

"Sorry,so hindi tayo nag sex?"tanong nito

Potang lalaki toh,ganun ba talaga siya in real life?Para siyang sex addict fan niya paman din ako lalo na nung mga kanta niya,super nakaka LSS.

"Hindi,lasing ka kagabi and then pauwi na kami nung nag appear ka nalang out of nowhere"sagot ko

Argh,nakaka frustrate gusto ko mag pa autograph sakanya kaso nakakahiya pero sayang.

"So ilang taon ka na?"tanong nito
"18 lang,Senior High"sagot ko
"Ang bata mo pa,may boyfriend ?"sambit nito
"Single"sagot ko

Pinagpatuloy niya nalang ang pagkain niya.

"Ikaw?bat ka nag lasing kagabi?"tanong ko
"Oh yun,na sold out kasi yung tickets para sa concert ko"sagot nito
"Oww lucky me nakabili agad ako"sambit ko

Tinignan niya lang ako,pota?bat mo sinabi zaff shit.

"I mean,buti nalang sinama ako ng kaibigan ko nung bumili siya"sambit ko
"So fan kita?"tanong nito

Tumango lang ako,shit nakaka hiya ka zaff.

"What an incident,baka naman hindi lang kita  basta fan lang baka stalker rin kita"sambit nito

Agad akong nagtaas ng tingin sakanya,"Huy!Kapal mo  hindi ako stalker noh"depensa ko

Heh kapal niya,ako magiging stalker?Hell no yak hindi ako katulad ng ibang fans niya na sunod ng sunod sakanya na parang mga asong nagaagawan sa iisang buto.

"Okay sabi mo eh"turan nito

Asa ka,dzUh hindi ako pinanganak na Sandoval para mang stalk lang.

"Oh iha bakit andito ka pa?"

Agad naman akong lumingon,shit si manang bet.

"Ah kasi manang etong kaibigan ko,nagkwekwento pa"sambit ko

Tumingin naman siya sa lalaki at ngumiti.

"Oh iho,gising ka na pala"turan ni manang bet

Nagmano naman sakanya yung lalaki.

"Magandang umaga po"bati nito
"Magandang umaga din iho,buti nalang wala kang hang over lasing na lasing ka paman din kagabi"sambit ni manang bet

Ngumiti lang ito kay manang bet bilang sagot.

"Ah manang mauuna nako,malalate nako eh tsaka nga po pala sasabay sakin yung kaibigan ko"sambit ko

Inayos ko na yung mga gamit ko,at nag paalam na kami kay manang bet.

"Wala kang kotse?"tanong nito
"Meron,pero ayoko gamitin masaya kayang mag MRT"sambit ko
"Eh pano ako?Baka makilala ako"sagot nito

Kinuha ko yung hoodie sa bag ko at binigay sakanya.

"Gamitin mo yan"sagot ko

Sinunod naman niya ako pagkasakay namin ng MRT as usual siksikan nanaman,natatawa nalang ako sa lalaki kasi pinagitnaan ba naman ng dalawang malaking lalaki kaya ayun para siyang pinalaman sa tinapay. 

Pagkababa namin,ayun galit na galit.Pft di na nga siya nagpasalamat sakin kagabi sa pagpapapasok ko sakanya sa bahay eh.

Naghiwalay na kami ng daan kasi malalate na talaga ako at siya naman kanina pa daw tinatawagan ng manager niya dahil dun sa Photoshoot sa isang sikat na Magazine.

Sayang hindi ako nakapag pa-autograph,bahala na makaka punta din naman ako sa concert niya eh baka dun may chance nako.

Pagpasok ko ng clasroom wala yung teacher namin,kaya naman nag facebook nalang ako.

Habang nag soscroll biglang nag pop up yung isang friend request.

Holy shit??Pano niya nalaman yung pangalan ko?OmG

Pumunta ako sa wall niya kung legit ba na acc niya yun or hindi then nakita ko Followed by 10.1M potaaakte?ganun siya kasikat.

Inaccept ko nalang at nag log out na kasi naman magsisimula na yung klase namin sa next subject,terror pa naman yung teacher namin kasi menopause na.

   

                      Sashimeeeeey

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hulaan niyo nalang kung sino nga ba yung mysterious guy hshs

See you sa susunod na kabanata:))

The Girl He DatedWhere stories live. Discover now