Twenty One

3.1K 98 15
                                    

Philer POV

Hello mga readers?? Its me your gwapo at handsome plus talented equals PERPEKTO—Philer Yanako at heto ako ngayon sumisipol ako habang naglalakad papuntang Biglang Ganda Academy o B.G.A!

Weird ng name no?? Eh weird din naman ang may ari walang iba kundi si Lhandy. Sya nga ang nagpangalan sa school namin pero sya hindi naman maganda.

Back to me heto nga ako naglalakad kasi naman hindi lahat ng GWAPO naka kotse

-

-

kasi minsan NAGLALAKAD LANG KAMI!!!

Oh wag ng kumontra pa! Mukha na ang ebidensya. Pero yong totoo yong kotse ko nasa parking na kaya naglalakad ako..baka kasi akalain nyong naghihirap na ako. Nagkakamali kayo!

Pagpasok ko sa gate ng school sinalubong agad ako ni Kereisha. Mukhang chance ko na to para makapagbalikan na kami pero syempre hindi ko ipapahalata sa kanya na baliw na baliw pa rin ako sa kanya gaya nga ng sabi ni Lhandy sa akin.

Kaya naman nagpanggap ako na hindi ko sya nakita at dumiretso ako ng lakad. At nakakailang hakbang pa lang ako eh pinigilan na agad ako ni Kerei.

"Sandali Philer!" Humarap naman ako sa kanya.

"Oh Kereisha ikaw pala" painosente kong bati sa kanya syempre bawal magpahalata.

"Pwede ba kitang makausap!!" sabi nya.

Naalala ko ang sinabi ni Lhandy na magpahard to get daw ako kapag nilapitan ako ni Kereisha at dahil may taglay na kalandian si Lhandy malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Sorry Kereisha pero may klase pa tayo diba?? Kaya pupunta na ako sa room kung wala ka namang balak pumasok eh mauna na ako sayo!!" sabi ko at tatalikod na sana.

Pero habang tumatalikod ako binubulong ko na sana pigilan nya ako.

"Ano ba Philer wag ka ngang maarte!! Kakausapin lang kita kasi gusto ko ng makipagbalikan sayo!!" sigaw ni Kereisha

Napangiti naman ako sa narinig ko mukhang mapapadali pa ata ang plano namin ni Lhandy at mukhang effective ang mga sinabi nya  sa akin. Bilib na talaga ako sa kalandian nya. Tsk! Tsk!

Dahan dahan akong lumingon sa kanya.

"Anong sabi mo??" tanong ko sa kanya.

"Alam kong mahal mo pa rin ako Philer wag ka ng tumanggi pa kasi halata naman sayo..ginamit mo pa talaga si Lhandy at kung inaakala mo na magseselos ako sa inyo...well congrats kasi NAGSESELOS na ako. Kaya naman please BabyLove bumalik ka na sa akin" pagmamakaawa ni Kereisha at unti unti na syang umiiyak.

Agad ko naman syang niyakap at pinatahan ayoko lang kasi na nakikitang umiiyak ang BabyLove ko.

At dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan ang babylove ko aaminin ko na sa kanya na mahal ko pa rin sya. Kasi kahit ganito naman si Kereisha iba pa rin talaga ang tama ko sa kanya.

"Hush! Babylove..okay wag kang mag alala kasi mahal pa rin kita at hindi totoo ang sa amin ni Lhandy nagpapanggap lang kami para mapagselos ka namin." sabi ko sa kanya.

At agad naman syang ngumiti at tumingin sa akin.

"Talaga?? Alam ko naman ang sa inyo ni Lhandy alam ko namang mahal mo pa rin ako." di makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Mahal na mahal kita ikaw lang sapat na!! Kaya girlfriend na ulit kita" nakangiting sagot ko sa kanya.

"P--pero bago maging tayo ulit may favor sana ako sayo!"

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon