KABANATA LIII

1.3K 84 47
                                    

Hindi man niya inaasahan na halik ang sunod na isasagot sa kanya ng mahal, mabilis na tinugunan ni Enrique ang halik na matagal na niyang kinakapanabikang muling matikman. Sobrang namiss ng binatang pulis ang malambot at matatamis na mga labing iyon ni Timothy, kaya naman susulitin niya ang matagal na panahong hindi niya nahagkan ang pinakamasarap na mga labi at tanging mga labing kanya na lamang hahagkan hanggang sa malagutan siya ng hininga.

Dama ni Timothy ang tila gutom na gutom na pagtugon at pag-angkin ni Enrique sa kanyang mga labi, at wala ng pakialam pa ang heredero kung anuman ang magiging kabayaran ng pagkakamali niyang mahalin muli ang lalaking batid nitong malapit ng ikasal sa iba, mas mahalaga sa mga sandaling iyon ang sinisigaw ng kanyang puso at ito'y hayaan ang lalaking kahit anong pilit niyang subukang kamuhian ay 'di niya makayang gawin.

Kapwa hingal na hingal ang dalawa ng humiwalay ang mga ito sa mainit na halikang namagitan sa kanila. Wala ring salitang binitawan ang isa't-isa, sa halip sa pamamagitan ng kanilang mata'y ipinahiwatig ng mga ito ang kanilang nararamdaman. At nagkaintidihan ang dalawang nag-iibigan sa pagitan lamang ng kanilang mga mata, na bintana ng kanilang puso't kaluluwa.

Muli ngang nagtagpo ang mga labi nila Enrique at Timothy sa ikalawang pagkakataon, at habang patuloy sila sa mainit nilang halikan, mabilis ang naging kilos ng binatang pulis at iginiya nito ang kanilang mga katawan ng heredero patungo sa sariling kuwarto.

Pagkasara at nasigurong naikandado ang pintuan ng pag-aaring silid, muling inangkin ng barakong pulis ang maga ng mga labi ng heredero. Naging mas malalim pa ang ginawang paghalik ni Enrique sa masasarap na mga labing iyon ni Timothy na kailanman ay 'di niya pagsasawaang angkinin ng paulit-ulit, hanggang sa bumaba pa ang mga ginagawang paghalik na iyon ng Kapitan patungo sa makinis at maputing leeg ng heredero.

Otomatikong iniliyad ni Timothy ang kanyang leeg, para lalo pang mabigyan ng daan ang gagawing pag-angkin ni Enrique sa bahaging iyon ng kanyang katawan. At sa bawat paghalik at pag-angkin ng mga bihasang labi ng barakong pulis sa parteng iyon, tila lalong pinapaliyab ang init na kasalukuyan na niyang nararamdaman.

Nang magsawa ang barakong pulis sa pagpapak sa leeg ng heredero na napuno na rin niya ng maraming marka, walang kahirap-hirap na nabuhat nito ang magaang katawan ng mahal hanggang sa mailagay niya ito papunta sa gitna ng malaki at malambot na kama.

Alam na ni Timothy ang susunod na mangyayari sa pagitan nila ni Enrique, at wala itong pagsisihan anuman ang maging bunga ng gagawin nila ng mahal.

Muli, gaya kanina, wala ni isang salita ang lumabas sa mga labi nila Enrique at Timothy nang magtagpo ang kanilang mga mata. Tila naghihintayan ang mga ito kung sino ang unang gagawa ng hakbang na magiging hudyat kung ano ang susunod na mangyayari.

Alam ni Timothy na ang pahintulot na lamang niya ang hinihintay ni Enrique para maipagpatuloy na nila ang kanilang nasimulan kanina, batid rin ng heredero na ibayong pagpipigil ang ginagawa ngayon ng barakong pulis na tila gutom na hayop kung makatingin sa kabuuan niya.

At bilang pahintulot na pumapayag na ito sa mainit na tagpong mangyayari sa kanila ni Enrique, kasabay na pagkagat nito sa sariling labi, mabilis na hinablot ni Timothy ang kuwelyo ng suot na polo ng barakong pulis atsaka ito bumulong.

"Make love to me daddy."

Tila dumoble ang nararamdamang pananabik at pagnanasa ni Enrique sa narinig nito sa heredero, kaya naman mabilis nitong sinagot ang hiling na iyon ni Timothy sa pamamagitan ng muli nitong pag-angkin sa masarap at matatamis na mga labi ng huli.

Hanggang sa sumunod ang mas mainit pang tagpo sa pagitan nilang dalawa ng heredero, at ipinagpapasalamat ni Enrique na sound proofed ang pag-aaring silid at tanging sila lamang ni Timothy ang makakarinig sa pagpapalitan nila ng kanilang mga ungol, habang patuloy sila sa pagpapadama ng init ng kanilang pag-ibig at pananabik sa isa't-isa.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon