What Lies Ahead (One Shot)

10 1 1
                                    

"Kung papipiliin ka? Makita ang future o ang past?"

I shifted on my seat, feeling a bit uncomfortable with the question asked. Hindi naman ako ang tinatanong pero hindi ako naging kumportable.

"Syempre future! Aba para makita ko naman kung sinong magiging asawa ko." Sagot ng tinanong. Three girls giggled as they continued their chitchat.

Tahimik na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sanay na ako marinig ang ganitong usapan sa mga taong nasa paligid. Hindi man ako kasali sa usapan ay naririnig ko naman. Minsan sa waiting shed, minsan sa cafeteria ng school, minsan sa daan, at ngayon naman ay dito sa malawak na field ng school namin.

Pinagmasdan ko ang bughaw na langit. Naka-upo ako sa bleacher ngayon dahil tapos na ang PE class namin, may meeting naman ang mga teachers at faculties kaya walang klase.

Bahagyang gumalaw ang bleacher na inuupuan ko. I glanced at the three girls who walked passed me. Nasa pinaka-unang row sila naka-pwesto kanina, nasa pinaka-mataas, habang ako ay nasa pangatlong row naman.

Bago sila tuluyan na makababa ay tumingin ang isa saakin, she smiled shyly but I immediately avoided her eyes. Napansin ko sa peripheral vision ko na tumitig pa ito ilang sandali saakin bago sila bumaba.

Nang ibinalik ko ang tingin sakanila ay nakababa na ang mga ito at papalayo na sa bleachers kung nasaan ako. Kilala ko ang mga iyon, kasali sila sa cheerleading squad ng school. Pinagmasdan ko sila habang papalayo. They looked happy while greeting some of the fellow freshmen they knew. Halos lahat ay binabati nila dahil kilala.

Mapait akong napa-ngiti. Naalala ko na ganyan rin ako noon bago mangyare ang aksidente six months ago. I had a perfect life. I was an honor student, kasali sa cheerleading squad ng school, pati sa mga school organization. Kilala ako ng mga freshmen at kahit ng Seniors. May mga manliligaw sa iba't-ibang section at maraming kaibigan. My Academic and my Social life was then perfect.

Ngayon nasa Senior Year na ako, ibang-iba na ang lahat.

Napa-igtad ako ng maramdaman ang biglang pagbuhos ng ulan. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa may silong na parte ng College Building. Nang makarating ako roon ay basang-basa na ako, hindi pa nakatulong na basa rin ang mga kasabay ko sa pag-silong.

Shit. Ang hassle naman.

Naka-yuko ako habang pinapatuyo ang itim na Charles and Keith handbag ko gamit ang handkerchief ko. Nasa gitna ako ng pagpupunas non ng may kumalabit saakin.

"Sancha,"

Natigilan agad ako sa ginagawa dahil sa pamilyar na boses. I rolled my eyes as I walked passed, wanting to get away far from the guy who called me.

"Uy, Sancha. Suplada talaga!"

I groaned. Damn it! Ang makulit na ito, nakita nanaman ako!

"Wait up, excuse me po excuse me, sorry, excuse me sorry—"

Nagmamadali akong naglalakad habang naririnig ko itong panay sorry sa mga taong nadaraanan. Iyon nga lang ay ang tanging labasan lang papunta sa parking lot ay open area na, hindi ako maka-alis dahil sa buhos ng ulan.

I stopped walking, busangot na ang mukha dahil alam ko na ang susunod na mangyayare.

"Uy Sancha! Ano ba naman ito iniwan ako," Trevor said, tuluyan nang nakaabot at nasa gilid ko.

Hindi ko ito pinansin at nanatili lang akong nakatingin sa sahig na basang-basa na. Hindi ko pa naman dala ang earphone ko, hindi ko maisuot nang tuluyang maitaboy ko na ang isang 'to.

What Lies Ahead (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon