[TSCF] Chapter 5

29 1 1
                                    

The So-Called-Friendship

Written By: MandyCyrille

Chapter 5

Mandy's POV

Recess time na pero wala akong ganang kumain kasi badtrip ako.

>.> "Masarap kaya yung pagkain sa KFC" Yung kaklase ko.

Nananadya ba tong mga toh.

Malapit na rin ang Christmas Party namin. Pero wala pa rin akong damit na gagamitin sa party.

"Mandy, nakabili ka na ng regalo mo para sa exchange gift ?" >.> Tinignan ko lang siya at sabing "Hindi pa."

Tumayo na ako at pumunta sa pinakalikod. Sobrang sama lang kasi ng pakiramdam ko, idagdag mo pa pagkabadtrip ko.

Parang ayaw ko na ngang umattend sa party eh. First time yun kung sakali.

"Louiza, tuloy daw reunion ng VI-Gold" Narinig kong sabi ni Eunice.

Lumabas na ako ng room. Mas nainis kasi ako.

Habang naglalakad ako, naisipan ko munang magstay sa garden. Kaya lang nung nakarating ako dun. Masyadong maraming tao kaya sa iba na lang ako tumambay.

'Ang sakit na talaga ng ulo ko' Sa isip isip ko.

Tumigil ako sa may tapat ng isang malaking puno.

Dahil sa pagod, sumandal ako dun at nag - isip isip.

Siguro, ititigil ko na ang pagpapapatuloy nung International Project ko.

Napag - isipan ko ring lalayo na ako sa mga kaibigan ko.

Tumayo ako pero medyo nahihirapan nang maglakad pero pinilit ko pa rin.

Siguro nga dapat ko na ngang magbago kasi ... Kasi ...

*Blackout*

Someone's POV

Naglibot ako sa dating tambayan namin. Hay ...

May narinig akong ingay malapit sa may malaking puno at may natanaw akong babae.

"Miss ?" Lumapit ako sa kanya kaya lang bigla siyang natumba.

Dahil hindi naman ako superhero, syempredi ko siya nasalo.

"Miss, gumising ka." Hinawakan ko siya at saka ko narealize na nilalagnat siya at ang lamig ng kamay niya.

Putek naman oh. Tinext ko yung kaibigan ko para humingi ng tulong.

~

To: Dre Dylan

Dre punta ka sa dating tambayan. EMERGENCY !

~

Wala pang 5 mins. nandito siya agad.

Ambilis niya ah.

"Dre. Ano ginawa mo ? Lumipad ?"

Nahalata ko namang nagtataka siya. "Ano bang sinasabi mo ?"

"Ang bilis mo kasi nakarating." Lumapit na siya sa akin at binuhat niya yung babae.

Tinatanong ko siya kung saan niya dadalhin yung babae. Aba'y di ako pinapansin.

*Apink - Hush Ringtone*

"Dre Kevin ano ba naman yang ringtone mo, pambabae. Madiri ka nga." -Dylan. Grabe mang insulto ah =_=

Saka di naman yun sa akin eh, naka vibrate mode lang phone ko. "Di akin yun"

Binaba niya yung babae sa isang bench tapos kinuha yung cellphone sa bulsa ng babae.

The So-Called-FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon