KABANATA LXVIII

1.2K 80 26
                                    

Sa mga sumunod na araw na lumipas, sa probinsiya sa Quezon nanatili ang magkasintahang Enrique at Timothy kasama ng anak nilang si Ethan. At wala pang isang buwan ang pananatili nila sa probinsya, tuluyan ng gumaling at nakapaglakad na ng maayos ang Kapitan.

"Paano baby? Humanda ka na mamayang gabi, dahil magaling na sa wakas si daddy." bulong ni Enrique sa heredero na abala sa mga sandaling iyon sa paghahanda ng kanilang almusal.

"Ric! Umayos ka nga, baka marinig ka ng anak natin." saway kaagad ni Timothy sa pilyong nobyo, sabay tingin rin nito sa kanilang anak na nasa hapag at malapit lang sa kusina kung saan naroon sila ng nobyo.

"Baby, busy ang anak natin sa gadget niya, bakit hindi mo ba namiss si junior?" tugon lang ni Enrique, tsaka sunod na ikiniskis ang namumukol na sa tigas na malaking sandata sa matambok na pang-upo ng nobyo.

"Alam mong sobrang namiss ko rin iyan, pero umayos ka na muna daddy, para matapos na ako sa pagluluto." pigil ni Timothy sa literal na malaking tuksong sumusundot sa kanyang likod.

"Damn baby, lalo pang nagalit si junior, o sige titigil na ako, pero mamayang gabi walang tigil ang gagawin kong pagbayo sa'yo." pagsuko ni Enrique na humirit pa ng biro sa huli.

Nangingiti at naiiling na lamang pinagmasdan ni Timothy ang pagtalikod sa kanya ng nobyo, na sinamahan na sa hapag ang kanilang anak.

...

Matapos ang kanilang agahan, kaagad ng gumawa ng paraan ang tigang na pulis para masolo na muna nito ang heredero.

...

"Oh nay, tay! Pasok po kayo, tatawagan ko lang si Ric." gulat na reaksyon ni Timothy pagkakita sa mga magulang ng nobyong pulis na 'di nito inaasahang darating.

"Sige Tim." ngiting sagot ni Lupe at kasama ng kabiyak ay sumunod naman kaagad ang mga ito papasok sa loob.

...

"Biglaan naman yata baby, ano raw sabi at biglaan ang pamamasyal nila tatay?" kunwari'y nagulat at walang-ideyang tanong pabalik ni Enrique sa nobyo.

"Sigurado kang hindi ikaw ang may kagagawan kaya nandito sila nanay?" duda at huli ng heredero sa nobyong pulis.

"Bakit ko naman gagawin 'yon baby?" tanggi ni Enrique sa diskupiyadong kaharap na mariin ring tumititig sa kanya.
"Mabuti pa'y samahan na natin sila nanay, para malaman na natin kung bakit sila naparito." pag-iiba pa ng Kapitan, bago tuluyang mabuko ang ginawa nitong kalokohan.

...

"Biglaan yata ang pamamasyal ninyo, tay?" baling kaagad ni Enrique sa ama na kakuntsaba rin nito.

"Eh kasi ang tatay mo-." naputol na sagot ni Lupe, dahil sa biglaang pagsagot rin ng asawa.

"Namiss namin si Ethan anak, kaya Tim gusto sana namin ng nanay mo na sa amin na muna kahit isang linggo lang ang apo namin." paliwanag ni Pepe at hinging pahintulot nito sa nobyo ng anak.

Hindi naman nakaligtas kay Lupe ang mga naging kilos ng kanyang mag-ama, at mabilis na nabatid ng ginang ang ginawang kuntsabahan ng dalawa.

"Kung iyon po ang gusto ninyo, sige po." pagpayag ni Timothy sa nais ng mga lolo't lola ng kanilang anak.

"Salamat Tim." ngiting sagot ni Pepe at makahulugang tumingin sa anak na nagpipigil na mangiti sa mga oras na iyon.

...

"Wala pang isang oras, pero namimiss ko na kaagad ang makulit na anak natin." labas ng saloobin ni Timothy, na ang ulo'y nasa mga hita ng nobyong pulis, habang nasa sala sila sa hapong iyon at abala sa panonood ng telebisyon

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon