KAPAL 8

2.8K 92 6
                                    

Lhandy POV

Nabored ako sa unang araw ng klase ko. Kung nasa Vegas pa ako sana ang saya saya ko ngayon kasi ang mga tao ngayon dito parang ngayon lang nakakita ng Magandang Dyosa. Duhh! Ang tagal ko na kaya dito.

WAla pa rin akong kaibigan ngayon dahil hindi ko mga feel ang mga tao dito. Okay na ako kay Aina at ayoko pang madagdagan pa.

LUmabas na ako ng classroom para makalabas na dito.

"Lhandy" nagulat ako ng may biglang may humila sa mga braso ko.

Lumingon ako sa kung sino man ang tumawag sa akin. At nakita ko si Philer.

Psh! Ano na naman ang problema ng taong to! Di makagetover sa kagandahan kong pang dyosa na naglevel up??

"ano na naman ba ng problema mo Philer??" naiinis na tanong ko sa kanya. Mabuti nga at hindi nya kasama si Kereisha.

"Lhandy please magusap naman tayo oh" pagmamakaawa nya.

Napatitig ako sa itsura nya dahil talagang ang laki ng iginwapo nya. Mas nag matured sya ngayon at ang laki ng pinagbago nya dati.

"Philer ano ba ang problema mo, wala na tayong dapat pagusapan pa" sagot ko sa kanya at tatalikuran ko na sana sya.

Pero ang kulit nya kasi hinarangan nya pa ako sa dadaanan ko.

"Lhandy please gusto ko lang magpaliwanag sayo gusto ko maibalik ulit yong dati dahil kahit lumipas na ang tatlong taon ikaw pa rin talaga ang mahal ko. Ang hirap kalimutan ng isang tulad mo hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Kaya ngayong may chance ako hindi ko na ito palalampasin pa kaya please LHandy let me talk to you! Give me another chance para maipagpatuloy ang relasyon natin" sabi nya at umenglish pa.

"alam mo Philer ang araw nga lumulubog, ang baso nga nababasag ,ang kwento nagtatapos relasyon pa kaya natin?? Kaya wag ka ng umasa na mayroon pang tayo dahil simula ng umalis ako tinatak ko na sa isip ko na kakalimutan ko na lahat at pag ako nagbago isa lang ang sisiguraduhin ko, hahanapin mo yong dating ako na binabalewala mo!" sagot ko para matahimik sya at marealize nya na malaki akong kawalan at dahil yon sa kanyang katangahan.

Biglang lumungkot ang itsura ni Philer.

"alam mo Lhandy iba ka na, ibang ka na nga wala na bang halaga ang mga pangako ko?? Ang laki na ng pinagbago mo kumpara sa Lhandy na minahal ko non! Maganda ka nga ngayon pero kahit naman na hindi ka maganda noon minahal pa rin naman kita ah! Nagbago ka na talaga!" sabi ni Philer na parang galit pa sa akin.

Wow! Sya pa talaga ang may ganang magalit after all this years sya yong may kasalanan sa akin pero kung sabihan nya ako ngayon parang ako pa yong masama dito ah.

"Walang mali sa taong nagbago Philer, hindi mo lang talaga matanggap na hindi ako yong dating nakilala mo!So dont blame me if i change, blame yourself because you made me feel this way!" sabi ko at inirapan sya.

Hindi sya nagsalita sa mga sinabi ko. Guilty!!

"oh ano bakit hindi ka makasagot PHiler?? Akala ko ba gusto mo akong makausap guilty ka ba masyado?? Kasalanan mo ito dahil naging tanga man ako sa sobrang pagmamahal ko sayo noon, mas naging tanga ka naman dahil pinakawalan mo ang taong nagmamahal sayo ng totoo!" sabi ko sa kanya.

Gusto ko ng ilabas lahat ng galit ko pero hidn ko alam kung paano. Gusto kong ipamukha sa kanya ang katangahan nya nong sinaktan nya ako.

"Lhandy bakit ikaw lang ba ang nasaktan ng iniwan mo ako?? Tatlong taon! Tatlong taon akong umaasa sayo pero iniwan mo lang ako. Yong mahal na mahal kita at gusto kitang ipaglaban pero hindi ko alam kung saan maguumpisa dahil wala ka na nga" sabi nya at malungkot na tumingin sa akin.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon