"Hay! Sana makatagpo din ako ng lalaking gwapo, iyong mayaman at mamahalin ako ng tapat. May ganoon pa kayang lalaki?!" malakas na tanong ko sa aking sarili. Habang yakap-yakap ko ang katatapos ko lang na babasahin. "Saan kaya ako makakatagpo ng ganoong lalaki?!" muling bulalas ko.
"Nandiyan sa loob ng pocketbook na binabasa mo," singit ng kaibigan kong si Analyn.
Napasimangot akong tumingin sa babae. Parang gusto ko tuloy itong sakalin.
"Keith, kung ang basihan mo sa paghahanap ng lalaki ay riyan sa loob ng pocketbook na binabasa mo, wala ka talagang makikitang perfect handsome sa ngayon!" palatak ng kaibigan ko.Napairap na lamng ako kay Analyn. Nandito kami sa employees canteen sa ground floor ng building na kinaroroonan ng opisina namin.
Pare-Pareho kaming customer relations officer sa isang lans development firm.
"Kaibigan pa naman kita pero sinisira mo ang ilusyon ko."
"Mahal kong kaibigan itinatama ko lang ang ilusyon mo. Ay! Teka lang mauuna na ako sa iyo Keith. Sumunod ka agad, ha," biling sa akin ni Analyn.
"Bakit nagmamadali ka, Lyn? Ang aga pa kaya." Muli siyang humarap siya sa akin habang nakataas ang isang kilay."Hindi ka na naman nagbasa ng memo, ano? Alam mo bang lahat ng empleyado ay pina-paassemble ng ala-una sa conference room."
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Teka bakit hindi ko yata alam iyon? Hindi tuloy ako makapagsalita.
"Kieth Galindo, puwede ba! Magbasa ka rin ng memo paminsan-minsan!"
"Sorry naman po! Nakalimutan ko kasi," palusot ko sa babae sabay ngiti ng alanganin.
"Iwan ko sa 'yo, Kieth! Bilisan mo na lang at baka malate ka na naman."
"Sige, susunod na ako sa 'yo," sagot ko. Pero ang totoo ay wala pa akong balak umalis sa aking pagkaka-upo. Muli akong tumingin sa kawalan at pagkatapos ay nagsimula na naman mag-ilusyon.Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang pagtingin ko sa aking relong pambisig ay sampung minuto ang natitira sa akin.
Kaya naman maliksi akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagmamadaling tinungo ang elevator.
"Anak ng tipa late na ako!" palatak ko.Nang bumukas ang elevator sa harap ko'y nagmamadali na akong pumasok sa loob. Kaya lang biglang naputol ang takong ng sapatos ko. Peste! Dahil malas yata ang araw ko. Ang masama pa'y lumusot ang naputol na takong sa maliit na butas. Hirap na hirap tuloy akong alisin iyon. Alam ko'y puwede pa itong idikit. Saka sayang naman ito.
"Pambihira! Kung kailan nagmamadali ako! Nakakainis!" palatak ko at patuloy na hinihila ang naputol na takong. Hindi ko alintana ang papasarang elevator. Ang gusto ko lang ay makuha ang aking pakay. Ang mahal kaya ng bili ko rito sa sapatos ko, tapos ganito lang ang mangyayari basta na lang naputol.
BINABASA MO ANG
Mr Impossible/Completed
RomansMababaw lang ang kaligayahan ni Kieth Galindo. She loves reading romance novels and watching korean movie. Tulad ng karamihan ng mga babae, naghihintay rin siya ng lalaking nakatakda sa kanya. The fated man of her dreams who would sweep her off he...