Prologue

9 1 3
                                    


"Ano? G ka ba?" 


Pinag-iisipan ko pa kung sasagot ako ng oo sa tanong niya. Nakaka-tempt 'tsaka kailangan ko rin ng mapagkikitaan ngayong summer break. But I'm thinking about my parents, if they'll support me on this or not.


"Ano na? "


"Teka nga lang, atat na atat ka yata, teka lang." Nairita na ako sa maya't-mayang tanong sa akin ni Bruce. 


Nakita ko sa bintana na may mga estudyante nang papaakyat dito sa building. Malapit na matapos ang recess time. 'Di pa nga ako nakakabili ng pagkain dahil kinukulit ako ng lalakeng 'to.


"Eh, sabi mo kahapon ngayon ka na magdedesisyon! Malapit na time, Beth, ano na?" Sabi niya habang tinitingnan ako diretso sa mata. Ba't ba 'to atat, eh, magkaklase lang naman kami.


"Bulong ko nalang sa 'yo mamaya. Final na, promise!" Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya na tila naiirita na sa 'kin. Ang impatient talaga.


"6 pm iyong gig namin doon 'tsaka 4 na, magpapractice pa after class tapos ang tagal mong makadecide. Huwag na nga lang, hanap nalang kami ng iba uy-" Hindi ko siya pinatapos dahil nataranta ako baka talaga 'di na nila ako kukunin.


"Oo na nga gago, ang impatient mo." 'Di ko na napigilang sabi dahil sa pangungulit niya.


Pumasok na ang ibang mga kaklase namin dito sa clasroom habang may kanya-kanyang dalang pagkain. Nagutom tuloy ako. Iyong si Bruce kasi sarap sapakin.


Tumingin nalang ako sa labas. Nasa may bintana kasi ako nakaupo. I just love this spot, bukod sa hindi natatapat ang araw dito, nakikita ko rin ang nangyayari sa grounds. Kapag 'di ko trip makinig sa teacher, diretso tingin lang ako rito. Buti nalang talaga noong seat arrangement nasa sa amin na kung saan kami uupo.


"Uyyy!" Sigawan ng mga kaklase ko kaya napalingon ako sa kanila pero imbis na sila ang makita ko, nakita ko ang nakatayong lalake sa harapan ko. 


Ah, si Bruce.


"Uyy, sana lahat binibigyan ng pagkain. When kaya si me magkaganyan!" Sigaw ng isa kong babaeng kaklase, ewan ko sino 'yon.


Tumingin ako sa mukha ni Bruce-- gago 'di pala si Bruce.


"Oh?" Pambungad kong tanong sa kanya. 'Di ko na pinapansin mga tukso ng classmates ko. Diyan naman sila masaya, hayaan nalang. Tumingin ulit ako sa pagkaing nilapag niya sa desk ko. "Ano 'to?"


"Kung may isip ka, alam mo na sana kung ano 'yan." Ang pilosopo naman neto, oh. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko at nakapamulsa habang 'di inaalis ang tingin sa akin.


"'Di ako bobo, noh. Ba't mo 'ko binibigyan ng pagkain? Siguro secret admirer kita tapos ngayon ka na naglakas loob magconfess, noh?" Nakangising sabi ko sa kanya, tinutukso siya. Transferee ba 'tong lalakeng 'to? Ngayon ko lang siya nakita.

BettyWhere stories live. Discover now